Chapter 8: Team Work makes the KISS work

23 3 0
                                    

'Team Work makes the KISS work'

Brooklyn's POV

I woke up again with the most comfortable morning I had. With someone's arm wrapped on my waist that seems like protecting me and never letting me go. I slowly opened my eyes as the sunshine hits my face.

I was still on my inlaw's house. I was about to stretch my arms when I remembered what happened last night.

Nagulat ako nang marinig kong nag groan si Taehyung. Fvck. Magkatabi nga pala kaming natulog kagabi :)

Dahan dahan ko syang nilingon at napatigil nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Ngayon ay malinaw ko na namang nakikita kung gaano kaperpekto ang mukha nya.

Mukha syang literal na anghel kapag natutulog.

Hindi ko pa rin tinatanggala ang kamay nya sa bewang ko. Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam ng ganito. Sa ngayon ay nakaharap ako sa kanya. Nakatitig sa mukha nya like a complete idiot.

Bigla kong na imagine kung ganto rin ba sya kay Ellise kapag natutulog silang dalawa. Or mas malapit pa sila. Tapos bigla kong naalala nung tawagin nya si Ellise kagabi nung ginigising ko sya.

Nang maalala ko yung ay agad kong tinanggal ang braso nya sa bewang ko na naging dahilan para magising sya. Agad akong tumayo at dumistansya. Tumingin sya sakin habang kinukusot ang mata saka bumangon. "I'm sorry. I woke you up." Iniwas nya ang tingin nya sakin saka sumagot.

"It's fine."bago pa maging mas awkward ang magiging takbo ng umaga namin ay pumunta na ko sa banyo.

Doon ko ibinuhos ang lahat ng inis ko. Hindi ko rin naman kasi mintindihan kung bakit ako naiinis kay Ellise. Wala naman akong dapat na ikagalit or ikainis sa kanya.

Naiisip ko kasi yung mga bagay na posibleng ginagawa nila ni Taehyung. Kung pano ang trato nila sa isa't isa, kung gaano nila kamahal ang isa't isa. At kung paano sila tumagal. Hindi ko alam pero parang maiiyak ako sa inis.

Medyo tumagal ako sa paliligo dahil sa inis ko sa sarili ko. Nagbihis na ko sa loob saka padabog na binuksan ang banyo bago lumabas. Mukhang nagulat nun si Taehyung na hindi ko akalaing nagbibihis pala sa kwarto. Napalingon sya sakin at lumaki ang mata ko nang makita kong hindi pa pala naka lock ang sinturon nya. Nakalaylay pa to sa pantalon nya. Mabuti at sarado na ang zipper ng pantalon dahil baka mamatay ako sa makikita ko. Wala rin syang pang itaas at sobrang nakakapanghinang makita ang katawan nya. :)

Pinilit kong iiwas ang paningin ko at hindi sya pansinin. Pero sya ang kumausap sakin.

"Breakfast is ready. Mom's waiting for you." Sabi nya. Binigyan ko sya ng pilit na ngiti. Damn!! Pwede naman kasing magbihis na kaagad.

"Okay :). S-sumunod ka na lang." Tumango sya. At nagmadali akong lumabas ng kwarto saka huminga ng malalim pagkasara ko ng pinto.

"Oh anak. Nasan si Tata?" Tanong ni Dad sakin. Nakapwesto na ang wheelchair nya sa lamesa. Tumingin at ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Ahh. Nandun pa po sa kwarto. Nagbibihis." And once again ay naconscious ako sa sinagot ko. Like duh. Bakit sa dami ng pwedeng isagot ay 'nagbibihis' pa? Pwede namang naligo or what. Natakot tuloy ako na baka magtunog na 'wala syang damit kagabi' kaya sya nagbibihis ngayon.

Tumingin ako kay Mom at Mommy at as expected sy nagpapalitan sila ng makahulugang mga ngiti. Hayyyyst. Nasan na ba kasi si Yuri. Sya na lang ang pag asa kong masurvive ang ganitong sitwasyon. Pero minsan ay kunsintidor din at sumusuporta sa mga katarantaduhan ng mga tao sa paligid ko.

"Goodmorning!!" Nabilaukan ako nang marinig ko ang pagbati ni Taehyung. Agad na tinanong ako ni Daddy kung okay lang ako. Tapos mabilis na umupo sa tabi ko si Taehyung saka ako inabutan ng tubig.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon