Teardrops On My Guitar (Epilogue)

562 16 8
                                    


EPILOGUE

Yesha's POV

Friday evening at nag-aaya si Ate Yenna ko ng lakad. Punta raw kami sa isang restaurant para mag-dinner at manuod narin daw ng live performance nung singer na sabi niya ang ganda raw talaga ng boses at ang ganda raw talaga. Parang na-threatened tuloy ako bigla. Haha.

Ang OA lang ni ate kasi pinag-dress din ako. Ganun ba kasosyal yung restuarant at nag dress talaga kami? Tapos may pa-make-up pang nalalaman? Teka... 'di kaya ngayon na niya ipapakilala sa'kin ang suitor niya? Yiiieee! Kinilig ako bigla!

Nung nagtungo na nga kami sa resto napawow naman ako. Ang ganda kasi ng set-up. Ang daming flowers sa paligid na puro red and white. May red and white laces pa sa ceilings. Favorite colors ko mga yun eh!

Nung napatingin na ako sa mga taong naroon nagulat ako.

May mga classmates ko at mga ka-batch din at iba pang schoolmates. Nandun din lahat ng nasa Music Club pati si Coach Lynn. Hala. Anong meron ngayon? Wala akong idea promise!

Napatingin sila sa'kin at ngumiti silang lahat. Ngumiti rin ako pero ewan, kinakabahan ako..

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo, beh?" tanong ni ate sa'kin.

"O-Opo.. Pero.. nakakabigla? B-Ba't kakilala ko lahat yung narito ate? Hindi ko naman birthday ah?"

"Hahaha. Oo nga. Pero may special na mangyayari ngayon."

Ha? Ba't naman kaya? "P-Po? Special?" tanong ko.

"Ay hindi hindi. Ordinary siguro?"

"Ate, naman eh.. Patawa ka."

"Hahaha. Oh punta na tayo sa table natin." Hinila na niya ako.

Ano nga kaya ang meron?! Ano? Ano? Ano? I'm super curious!

"Ate, ano nga ang meron ngayon ha?"

"Malalaman mo rin maya-maya." Grabe naman magpakaba si Ate! Naiihi na nga ako eh! Hindi ko mawari..

Natitense ako sa mga nakikita ko! Tapos alam niyo yung ang laki ng tanong sa isip niyo kasi wala kayong idea talaga kung ano ang mangyayari?

Kina-usap ko lahat ng nasa bestro kung anong meron kasi pati sila ayaw magsalita. Pati si Josh! Ano ba!

"Hoy, Josh. Sabihin mo na kasi eh! Ba't alam niyo tas ako 'di ko alam? Ano 'to? Bully bully?"

"Hahaha. Ikaw talaga! Bully ba yun? OA mo, Yesh! Eh napag-utusan akong huwag sabihin eh."

"Psssh. Bahala kayo! Aalis na lang ako!" Mag-wawalk out na sana ako nang may nagsalita sa stage.

"Good evening, everyone. I'm Crystal, your singer for tonight." Lumingon kaming lahat sa stage. Ang ganda at sweet kasi ng boses nung nagsalita.

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon