9:00pm
From: DJ
Kath please pwede ba tayong mag-usap? Kath hindi ko talaga inasahan na mangyari yun.
Ika-dalawampu't apat na message na ito galing kay DJ. Ang lakas naman ng loob mag text. Ay may tumatawag ata sa akin.
Phone: DJ calling.....
Reject.
30 missed calls na ako galing kay sa kanya. Gustong gusto ko makipag-usap sa kanya pero sobrang nasaktan ako sa nakita ko kanina. Sinabi pa niya na wala na kaming relasyon. Akala ko na iba siya sa mga lalaking nakilala ko, yun pala, manloloko rin. Parang bluetooth ang mga lalaking manloloko, kung malapit ka, sayo siya naka connect, pero kung malayo ka, hahanap ng iba. Ayaw ko nang mag-isip pa tungkol dito kaya tutulog na ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Paggising ko, si DJ kaagad ang nasa isip ko. Napaiyak tuloy ako. Tumingin ako sa phone ko at nakita na may 50 messages ako at 40 missed calls galing kay DJ. Para matapos na ito, naisipan ko na magkita nalang kami.
To: DJ
Kita tayo sa restaurant kung saan dapat yung party. Nakareserve pa yun kaya tayo lang dalawa ang makikipag-usap.
From: DJ
Salamat Kath.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagdating ko doon, nakaupo si DJ sa taas ng lamesa.
"Kath, salamat at dumating ka."
Niyakap niya ako. "Kath, patawarin mo ako. Hindi si Stel ang mahal ko, ikaw lang. Hindi ko talaga inasahan na ganun pala ang mangyayari sa amin doon sa bar."
Tapos niya akong yakapin, I started talking.
"Daniel, mahal pa rin kita, pero hindi maalis sa isip ko na baka hindi tayo ang dapat para sa isa't isa. Hindi kita masisisi kung nahulog ka para sa ibang babae. Hindi rin ako galit. Alam ko na dapat akong magalit pero hindi eh. I just feel pain. Ang sakit dito sa puso DJ. Sabi pa nga ni Johnny Depp, kung nagmamahal ka ng dalawang tao at the same time, piliin mo yung pangalawa, kasi kung mahal mo talaga yung una, hindi ka mahuhulog sa pangalawa. DJ ipinapakawalan na kita."
Nandito kami ngayon, standing in front of each other. We were over. Tapos na ang aming 2 year relationship. Wala siyang reaction sa mga sinabi ko. Parang wala lang sa kanya.
Aalis na sana ako pero napahinto ako sa pintuan na restaurant. Lumingon ako sa kanya pero tumingin lang siya sa akin. Hindi ba niya ako pipigilan umalis? Sumakay ako sa kotse ko at umalis.
Pumunta ako sa Starbucks para bumili ng coffee. Sira na nga yung araw ko sisirain pa ng isang babae na nandito ngayon. Si Stella. Siya lang mag-isa umupo sa isang table. Medyo nagulat ako sa ginawa ko. Umupo ako sa harap niya.
"Kath anong ginagawa mo dito? Diba dapat kasama mo si DJ ngayon doon sa restaurant?" Big mistake. So sinabihan pala ni Daniel kay Stel kung ano ang ginagawa namin doon sa resto.
"Break na kami."
"Kathryn, sorry talaga. I didn't mean to fall in love with him. I feel very guilty, sad and disappointed."
"Guilty? Sad? Disappointed? Dapat maging masaya ka. Tingnan mo maigi kung ano ang nangyari. Una boyfriend ko si Daniel. Pero tumingin siya sayo, pumunta siya sayo."
Oo ako na ang nag walk out.
'~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
1 week later...Hindi na kami nag-usap ni Daniel after ng aming break up. Lumabas na rin sa publiko ang balita kasi siya na mismo ang nagsabi. Hindi ako nagulat nang nalaman ko na sila na ni Stella.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, Nasa kotse kasi ako ngayon. Nang nakita ko ang condominium kung saan nakatira si Quen, huminto ako at pumunta rito.
I knocked.
"Kath?"
"Hi Quen. Laro tayo ng Xbox?"
"Oh Kath. Kumusta ka na? Hindi kita nakita for a week."
"Ok na ako. Masakit pa rin pero kinakaya ko naman."
Yun, naglaro lang kami. Kahit na nalulungkot ako, basta nandiyan si Quen, ayos na ang lahat. Basta nandiyan si Quen, masaya na ako.
"Salamat Quen kasi hindi mo ako iniwan."
"Your welcome. Mahal kaya kita noh."
Napangiti ako sa sinabi niya. Sweet pa rin siya.
"So ano na ngayon?" Quen asked.
"Hindi ko alam eh. Pero kung ano ang mangyayari, gusto ko malaman na nandiyan ka para sa akin."
"Syempre nandito ako para sayo. Kahit na nandun ako sa London, kung kailangan mo ako, babalik ako dito sa Pilipinas."
Nagyakap kaming dalawa. Ang cheesy naman. Siguro it's time to give Quen and I another chance. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~