Chapter 12: Plan with the Leader

13 2 0
                                    

Brooklyn's POV

Dismayado akong nakatingin sa sarili ko sa salamin. Pano ba naman kasi. Napaka elegante pala ng mga Gooves. Pinagsuot pa tuloy ako ng napakafitted na dress na kita pa ang cleavage. Kulay puti na may pagka peach ito at hanggang sa hita ko ang haba ng palda na medyo nakabuka lang.

May slit sa dibdib kung saan medyo kita ang cleavage at may suot din akong gloves na may gradient ng white to peach. Pinagsuot din ako ng high heels na medyo nakapagpatangkad sakin. Pero mas matangkad pa rin talaga ang mga kasama ko dito.

Hinati sa dalawang section ang buhok ko at naka braid saka pinagtagpo sa likuran ng ulo ko. Parang ayos ng buhok ng isang dyosa. Ang kaso ay hindi ako mukhang dyosa.

Bumalik ako sa kama at kinuha ang invitation. Hindi ko alam pero imbes na maexcite ako ay kinakabahan ako ngayon. Masama at mabigat talaga ang pakiramdam ko.

Feeling ko tuloy ay magkakasakit ako sa mga susunod na araw. Nakarinig ako ng malakas na katok na halos masira na ang pinto. Alam ko na kaagad kung kaninong mga katok yun.

"Wait Joonie. I'll just do my finishing touches." Pagsisinungaling ko kahit na sa totoo lang ay tapos na talaga ako sa lahat. Ayaw ko pa lang talagang lumabas. Kinakabahan ako sa magiging reaction nila kapag nakita ako eh. Siguradong magmumukha na naman akong patatas kapag itinabi ako sa ibang mga babaeng dadalo dun.

Binigyan ko ang sarili ko ng malalim na buntong hininga saka dahan dahang lumabas ng kwarto. Wala naman akong nakitang naghihintay sa labas at malamang ay ako na nga lang ang hinihintay ng mga yun sa baba.

Palinga linga pa akong naglakad pababa at nakita ko na sila na nakaupo sa sofa. Si Jin, Hope, at Jungkook at pare parehong naka gray suit samantalang sina Taehyung, Namjoon, Jimin at Suga ay nakaitim na coat. Sobrang linis at ang aayos ng mga buhok nila pero napako ang paningin ko kay Taehyung.

Nagpa dye sya ng blonde hair color na sobrang bumagay sa kanya. Sobrang seryoso rin ng mukha nya at halatang may malalim na iniisip.

Sa hitsura nya tuloy ay lalo syang nagiging hot at badboy material. Bago pa nila ako mahuling nagmamasid sa kanila, nagpatuloy ako sa paglakad ng dahan dahan hanggang sa magtama ang paningin namin ni Hope na kulay itim ang hair color.

Napapikit ako ng mariin sa isip dahil siguradong hindi na namaj maganda ang magiging resulta ng pagkakakita nya sakin.

Expected kong sisigaw sya at tatakbo para yakapin ako pero nakatingin lang sya sakin at walang emosyon ang mukha.

"Uhm. Taehyungie...." Mahinang tawag nito kay Taehyung habang nakatingin pa rin sakin. Dahil dun, agad nalipat kay Taehyung ang paningin ko na nalaman kong nakatitig din pala sakin.

"Woah. Who are you?" Rinig kong tanong ni Jin sa gilid. Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya. "Kidding. You don't look like my baby anymore." Nakapout nyang sabi. Napangiti ako.

"I can still be your daughter anyway." Sagot ko sa kanya.

Finally ay tumawa sya. Lumapit sya sakin para bahagyang i pat ang ulo ko. Lumapit na rin sakin ang halos lahat at medyo naiilang na ako dahil sa medyo nakasilip kong cleavage. Hindi talaga ako masyadong komportable sa suot ko.

Habang kinakausap at nakikipagtawanan sakin sina Hope, Jungkook at Jin at nag uusap usap sina Taehyung, Namjoon, Suga at Jimin. Pero napansin ko ang panay na paglingon ni Taehyung at kadalasan pa ay nagkakabangga ang mga tingin namin pero syempre, pareho kaming iiwas kaagad.

Pagkatapos mag usap ng apat ay niyaya na kami ni Namjoon na umalis na. Nahati kami sa dalawang kotse since walo kaming pupunta doon. Hindi na sumabay ang mga magulang namin at baka nandun na rin sila kaya naman umalis na kami.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon