Chapter 7

504 9 0
                                    

Yung scene na aming ishoot kasi ang aking pagtakbo paalis ng Park habang nag-iiyak.

ACTION!

Tumakbo ako habang nag-iiyak. Pumikit ako ng sandali at hindi napansin ang isang bato. Nadapa ako at may maliit na sugat sa paa. Arayyyy!

"Kath, ok ka lang? Nasugatan ka ba?" tanong ni Quen na papunta sa akin.

"Ok lang ako. Nasugatan ako pero maliit lang naman." I said to Quen.

Tinulungan niya ako patayo at tamang-tama dumating si Daniel.

"Ano nangyari?" Daniel asked.

"Nadapa si Kath while she was running.." Direk Wenn replied.

Inalis ni Quen ang kanyang kamay sa balikat ko at napalitan ito ng mga kamay ni Daniel.

QUEN'S POV

Wala akong magawa kundi alisin ang mga kamay ko. Oo, aaminin ko, nagseselos ako. Siguro dahil hindi pa rin ako nakaka get over sa mga nararamdaman ko. Pero i'm sure, lilipas din toh. I just need time.

Kath's POV

Nilagyan ni Daniel ang sugat ko ng band aid.

"Ayan, ok na. Ikaw naman kasi, takbo ka ng takbo, hindi ka naman nagtitingin sa dinadaanan mo. Kaya sa susunod, mag-iingat ka ha?" bilin niya sa akin. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Sheeeet, kinikilig yata ako. <3

Dahil sa sugat ko, the only video they took while I was running was that of my upper torso. Pagkatapos ng 30 minutes, tapos na ang shooting namin para sa scene na iyon.

Pumunta kami sa isang bahay na nirent ng mga staff at yun daw ang magiging bahay ni Maren. Nung nakita ko na ang bahay... ANG LAKI!! Parang mansion!

"Kath, magbihis ka na para makapagsimula na tayo sa next scene." utos ni Direk Wenn sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam ang buong storya ng serie, kaya binasa ko ng mabuti ang script. Isa palang Pilipino si Maren na tumira sa Korea kasama ang kanyang pamilya. Ang actress pala na magiging ina ko ay si Karen Timbol, habang ang ama ay si Dominic Ochoa. Nakilala niya si Richard( Enrique) at nahulog ang loob dito. Ngunit dumating sa buhay niya si John(Daniel).

Ang storya ng telserye ay magkapareho sa buhay ko ngayon. Parang hindi na serye ang shinishoot namin, kundi ang buhay ko na.

"Kath, tapos ka na ba bumasa? Bihis ka na." Sabi ni Mylene Ongkiko, ang executive producer ng "Lovesick".

"Sige po." I replied.

Bumihis ako ng pajamas na color blue. They applied make-up sa mukha ko then I was ready for shooting.

ACTION!

Iniligpit ko ang mga gamit sa makakapag-alala sakin(Maren) tungkol kay Richard. Lahat ng pictures, t-shirts, kahit yung bracelet na binigay niya, iniligpit ko. Hindi ko itinapon, sayang naman kaya itinago ko nalang sa itaas ng cabinet, siguradong walang makakakita nun doon.

"Knock"

"Come in." I said.

"Mari, are you okay?" si mommy(Karen Timbol) lang pala.

Hindi ako sumagot, tumungin lamang ako sa sahig. Umupo siya sa tabi ko sa kama,"What happened?"

Tumingin ako sa kanya at umiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit,"Shhh.. Tell me. Ano nangyari?" tanong ni mommy.

"Mommy, break na kami ni Richard. (sobs)" I answered.

"What?! Bakit? May ibang babae ba siya?"

"..Wala po...."

"Eh di bakit nga?"

"........"

"Mari, are you in love with someone else?"

"..............."

"Sino?" she asked.

CUT!

Ano ba naman toh, hindi ko na maintindihan ang storya ng "Lovesick", it's so confusing. At paano magets ng viewers ang break up nina Rich at Mari kung hindi pa nila nakikita si John? Paano?!

Hay nako, bahala na si Direk kung ano ang plano niya sa serye. Tatanungin ko nalang kaya siya bukas? Sige yun nalang gagawin ko. 

Tapos na ang shooting namin for the day, ang oras ay 7pm. Yayy!! Makakapag pahinga na talaga ako. Bumalik ako sa hotel at dumiretso sa kwarto. Nag half bath ako, bumihis at humiga sa kama.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang dito po muna. :)

Dagdagan ko nalang po bukas. :)

Dated, Hugged, Kissed, Goodbye (KATHQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon