2nd Chapter ♥

577 18 2
                                    

Yesha's POV

Wow. Ang pangit pa nga ng gising ko kaninang umaga tapos ito pa ang bumungad sa'kin ngayon pagkapasok ko ng school? Sakit sa puso?

Naka-display talaga sila. Pinagtitinginan. Kinikiligan ng mga nakatingin sa kanila, habang ako nasasaktan..

Bakit kailangan pang dito magyakapan? Hindi ba sila makahanap ng private place?

Dali-dali akong pumuta sa CR at nagkulong sa isa sa mga cubicle. Naiyak na lang ako dun na parang tanga. Ang tanga tanga ko talaga!

Bakit ba hindi pa rin ako maka-pag move on? Ba't hindi ko pa rin matanggap na kahit kailan hindi na mangyayaring maging kami? Bakit hindi ko matanggap na iba ang mahal niya?

Ilang minutes din akong nagkulong dun. I fixed myself na rin. Haist. Ang sikip parin talaga sa dibdib..

Pagkalabas ko ng CR nagulat naman ako sobra kasi may nag-aabang sa'kin dun. Nagtaka rin ako kasi bakit narito siya? Kung may makita man akong tao na nag-aabang sa'kin, siya ang pinaka-hindi ko aasahan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sinusundan ka? Nakita kasi kita kanina na umiiyak eh. May problema ka ba?"

"Wala! Hindi ako umiiyak. Ano, ba't nga narito ka sa school namin?"

"Lumipat ako. Masama ba?" Ano? Nagbibiro ba siya?

Ang kausap ko ngayon ay yung kapitbahay na crush ng iba pa naming mga kapitbahay except ako. Siya si Caizen Javier. Ramp model siya. Kasamahan siya ng ate ko na isang ramp model din.

"Oo?" simangot na sabi ko.

"Ang sungit mo talaga. Haha! Dapat nice ka sa'kin. Magkatapat pa naman ang bahay natin."

"Tsk. Ewan ko sa'yo. Uy seryuso, lumipat ka talaga dito?"

"Hahaha! Naniwala ka naman. Hindi no? Binisita lang talaga kita.." Weh? Bakit?

Inabot niya sa'kin yung boquet of flowers na dala niya. "Yan, flowers para sa'yo. Mahal yan! 2,500. Sinasabi ko lang kasi baka itapon mo. Pag ginawa mo yun lagot ka." Pangalanan daw ba ang presyo?

Pero nagtaka ako. Ba't niya ako binigyan nito?

"Ba't mo naman ako binibigayan nito? Tsaka, binibisita mo kamo ako? Ano naman yun? Joke?"

"Pftt. Ikaw talaga! Hindi. Totoo yun. Binibisita kita. Yang flowers, para sa'yo talaga yan. Ang totoo niyan, g-gusto kitang ligawan simula ngayon. Gusto kasi kita eh."

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon