7th Chapter ♥

293 9 1
                                    

Yesha's POV

Lumipas ang mga araw at nakikita kong sincere nga si Pauline sa mga sinabi niya. Ang sweet nga nila ni Yuen eh. Palaging naghihintay si Pauline sa kanya every practice namin para sa concert tuwing hapon. Sabay silang umuuwi.

Ang saya talaga ni Yuen tingnan kapag kasama niya si Pauline. Masakit man pero masaya ako para sa kanilang dalawa. And I'm sincere and true about that.

"Okay, guys. That's all for today. Tomorrow will be our last practice for the concert, okay? I'd also like to share na natutuwa ako na sobrang dedicated kayo sa activity na ito. God job."

"Thank you po!" sagot naming lahat.

"Okay. You may go now. God bless you all."

Tapos lumabas na kami lahat ng music room. Ngumiti si Pauline sa'kin nung nakita niya ako. Nasa likod ko lang si Yuen. Lumapit agad siya kay Yuen at yinakap ito at hinalikan sa pisngi.

Iniwas ko na lang yung tingin ko at dumistansya sa kanila.

"Ang galing talaga kumanta ng babe ko. Sayang lang kasi hindi maganda boses ko. Ang saya siguro kung mag-duduet tayo."

"Haha. Pede naman yun babe eh. Kahit naman sintunado ka, para sa'kin ikaw parin yung may pinakamagandang boses sa lahat."

"Tse! Ambolero mo naman!"

"Yiiieee! Ang sweet niyo ah? Nakakaingit!" sabi ni Ivy sa kanila. Tinutukso rin sila nung iba naming kasama sa club.

"Okay ka lang?" tanong ni Josh na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"H-Ha? Oo naman. Ba't hindi? Hehehe." Ang fake ko! Naiinis ako sa sarili ko.

"Weh? Parang naiinggit ka sa kanila eh," sabi niya sabay turo kina Yuen. Sinupalpal ko agad yung kamay niya. Baka makita pa siyang nakaturo.

"Hindi no. Ikaw talaga. Ba't naman ako maiinggit?"

"Aba malay ko sa'yo no? Hmm.. Pero dalawa lang yan eh. It's either, gusto mo rin ng boyfriend, oh.. gusto mo yung boyfriend. Haha."

Natamaan ako dun sa pangalawa. "A-Ano? Baliw ka na! Tsupi nga! Ang showbiz mo!" sabi ko, pero guilty ako.

"Hahaha! Ang denial mo rin! Lika nga rito," sabay hila niya sa'kin.

"Oh bakit?"

"May itatanong ako sa'yo."

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon