Yesha's POV
Ano ba namang panaginip yun. Masyadong mapanuya. Pinamukha daw ba sa'kin na hanggang sa panaginip lang talaga yun mangyayari.. Sa kakaisip ko kay Yuen kagabi, napanaginipan ko tuluy yun. Ang sakit tuloy lalo.
Naglakad na lang ako ng mabilis papunta sa music room. Sabi nila may ipapakilala dawng new member sa'min ngayon. May mga binigyan ng special audition last week si Coach Lynn. Isa lang daw sa lima ang natanggap.
"Uy.. Alam niyo ba, sabi ng ate ko na nag-aaral dito noon. May nadiscover daw siya doon sa lagoon ng garden ng school. Hindi lang siya. Pati yung dalawa niyang kaibigan."
"Ha? Ano naman yun?"
"Tumutupad daw ng wish ang lagoon na yun. Siguro may fairy na nakatira dun at siya yung tumutupad ng wish."
"Talaga? Totoo ba yan?!"
Napalingon ako sa dalawang nag-uusap sa malapit lang narinig. Maliliit sila, siguro first year students sila. Ewan ko ba, nacurious ako bigla sa topic nila. Pasimple akong umupo sa bench sa may tabi nila.
"Oo! Pag nag-sulat mo raw ang wish mo sa isang papel at linagay mo sa bote tapos itatapon mo sa lagoon magkatotoo daw yung wish mo."
"Pero.. 'di ba bawal tapunan yung lagoon ng kahit na ano?"
"Eh wala namang makakaalam eh. Ano, subukan natin?"
"Ehh ayoko no! Nakakatakot kaya yun. Baka may makakita sa'tin tapos pagalitan tayo.."
"Sus! Ang duwag mo naman! Wala yan.."
"Pero totoo nga? Bakit naman nasabi yun ng ate mo?"
"Sabi nila ate. Kasi raw, naka-isip sila ng trip noon ng mga kaibigan niya. So yun naisip nila na magsulat ng wish nila sa buhay tapos nilagay daw nila sa bote. Napunta naman daw sila sa garden at may naisip na naman daw silang trip. Itinapon daw nila yung bote sa lagoon. As in dun sa pinaka-gitna."
"Tapos?"
"Kinabukasan daw napunta ulit sila dun. Nagtaka daw sila kasi yung bote nasa may gilid na nung lagoon. Eh nakakapagtaka daw kasi wala namang alon para magpush nung bote sa gilid."
"At alam mo ba, yung wish na isinulat nila ate doon natutupad lahat. Ngayon nga sobrang saya na niya at nung dalawa niyang kaibigan sa mga buhay nila eh. Naniniwala sila na yung wish nila sa lagoon ang dahilan."
"Sabi pa ni ate na basta daw yung bote napunta sa gilid kinabukasan, matutupad daw talaga yung wish. Iyon yung sinasabi nilang sign na wish will be granted daw."
Ha? Totoo ba yung mga sinabi nung bata? Parang hindi naman kapani-paniwala yun. Naku ha. Parang napipicture out ko na na yang kwentong yan kakalat dito sa school.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Guitar
Novela Juvenil♫COMPLETED♫ What if you love someone who loves someone else? Will you keep holding on to your feelings, or you'll choose to move on? Original story by symphRain Copyright © 2014