Chapter 4: Comply

17 2 0
                                    

Jimin's POV

Mahimbing na ang tulog ni Brooklyn sa kwarto nya. Pagkatapos kong gamutin ang pasa nya na medyo lumala ay iniligpit ko na ang first aid kit na ginamit ko. Nandito kaming lahat sa loob ng kwarto nya. Kasama si Taehyung na halos umiyak sa pagsisisi nang marealize nya kung gaano kasakit ang mga sinabi nya kay Lyn.

Sobrang laki ng pasasalamat nya kay Lyn sa totoo lang. Dahil kung hindi dahil sa katangahan nito ay malamang na lumala ang sakit ng tatay nya na ngayon ay may taning na ang buhay. Si Lyn kasi ang gustong gusto nitong mapangasawa ni Taehyung. Perfect wife material daw kasi sya para sa kanya.

Kilala ko si Taehyung. Napakababaero nya pero hindi nya kayang manakit ng babae, depende sa emosyon nya na kadalasan ay hindi nya namamanage ng tama.

Nakatulala lang sya ngayon sa tabi ng kama ni Lyn na yakap ang stuffed toy na regalo sa kanya ni Jin nung 17th birthday nya. Si Suga ay abala na naman sa pagkain habang si Jin nasa tabi ni Namjoon, kausap si Jungkook. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil nagbubulungan lang sila since natutulog si Lyn. Si Hope naman ang nag aayos ng kwarto ni Lyn. Pasimpleng pinagti tripan ang mga picture frame ni Lyn nung kabataan nya. Si Namjoon naman ay nakaupo sa mismong tabi ni Lyn dahil nakayakap ang dalaga sa kanya. Sa aming lahat, sa apat sya mas close, dahil itinuturing nya itong mga kuya gaya ng pagturing ng mga ito sa kanya.

"Tae. Can we talk?" Nag angat ng tingin si Taehyung nang magsalita si Namjoon. Agad naman kumilos ang apat, kasama ako. "We'll just go to our rooms. To....sleep." Paalam ko sa kanila. Para syempre. Bigyan sila ng space at makapag usap.

"No Jimin. Stay here." Lumingon ako sa kanya. Ano na naman bang kinalaman ko dito? Baka madamay pa ko sa galit ni Namjoon kung mananatili ako eh. "I just want to tell you something." Medyo nakahinga ako nang maluwag nang dagdagan nya ang sinabi. Kaya naman pinauna ko na ang iba.

Dahan dahang inalis ni Namjoon ang braso ni Lyn na nakapatong sa tyan nya. Saka ibinalik sa pagkakayakap ng dalaga ang stuffed toy. Tumayo sya at lumapit sakin. Nagkusa naman si Taehyung na ayusin ang kumot ng dalaga saka sumunod.

"Lyn told me the whole story." Panimula ni Namjoon. Alam kong laging aso at pusa ang dalawang to pero hindi ako sanay na nagkakasakitan sila ng ganto. Verbally, emotionally, lalo na physically. Though alam kong hindi naman sinasadya ni Taehyung na mahawakan nang ganun kahigpit si Lyn.

"I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon. Sobrang sensitive ko kapag company ang pinag uusapan. You know, it's all about my Father. I don't want to disappoint him."sabi nya habang nakayuko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Namjoon.

"I understand. But you should always think that she is your wife. Mahal mo man sya o hindi. Dapat mo syang pahalagahan. Hindi mo lang alam kung gaano karaming lalaki ang iniiwasan nya para lang sa agreement ninyo." Napaangat ng tingin si Taehyung. Kahit ako ay natigilan. Mukhang tama kasi ang hinala ko.

Kung hindi ako nagkakamali, kadalasang irritation ang ugat ng attraction. Kaya posibleng may nararamdaman para sa isa't isa ang dalawang to.

"Do I have to say sorry?" Sinamaan ko ng tingin si Taehyung. Gago pala to eh. Yung mga sinabi nya pa lang ay hindi na maganda. Magtatanong pa sya kung dapat syang mag sorry.

"Stupid. Ofcourse you have to. Court her if you can. Para lang magkaayos kayong dalawa." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang sumimangot sya. Alam kong hindi nya kayang gawin ang sinabi ko.

"I can't. Y'all know that." Sabi nya saka nag iwas ng tingin. Tumingin ako kay Namjoon na nagpipigil ng ngiti. "Jiminie's right. He knows the best when it comes to girls." I pouted. Sabi na nga ba eh. Kaya ako pinaiwan dito para pagtanungan kung ano ang dapat gawin sa mga babaeng may tampo. -_-

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon