Yesha's POV
Wow! Ang ganda sa farm nila Coach Lynn. Ang lawak pa! Pero ang pinakamaganda kasi ang fresh ng hangin. Nakaka-relax. Yung buss na sinasakyan namin huminto sa tapat ng malaking bahay. Grabe.. ang ganda ng bahay. Mediterranean house ang desinyo.
"Dears, narito na tayo!" masayang sabi ni coach. Naghiyawan naman kami. Ang ingay at ang saya. Paunahan pa yung iba sa pagbaba ng bus.
"This house is my house. Syempre, dito kayo magsistay. Malaki naman siya kahit papano kaya ma-aaccomodate tayong lahat. So tayo na muna sa loob?"
"Okay po!"
After naming ayusin ang mga gamit namin sinama kami ni coach sa bahay ng grandparents niya dito rin sa farm. Sila yung owner daw nitong farm. Ang swerte ni talaga coach kasi may lolo't lola pa siya. Ako hindi ko nakilala yung dalawang lolo at lola ko eh.
"Apo.. Masaya kaming umuwi ka ulit.." Aw.. ang sweet ng lolo at lola ni coach. Kitang-kitang mahal na mahal siya.
"Lolo.. lola.. sila nga pala ang mga anak-anakan ko. Mga members ng music club. Dears, sila naman ang Lolo Francisco at Lola Camelita ko," pagpapakilala ni coach sa'min. Niyakap kami isa-isa nina lolo at lola. Ang saya.. ang warm nila pareho sa'min.
Pinaghanda nila kami lahat ng masarap na pananghalian parisan pa ng magandang simoy ng hangin. Heaven talaga. Busog na busog kami dun. After naming magpatunaw ng kinain, pinasyal kami ni Coach Lynn sa manggahan nila kasama ang lolo at lola niya.
Tawa kami ng tawa kasi si lolo ang jolly niya. Tapos dagdagan pa ng kakulitan ng mga kasama namin. Naghahabulan pa sila Ivy, Lesly at Grace. Kulit talaga ng tatlo. Sila pinakamakulit.
"Hija.." ngiting tawag ni lola sa'kin? Lumapit ako sa kanya.
"Ako po?" sabay turo ko sa sarili ko.
Ngumiti ng sweet si lola. "Oo, ikaw nga hija.." Tapos hinawakan niya ako sa kamay.
"Bakit po lola?" ngiting tanong ko kay lola.
"Hmm gusto ko lang sabihin na yung dalawang gwapong binata sa kanan mo nakatingin sa'yo.. Mga manliligaw mo siguro no? Kita ko sa mga mata nila na mahal ka nila, hija.." ngiting sabi lola. Mahina lang naman kaya hindi narinig nung iba kong kasama.
"P-Po?" Napatingin ako sa kanan ko. Si Josh at Yuen ang nakita ko. Nakatingin sila sa'kin. Sila ba ang tinutukoy ni lola? Teka.. mahal nila umano ako?
Hindi.. Mali si lola. Hindi ako mahal ni Josh, lalo naman ni Yuen. Impossible talaga.
"May masasaktan at masasaktan ka sa kanilang dalawa, hija. Hindi iyon maiiwasan.. Ang gawin mo, timbangin mo silang dalawa. Kanino ka magiging masaya, at kung sino ang mahal mo," sabi pa ni lola.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Guitar
Genç Kurgu♫COMPLETED♫ What if you love someone who loves someone else? Will you keep holding on to your feelings, or you'll choose to move on? Original story by symphRain Copyright © 2014