Phase 19

101K 3.7K 505
                                    

Phase 19

Our days together went smooth and headlong, lalo pa nang maipakilala ko siya kay Mommy at Tito Jaime. Mom looks so fond of Elos' presence everytime he visits home. Mas madalas si Elos sa bahay simula noon, tuwing ihahatid niya ako ay napapatagal siya sa pag-uwi dahil parating inaaya ni Mommy sa hapunan.

"Hindi halatang gustong-gusto ni Tita si Thelonius Villareal, ah." tawa ni Cheena habang kumakain ng cookies.

I shrugged and continued eating siomai.

"He's a good man!" singit ni Mommy habang nagpiprito ng panibagong fried siomai. "Ametrine, I am warning you. Just a sauce with calamansi, huwag ng lagyan ng sili!" babala niya pa at humarap ulit sa pagluluto.

Huminga ako ng malalim habang ngumunguya. I kmow, I know. Parati nalang ba akong mawawarningan ng mga tao? Elos was always warning me about my food everytime, lalo na kapag hindi kami nagkakasama sa lunch sa campus.

Tumawa si Cheena. "He's also handsome, Ta. Grabe! Crush na crush ko talaga siya simula highschool palang sa Brentdale. Napansin na rin niya ako noong tinulak ko ng kaklase ko sa kanya."

Nalukot ang noo ko.

"Talaga, Chi? Bakit parang hindi ko naman nakikita si Elos noon?"

"Aba, nagtaka ka pa? Hindi ka naman talaga namamansin, Met. Lalo na kapag may krayola, lapis at papel ka na sa harapan! Hindi mo siya napapansin noon dahil hindi naman siya nagpapapansin sayo!" tawa niya.

Ngumiwi ako at napairap. "Kanino siya nagpapapansin noon?"

Hindi ko talaga kilala si Elos noon, I don't know how it happened. Pareha naman kaming Brentdale Academy, pero hindi man lang nagkasalubong ni isang beses? Kasi hindi talaga pamilyar ang mukha ni Elos sa akin noon. Ang unang malapitan kong interaksyon sa kanya ay iyong muntikan na akong mabunggo ni Minther dahil sa paghaharutan nila.

"I'm not sure about it, Met. He's an ultimate playboy type campus crush back then, siya iyong madalas manguha ng candid shots sa school dati." aniya sabay kain ng panibagong cookies. "Guwapo na siya noon, approachable at friendly. Pero mas lalong gumwapo ngayon dahil lumaki rin ang katawan. Malaki ba, Met?" bulong niya sa huling tanong.

Nangunot ang noo ko.

"Ilang inches?" pabulong niya ulit na tanong.

"He's 6'4 tall, Chi. Stalker ka niya, bakit hindi mo alam?"

Her mouth ventilated in shock, hinampas niya ako at kinurot. Ngumiwi ako at tinulak siya pero hinila niya lang ako habang ang mga mata ay nasa likuran ni Mommy.

"Bruha ka, hindi iyon ang tanong ko. Alam ko height niya. What I want to know is how long his snake was." she hissed in a whisper.

I shuddered boldly at her question, agad akong napakamot sa aking mga braso para pigilan ang pagtayo ng balahibo roon. Nanlalaki ang mga mata ko kay Chi, she was grinning wickedly as she saw my reaction.

"Oh, mukhang malaki. Hindi mo ba sinukat?"

"The hell with you, Cheena Padillo! You fucking shut that question!"

Sa sobrang pag-iinit ng kinauupuan ko ay gusto kong maligo sa malamig na tub, masyadong disturbing ang tanong na napili ni Cheena at ayaw ko mang aminin ay apektado akong sobra. Hindi ko malaman kung maiinis ba ako o makukuryoso sa bagay na iyon.

Hell, Ametrine! Mainis ka nalang, okay?

Suminghap siya sa gulat sa sigaw ko, ganoon din si Mommy na biglang napaharap sa aming gawi at tila takang-taka sa argumento namin ni Cheena.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon