Yesha's POV
Last day of practice for the upcoming concert. Saya! Galing naming lahat.
"Yesha, pagkatapos nito pasyal tayong mall ah?" Aba nag-aaya si manong Josh.
"Weh? Totoo? Nagyayaya ka?"
"Oo! Hehe."
"Sige, mukhang okay yan. Matagal na rin akong hindi nakakapasyal sa mall eh," sabi ko.
"Hoy kayo ah. Nagyayayaan na. Aba.. Iba na yan ah!" tukso ni Frank sa'min. Usyusero to eh.
"May something na ba ha?" Sus. Ito pang isang usyusera, si Ivy.
"Wala. Friends lang kami. Eh kayo, ba't parang nasisense ko na kami na ang next subject niyo dyan sa mga tuksuhan na yan ah?"
"Hahaha. Oo nga! Oo nga! Huwag ah? Baka kasi may magselos!"
"Ha? Sino naman?"
"Wala! Joke lang yun. Sige. Tuksuhin niyo lang kami. Okay lang yun! Aray!" binatukan ko siya kaya napa-aray siya.
"Ikaw! Ikaw pa yata ang magsisimula ng kalokohan eh!"
"Hehehe. Ito naman hindi mabiro. Tsk. Sakit nung batok mo ah!" tapos hinampas niya ako ng song book sa braso ko. Mahina lang naman. Hinampas ko rin siya, pero napalakas.
"Aray! Unfair! Ang hina lang nung sa'kin ah tapos sa'yo ang lakas!" tapos hinampas niya rin ako ng malakas. Amp.
"Uy... Baka magka-developan kayo ah!" sigaw ni Lesly mula sa kabing dulo. Aba.. isa pa yung usyusera eh. Tinawanan tuloy kami nung iba naming kasama.
"HINDI NO!" sabay naming sigaw ni Josh.
"Barbie doll! Pinagpapalit mo na ba ako sa iba ha?" tanong ni Yuen dun sa kabilang side. Nagpout pa siya.
"Hindi ah! Ikaw bestfriend ko, si Josh naman close friend ko. Ganun.. Okay ba, pouting monster?"
"Hahaha. Ah.. Okay!" tapos bumalik na naman siya sa pag-gigitara. Concentrate talaga siya sa kanta niya ah? Eh may solo performance kasi siya. Since bagong-bago daw siya eh pinapa-solo siya ni Coach Lynn.
"Guys, sorry I'm late. Anyway, tigil muna kayo sandali. I bought snacks for us. Kain muna tayo." Mukhang nagshine ang mga mata namin dun sa snacks ah? I love Coach Lynn talaga. Palagi kaming binubusog.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Guitar
Ficção Adolescente♫COMPLETED♫ What if you love someone who loves someone else? Will you keep holding on to your feelings, or you'll choose to move on? Original story by symphRain Copyright © 2014