Brooklyn's POV
"Hoy anoba. Pwede bang dahan dahanin mo naman? Kapag tayo nabanggaaaaaaaaa"
"Utang na loob maghinay hinay ka naman sa pagmamaneho. Yung buhok ko ang gulo na!!!"
"Fvck!!!! Yung pedestrian light!!!"
"One way lang to. Wag ka ngang lumikooooo."
Halos matanggal na ang lalamunan ko sa kakasigaw sa kasama ko. Pano ba naman kasi. Kung magmaneho ay akala mo, sya lang ang nag iisang tao sa kalsada.
Kita ko sa mukha nya na nagpipigil lang sya ng tawa at sobrang naiinis ako. Malamang may ipang aasar na naman sya sakin.
Ngayon lang kasi ako sumabay sa kanya since hindi talaga kami magkasundo. Kaya siguro isang himala na lang kung magkakagusto ako sa taong kagaya nya. Dahil sa unang tingin pa lang, halata nang bagyo ang namamagitan samin at hindi chemistry.
"Just shut up. You look so stupid when you're screaming."sabi nya pero inirapan ko sya. Oo sinabi kong hindi ko sya kakausapin sa buong byahe. Pero talagang nanadya sya eh. Sinadya nyang magdrift ng maraming beses, patakbuhin ng sobrang bilis ang kotse hanggang sa halos mamatay na ko. At ang loko. Halatang nag eenjoy sa ginagawa nya.
Mabuti na lang at nakarating na kami sa company. Salamat sa mabilis nyang pagmamaneho. Agad kong tinanggal ang seatbelt saka mabilis na lumabas ng sasakyan. Hindi ko na sya hinintay. Kagaya ng lagi naming ginagawa ay hindi kami nagpapansinan na para bang hindi kami magkakilala kapag nasa labas kami.
Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil wala ngayon si Jungkook. Maaga daw pumasok para mag attend ng board meeting. And it only means wala sasaway sakin sa kung ano man ang dapat kong gawin. Dahil board meeting yun, siguradong matagal yun matatapos. Hindi ko lang sigurado kung anong oras.
Sobrang laki ng building na to. Hanggang 70th floor pero ang opisina namin ay nasa 47th floor lang.
Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 47th floor kung nasaan ang opisina habang naghihintay ay inilabas ko muna ang phone. Sakto namang may nag email sakin na empleyado dahil kailangan nya daw akong kausapin regarding sa bilin ni Jungkook na gagawin ko kanina.
Medyo binilisan ko na lang ang lakad ko dahil hindi naman ako ganun ka harsh para paghintayin ang empleyado lalo pa't sekretarya lang naman ako. Ang problema ko lang ay baka sa office din magstay si Taehyung. Ibig sabihin lang nun ay makikita ko na naman ang pagmumukha nya.
Magkahiwalay naman kami ng opisina ni Jungkook. Pero nasa iisang floor lang kami. Kaya lang. Dahil secretary nya nga ako, kailangan kong bumalik balik sa kwarto nya para kuhain, ibalik at magpick up ng mga folder at mga business papers na iba't iba ang oras ng dating sa kompanya.
Kahit kasi nandito sila Taehyung at Jungkook, sila ang nag aasikaso sa mga kliyente, at sa mga investments dito sa amin. Kaya kung tutuusin ay halos pantay lang ang mga trabahong ginagawa namin.
Inuna kong puntahan ang opisina ko para ayusin ang mga gamit ko nang marealize ko na naiwan ko pala ang charger ng phone ko sa bahay. Mabuti at marami rami pa ang percentage ng battery ko. Sana lang ay may mahiraman ako ng charger ngayon dahil baka may importanteng email or text na dumating at hindi ko masagot.
Nagpahinga lang ako saglit saka ko inilabas ang laptop ko pero naalala ko na may imi meet up nga pala akong empleyado para ipaalam sakin kung ano man yung iniutos ni Jungkook.
Pinuntahan ko sya sa cubicle nya para naman hindi na sya mapagod. Alam kong naghintay na rin sya dito ng matagal tagal. Tinawag ko lang ang pangalan nya sa labas ng cubicle. Agad naman syang tumayo at sinabi kahit na hindi pa ako nagsasalita..
BINABASA MO ANG
The Truth Untold (방탄소년단's FF)
FanfictionKIM TAEHYUNG- a 19 year old playboy that dared himself to marry the first woman that will fight with him. Base kasi sa history ng pagkatao nya, lahat ng babae ay sumusunod sa gusto nya. Kaya naman sinabi nya sa sariling aasawahin ang sino man babae...