15th Chapter ♥

298 9 0
                                    

Yesha's POV

Narito ako ngayon sa bahay nila Yuen. Kinulit kasi talaga ako na sa kanila raw mag-dinner ngayon. Kaya ayon, hindi ako makatanggi. Request din daw nina tita, tito at Yuki.

"Musta naman kayo ng anak ko, Fane? Going stong ba ha?" si tito. Ba't parang wrong use of term si tito? Going strong talaga? Para naman kaming mag-bf-gf ni Yuen niyan.

"Love niyo naman ang isa't-isa 'di ba, darling?" tanong ni tita sabay hawak sa kamay ko. Yeah.. We love each other. Pero iba yung pagmamahal ko sa kanya. Mahal ko siya na higit sa kaibigan. Siya naman, hanggang kaibigan lang..

"Ate Yesha, masaya ka naman kay Kuya Clyde, 'di ba?"

"Ma, pa, beh.. Ba't ang kulit niyo kay Fane?"

"Hahaha. Anak naman.. Nagtatanong lang naman kami ah?"

"Eh ang tanong niyo kasi baka ano isipin niya."

"Naku, ano ka ba, bes. Okay lang yun," sabi ko. "Ah opo.. Going strong ang friendship namin kasi nga po love namin ang isa't-isa. Bestfriends forever nga po eh.. At syempre naman masaya ako kay Yuen. I'm so lucky to have a friend like him."

"Sayang naman. Friends lang ba talaga, darling? Wala bang more than dun?"

"P-Po?" Nakakailang naman yung sinabi ni tita. Kung alam mo lang tita. Ang tagal nang naging more than dun ang love ko sa anak niyo.

"Ma naman.." I see. Ayaw talaga ni Yuen na ganun ang usapan. It feels bad for him na parang may pinapahiwatig si tita when the fact is may girlfriend na siya.

"Okay okay. Kumain na lang tayo. Com'on sa dining area."

Nung kumakain na kami..

"May gusto ka bang guy?" tanong bigla ni tita.

"Oo naman po. Marami naman akong crushes." Liar ako. Ang totoo, si Yuen lang gusto ko. Na mahal ko rin.

"Talaga? Hmm. Pwede kayang maging isa si Kuya Clyde sa kanila?"

"Ha? Isa naman talaga si Yuen sa kanila," ngiting sabi ko. Hindi naman siguro masamang magpakita ng paghanga sa kanya, 'di ba? Kahit yung paghanga ko lang ang i-express ko. Hanggang dun lang naman.

"TALAGA?!"

"Oo naman po. Eh sino bang hindi magkaka-crush sa bestfriend ko? Tsaka, alam niyo po ba na ang rami-rami niyang admirers sa school namin? Sangkaterba."

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon