Chapter 16: Eavesdrop

19 1 0
                                    

Brooklyn's POV

Hindi naman naging mahirap ang araw ko ngayon. Normal lang na katulad ng mga nakaraan. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit kanina pa ako tinititigan ng mga empleyado dito.

7:46 pm na at naghahanda na sila sa pag uwi. Pero pinili kong manatili muna sa opisina at magkape.

Buong araw ko ring hindi nakita ang asawa ko. Maging si Jungkook ay hindi pumasok ngayon. Mabuti at walang naka schedule na meetings ngayon sa kanya.

Ibinaba ko muna ang tasang iniinuman ko at sinubukang kontakin si Jimin. Baka sakaling dumaan sya dito at magpapasundo ako. Hindi kasi natuloy ang coffee dinner namin ni Sean dahil ang sabi nya ay may meeting daw sya at babawi na lang bukas. Treat nya ko sa lahat.

At dahil wala na naman akon kasabay ay naisipan kong tawagan si Jimin.

Nakailang ring na at balak ko nang ibaba nang sagutin nya ang tawag.

["Hmmmm.........babe...."]halos takasan ako ng dugo sa narinig ko. Naku naman. May kasama na naman syang babae.

["Hello Lyn?.............."]he answered with his heavy breathing. Napailing na lang ako. Mabuti sigurong hayaan ko na muna sya na mag enjoy.

"Nothing. Just enjoy what you're doing." Sabi ko saka ibinaba na ang tawag. Baka kasi nasa bahay na ang mga kaibigan ko kaya tatamarin na yun sa pagsundo sakin. Aish. Ang daya naman kasi. Ayaw nila akong turuan mag drive pero hindi naman nila ako sinusundo... -.-

Nagpout na lang ako saka muling sumandal para uminom ng kape. Naramdaman kong tumahimik na ang paligid dahil mukhang nagsiuwian na sila. Ngayon ay mas makakapagrelax ako.

"Hindi ko po talaga alam sir................"

"Then go find it!!! I need that flashdrive as soon as possible!!" Nakuha ng atensyon ko ang isang hindi pamilyar na boses.

Dahan dahan akong lumabas ng office para silipin kung ano ang nangyayari at nagulat nang makitang sobrang dilim na pala sa buong building at halos ako na lang ang tao.

Sinubukan kong hanapin ang pinanggalingan ng mga boses kanina. At dahil wala akong makita ay lumabas ako ng office at dahan dahang naglakad para hanapin yun. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

"Hanapin nyo sa opisina ni Jeon Jungkook..." Rinig kong bulong sa di kalayuan. Dito pa lang ay kinutuban na ako.

"Tiningnan na po namin sir. Pero wala po talaga."nanatili akong tahimik at nakikinig. Pero nakatago ako dahil nga hindi ko sila makita at hindi ko alam kung malayo ba o malapit lang sila sakin.

"He might have an access on our hideout once na mabasa nya ang code dun..."narinig ko ang pagpilatik ng dila ng lalaking nagsasalita kanina saka sya nagsalita ulit.

"If we can't find anything here then maybe we can find something on their house."

"Quick. Bumalik tayo sa hideout at magdala ng mga tauhan. Mahirap kalaban ang mga iyon." Narinig ko ang pagsang ayon ng kausap nya saka ko narinig ang mahinang yabag nila na mukhang umaalis palayo.

Nang masigurong wala nang tao ay lumabas na ko sa pinagtataguan at sinubukang idial ang kahit na sinong pwede kong matawagan habang nagmamadali akong maglakad pauwi ng bahay.

Kailangam ko silang mabalaan dahil siguradong hindi nila alam na pupuntahan sila ng mga taong hindi ko din kilala. Nagsisi tuloy ako na hindi ko nasilip kahit ang mukha nila.

Nagmadali akong nagpara ng taxi at pinamadali ang driver ng magdrive pauwi sa bahay.

Nang makarating ay mabilis akong pumasok sa loob at kinilabutan dahil nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob. Parang wala ring tao.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon