Brooklyn's POV
"Im done." Mahina kong sabi at idinilat nya ang mata nya. Nag indian sit muna ako sa kama nya para saglit na magpahinga. Medyo nakakangalay din kasing maglinis ng sugat dahil matagal tagal na kong hindi nakakagamot.
Im an undergraduate nursing student before by the way. At natigil yun simula nung ipakasal ako sa isang to.
"Thanks...." Sabi nya saka ibinaba ang manggas ng shirt nya. Pagkakataon ko na to para tanungin kung nasaan ang mga kasama namin dito.
"So where are they?" Tanong ko sa kanya ulit. Inirelax ko ang paa ko at inilaylay sa baba ng kama nya. Tumingin sya sakin saka nagpakawala ng buntong hininga.
"I told you. They are still working and they are safe...." At dahil makulit sya at hindi ko makuha ang sagot na hinahanap ko ay nag iba ako ng tanong.
"Then what was the gun all about? Why did you shoot those guys around us?" Pangungulit ko pa. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako matatahimik hangga't hindi nya nasasagot ang mga tanong ko.
"They will harm yo--- us if I didn't shoot them." Still ay hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit nila kami sasaktan kapag hindi sya lumaban? Anong kasalanan namin sa kanila?
"But why? Do you have a debt?" I became more aggressive on questioning him. Seems like I was so eager to know everything.
Matagal tagal syang hindi sumagot. Maya maya ay nag iwas sya ng tingin hanggang sa mapako ang tingin nya sa baba.
"I..........."tinaasan ko sya ng isang kilay. Sobrang hindi na ako makapaghintay na malaman ang dahilan. Baka kasi malaman ko kung bakit wala pa rin akong balita kina Mommy at sa mga kaibigan namin dito.
"I am.......one of the boss......of a business........." Napangiwi ako at nakaramdam ng insulto. Nang iinis ba sya? Alam kong may ari sya ng business. Oo at business partners sila ni Jungkook. Ngayon anong meron? Bakit magkakaron ng barilan kung may ari sya at boss ng isang business?
"A----"
"An underground business...."he automatically cut me off by continuing his words. Nung una ay hindi ko pa masyadong ma absorb pero unti unti ay luminaw sakin at halos mawalan ako ng pakiramdam sa kilabot na naramdaman ko.
Underground business? Isn't that the illegal one? All illegal doings and habit were included there. And he's a part of it?
"Seriously?" Tanong ko pa sa kanya. Hindi sya tumingin sakin at nakayuko pa rin habang tumatango.
"You're...............you're a criminal?" Hindi ko mapigilang sabihin. Kaya ba sobrang skilled sya sa paghawak ng baril kanina? Kaya ba hindi man lang kami matamaan ng bala?
"Exactly....." Pakiramdam ko ay bumalik ang dila ko at ayaw nang magsalita pa. Hindi totoo ang lahat ng iyon diba?
Hindi iyon ang pagkakakilala ko sa kanya
"Is that the reason why you know they are safe?" I asked once again pertaining to the people around us. And for the nth time, he nodded. I wanted to laugh as if it was a big joke but my consciousness was so sober and it brings me to honesty and bold sentences.
"Alright......so I never knew I've been living with a criminal......" I sarcastically said as I saw him on my peripheral vision look at me.
BINABASA MO ANG
The Truth Untold (방탄소년단's FF)
FanfictieKIM TAEHYUNG- a 19 year old playboy that dared himself to marry the first woman that will fight with him. Base kasi sa history ng pagkatao nya, lahat ng babae ay sumusunod sa gusto nya. Kaya naman sinabi nya sa sariling aasawahin ang sino man babae...