Chapter 9: Uncomfortable

19 2 0
                                    

Third Person's POV

Nagising si Taehyung nang wala na si Brooklyn sa tabi nya. Agad nyang hinanap ang dalaga at narinig na bukas ang shower sa banyo. Muli syang bumalik sa paghiga at napangiti.

Naalala nya kasi nang mahalikan nya sa labi ang dalaga. Talaga namang hindi nya ineexpect na magagawa nya ang bagay na yun. Lumawak ang ngiti nya nang maisip na...

I will enjoy my days here.

Hindi nya alam pero napapalapit na ang loob nya kay Brooklyn. Umaabot pa sa puntong sinasadya nyang hindi sagutin ang mga tawag ni Ellise dahil mas gusto nyang kulitin ang dalaga sa mga text message nya. Umaabot din sa puntong hindi na nya pinupuntahan si Ellise dahil mas gusto nyang panoorin ang mga nakakatawang kilos ni Brooklyn.

Mamayang hapon ang alis nila papunta sa resort na pag aari ng pamilya ni Ellise. Hangga't maaari ay ayaw nyang dalhin doon ang asawa. Nandun kasi ang mga kalaban nila at ang babaeng karelasyon nya. Sa totoo lang ay gusto na nyang hiwalayan  ito. Hindi na kasi nya gusto ang inaasal ni Ellise. Lalo na nung malaman nyang sinaktan nito ang kanyang asawa.

Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng galit. Bukod sa galit sa sarili nya dahil isa sya sa nakapanakit kay Lyn ay nagalit sya dahil ayaw nya na may iba pang nakakapanakit dito.

Tumayo sya at tinitigan ang dress na ipinasuot nya kay Lyn pagpunta nila dito. Sa totoo lang ay sya ang bumili at pumili nito. Nagtanong lang sya sa nanay ni Lyn kung ano ang mga bagay na kailangan nyang malaman para makabili ng mga ganung bagay. Gaya ng sukat ng katawan at paa ng dalaga, at kung ano ang paborito nitong kulay.

Naligo sya sa kabilang banyo at nagbihis, siguradong tatawagin na sila ng mga magulang at mga kaibigan kaya kailangan na nyang mag ayos. Medyo inaantok pa sya dahil pinuyat sya ng mga kaibigan kagabi. Pinaulanan kasi sya ng tukso dahil sa magkasama sila ni Lyn sa iisang kwarto. Baka daw pag uwi nila sa mansion ay buntis na ang dalaga.

Pagkalabas nya ng banyo at hindi pa rin tapos maligo si Lyn. Kaya naman ginamit nya muli ang kwarto para magbihis. Pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto at sa sala na lang hinintay ang asawa.

Nakahanda na ang almusal pero busy pa ang mga magulang nila sa paghahanda ng mga dadalhin sa mahigit isang linggong pamamalagi sa resort. Ni hindi man lang nya naisip ang posibilidad na sa resort nila Ellise ang piliin ng kanyang magulang. Talaga kasing nakalimutan na nya ang dalaga at nabaling lang kay Lyn ang atensyon.

"Goodmorning mylabs." Bati ni Jin sa kanya pagkakita nito. Binigyan nya ang kaibigan ng nandidiring mukha saka binato ng table napkin. Tinawanan lang sya ng kaibigan.

"Bakit mukhang badtrip ka na naman? Hindi ka ba naka iskor kay Lyn?" Mapang asar na tanong nito na syang ikinapikon nya. Though isa nga yun sa dahilan. "Gago. Tinatamad lang akong umalis mamaya." Kinunutan sya ng noo ni Jin.

"Bakit naman? Bakasyon din yun. Besides maraming chicks." Nginitian sya ng kakaiba ng kaibigan na ikinatawa nya. Siraulo talaga to. Isip nya. Mamaya ay balak nilang mag inuman sa resort. Kaya kailangan nya munang mag ingat at baka mahuli sya ng mga magulang na may kasamang ibang babae. Tiyak na malalagot talaga sya.

Malamang ay sa iisang kwarto na naman sila pagsamahin ni Lyn. Hindi nya alam pero parang nasanay na kaagad syang katabi matulog ang asawa kahit na sobrang likot nito at kung minsan ay natatamaan ang pagkakalaki kapag natutulog.

Natanaw nyang bumababa ng hagdan si Suga at Jimin habang sa likod ay nakasunod si Hope na tawa na naman ng tawa. Napangiti sya. Sana kagaya nya si Hope. Palagi lang nakangiti.

Umupo sa tabi nya si Jimin na as usual ay katabi rin ni Suga. Sa tapat nila ay si Hope na tinabihan ni Jin. Siguradong nakareserve na naman ang isang pwesto sa tabi nito para kay Namjoon na pinaka close nya sa kanilang lahat.

The Truth Untold (방탄소년단's FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon