5th Chapter ♥

403 13 3
                                    

Thanks for appreciating this story Rhea.. Sobrang naaappreciate rin kita. :)

____________________________________

Yesha's POV

Pauwi na ako sa bahay namin ngayon. Uulan pa yata. Hindi pa naman ako nadala ng payong. Tumakbo na lang ako. Pero ilang sandali lang ng pagtakbo ko natigil ako.

Nakikita ko kasi si Pauline. Nasa may playgroud siya at nakaupo sa swing. Nagtataka ako ba't narito siya sa village namin eh hindi naman siya taga rito sa pagkakaalam ko.

Ang mas lalong ipinagtaka ko ay nung may lumapit sa kanyang lalaki. Si.. Si Caizen! Teka.. magkakilala ba sila? Lumapit ako ng kunti sa kanila tapos nagtago sa bush. May pinag-uusapan yata sila. Gosh. Nag-i-evesdrop na ako.

"Cai.. Alam mo namang mahal kita, 'di ba?" rinig kong sabi ni Pauline. As in nanlaki ang mata ko nun. Bumilis ang tibok ng puso ko.

B-Bakit niya sinasabi yan sa ibang lalaki?! Akala ko ba si Yuen ang mahal niya?! Ang boyfriend niya ay si Yuen for pete's sake! Nararamdaman ko ngayon ang galit sa kanya. Ang sama niya!

"Oo, alam ko. Hindi ko lang maiwasan na magselos."

"You know everything. Alam mo ba't ko yun ginagawa kaya wala kang reason na mag-selos. At alam mo na ikaw lang ang mahal ko, Cai. Tapos ano, gumaganti ka sa'kin? Ang sakit Cai alam mo yun?" Umiiyak na si Pauline.

"Bakit? Ako rin naman ah? Ang sakit din, Pau! Tuwing nakikita ko kayong magkasama, parang hinihiwa ang puso ko  sa sakit, alam mo rin ba yun?!"

"But at least alam mo ang totoo! Ako, hindi ko alam! Ano ba? May nararamdaman ka na ba talaga para kay Yesha ha? Bakit nakita ko siya nun sa bahay mo? Niloloko mo na ba ako nga--"

Pauline wasn't able to finish kasi.. hinalikan siya bigla ni Caizen sabay ng pagbuhos ng ulan. They were kissing torridly under the rain.

Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako ng tumakbo. Napaiyak ako..

Bakit nila nagawa yun? Walang hiya sila! Walang hiya!

All this time, niloloko lang pala nila si Yuen?! Linuloko lang pala ng Pauline na yun ang lalaking sobrang mahal ko?! Ang sama niya! Wala siyang puso!

Ang bait ni Yuen para ganunin niya! Mahal na mahal siya tapos nagawa niyang lokohin? Para saan?! God! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit.. Nanginginig ako sa galit.

***

Hindi ako nakatulog sa kagabi. At hanggang ngayon lutang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos nung nakita ko. Sasabihin ko ba kay Yuen? Pero.. kung sasabihin ko, maniniwala ba siya sa'kin?

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon