Chapter 13: His Moves

16 2 0
                                    

Third Person's POV

Talagang hindi komportable si Brooklyn sa pwesto nila kaya naman pagkakuha nila ng pagkain ay muli silang bumalik sa table kung nasaan ang kumpletong pamilya nila.

Dito, kahit na kinakantyawan sya ay medyo sanay na sya at hindi na masyadong nakakaramdam ng hiya. Hindi gaya sa pinuwestuhan nila kanina na halos hindi nya kilala ang mga tao.

"Thanks." Sabi nya pagkaupo nila ng asawa. Laking pasasalamat nya dahil kahit papano ay pumayag ito.

Isa rin kasi sa dahilan ay hindi nya kayang maging tulay para magselos si Ellise kay Taehyung. Oo, alam na nya ang plano ng asawa kaya sya nito niyaya sa ibang table. Balak nyang pagselosin ito, at syempre. Nagiging aware na sya sa nararamdaman para sa binata kaya naman bago pa iyon lumalim ng lumalim ay kailangan na nya itong labanan.

May kanya kanya na ring pagkain ang mga nasa table kaya naman sinimulan na rin agad nila ang pagkain.

"You seemed spacing out tonight. What are you thinking?" Bulong ni Namjoon na lumipat sa tabi nya kanina. Natauhan sya at narealize na kanina pa pala sya nakatulala.

"A-ahh. Nothing...." Sabi nya saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Tumawa si Namjoon na ikinainis nya.

"Yah. Joonie! Why are you laughing?" Nagpout sya na mas lalong ikinatawa ng kaibigan. Maya maya ay lumapit sa tenga nya si Namjoon.

"You're jealous......" Bulong nito sa tenga nya. Agad namang natigilan ang dalaga saka ipinagtanggol ang sarili.

"Ofcourse not!! Why would I? I am not even threatened by that Ellise. Im so fuckin' sexier than her." Sagot ng dalaga saka natigilan nang marealize nya kung ano ang sinabi nya.

"Hahahaha you're so obvious. I didn't mean anything! I didn't even mention Ellise....." Sarkastikong sabi ng binata habang tumatawa. Naramdaman ni Brooklyn kung gaano kapula ang pisngi nya lalo pa nang malamang nakikinig pala si Taehyung sa usapan nila. Mabuti na lang ay may sariling mundo ang mga magulang nila at hindi narinig ang kanyang sinabi. Kung hindi ay baka literal na magpalamon na sya sa lupa.

Muli nyang nilingon ang asawa at nakitang nagpipigil lang ito ng tawa. Napabuntong hininga sya. Napakamalas naman yata ng gabing to para sa kanya.

Paulit ulit itong tumitingin sa paligid na parang lahat ng bagay at pangyayari ay inoobserbahan. Gusto nya sanang tanungin ito kaso baka isipin nyang concerned sya dito kaya siguro ay wag na lang.

"Joonie....." Rinig nyang tawag ni Jin sa katabi. Napalingon sya para na rin malaman kung ano ang sasabihin ng kaibigan.

Lumingon din si Namjoon para malaman ang gustong sabihin sa kanya.

"Can we exchange sits for a while? I just want to have a talk with Lyn." Sabi nito saka nagpacute para pumayag kaagad si Namjoon. Nung una ay halos mag away pa sila pero sa huli ay pumayag pa rin naman ang kaibigan.

"What do you need?" Pagsusungit nya. Agad namang naging balisa si Jin dahil akala nya ay nagtatampo si Lyn sa kanya.

"Are you mad?" Tanong nito habang naka pout na ikinatawa ng dalaga. Hindi naman sya galit dito. Gusto nya lang itong sungitan dahil namimiss na nya ang pakikipagkulitan dito. Sa kanila kasing lahat, si Jin ang itinuturing nyang nanay nanayan since hindi nila kasama ang mga magulang nila.

Samantalang si Namjoon naman ang itinuturing nyang tatay kaya naman minsan kapag nag aaway ang dalawa ay medyo kinikilig sya. Iniisip nya kasing may LQ ang dalawa.

"Hahahaha kidding. What do you want to talk about by the way?" Sabi nya saka sumeryoso ang mukha.

Sumeryoso rin ang mukha ng kaibigan na ikinakaba nya.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon