Chapter 5: Feelings

16 2 0
                                    

Brooklyn's POV

I checked my arm. Mukhang sandali na lang at gagaling na to. Nalaman kong si Jimin pala ang gumamot sakin kaya ang bilis kong maka recover. Ngayon ay sakto na ang oras ng gising ko. Agad akong bumaba at naabutang kumakain na si Hope at Suga.

Panay na naman ang kain ng mga to. "Goodmorniiiiiiiiiiing!!!"pasigaw na bati ni Hope sakin saka nya pinakita ang mala sunshine nyang ngiti. Sinimangutan naman sya ni Suga na ikinatawa ko.

"Goodmorning." Nakangiti kong bati sa kanilang dalawa. Nakita kong tumayo si Suga at pumunta sa kitchen. "Sit down and eat a lot, you smidget."nagpout ako. Kung maka smidget naman to akala nya hindi sya maliit. -_-

"K. Fine" patampo kong sabi saka umupo. Aish namiss ko sila ng sobra

"Lynglyng, I missed you." Sabi ni Hope sakin habang kumakain. Tinawanan ko sya. "Dalawang araw pa lang naman na hindi tayo nakapag usap ihhh. Miss mo na ko agad?"sabi ko saka ngumiti ng pambata. Tumingin sakin si Suga at nagsalita. "Miss ka lang nya kasi wala nang magsusuklay sa buhok nya." Sabi nya saka ko nakita ang emosyon nyang "-_-"

"Yah. Bukod dun. Miss ko na talaga sya." Palag ni Hope sa sinabi nya. "Oh really. Kaya pala sakin ka nagpapasuklay bago ka matulog." Lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi nya dahil naiimagine ko ang naging buhay nilang dalawa. Sa pagkakaalam ko ay roomates silang tatlo ni Jimin. Malamang ay nadamay na naman ang batang yun sa kalokohan nito ni Hope.

Bigla akong napatigil sa pagtawa nang makita ko si Taehyung at Jungkook na pababa ng hagdan. Nanahimik na ako at tinapos ng mabilis ang pagkain nang makaalis na ko.

Mas lalo akong nabalisa nang maupo sa tapat ko si Taehyung. Pakshet. Ang lawak lawak ng table. Bakit sa tapat ko pa sya uupo? T_T

Para tuloy hindi na tinatanggap ng lalamunan ko yung pagkain. Nakikita ko kasi syang tumitingin tingin sakin. Yung tipong susubo sya tapos tititig sakin at papanoorin ako. Tapos kakain ulit.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa plato ko. Feeling ko hindi na nabawasan kahit na kanina pa ko kain ng kain.

Nang hindi ko na talaga kayang kumain pa ay tumayo na ako. At sa kamalas malasang pagkakataon ay sabay pa kaming tumayo ni Taehyung. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Mabuti at sa banyo sya dumiretso dala ang twalya nya. Sana malunod sya dun. :)

Nagmadali akong mag asikaso para hindi ko makasabay ang taong yun. Kakausapin ko muna si Ellise para mabalik na sa dati ang lahat. Kung hindi na galit sakin si Taehyung pagkatapos nito.

Kay Hope na lang ako sumabay sa pagpasok since miss na rin namin ang isa't isa. At ayun. Sinabi ko sa kanya ang mga balak kong gawin sa araw na to.

"Just make love with him. Everything will be fine." Sinamaan ko sya ng tingin. Talaga tong mga to. Hindi mo makakausap ng maayos kapag may problema ka dahil puro katarantaduhan lang ang sasabihin.

Tinawanan nya lang ako. "Kidding aside. Taehyung isn't that bad as you think. Humahanap lang yan ng timing para asarin ka ulit. Believe me. Maybe now, sooner or later magkakagyera na naman kayo sa bahay." Sabi nya ulit saka ngumiti sakin. Yung ngiting mapagkukunan mo ng literal na 'hope'.

Sana nga tama sya. Ayoko kasi na may kagalit ako. Oo malaki ang galit ko sa kanya. Pero sa mababaw na paraan. Hindi dahil may nagawa syang masama sakin or what. Yung simpleng irritation lang. Na nasanay na kong laging nanjan.

"By the way, do you want me to accompany you with Ellise? Chicks din yun :)" natawa na naman ako sa kanya. Mangha hunting pa eh. Di na lang magtrabaho.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon