"Hi DJ!" Niyakap ko siya pagdating ko sa parking space kung saan siya.
"Oh, kumusta ang araw mo kasama si Quen?"
"Masaya naman." I kissed his cheeks. His kissable cheeks.
"Kain tayo sa bahay ko?" Tanong niya habang papunta sa kanyang car.
"Let's go." :)
~~~~~~~
"Hello po mommy." Nag beso beso kami ni Tita Karla pagdating ko sa bahay nila ni DJ.
Ang sarap talaga magluto ni Tita Karla.
After eating...
"Sige po tita uuwi na po ako. Medyo late na po kasi eh."
"Hatid na kita Kath." sabi ni DJ.
Nasa sasakyan na kami ni DJ papuntang bahay.
"Alam mo ba kung ano ang mangyayari next week?" tanong ko sa kanya.
"Ahm, ano?" Hindi pwede makakalimutan niya.
" Hulaan mo."
"....Wait...2nd Anniversary na ba natin?" He replied but eyes still fixed on the road.
"Oo...gusto ko kasing extra special yung araw na yun. Gusto ko mag party tayo, pero konti lang ang ating iinvite." Medyo nahihiya akong sabihin yun ah.
" Party? Why not? Very special day kaya natin yun."
"Since hindi naman ako masyadong busy, ako nalang ang hahanap ng venue."
Nakarating na rin kami sa bahay.
"Salamat DJ. Bye."
"Bye. Pakiss." :)
I sighed and gave him a warm and gentle kiss. :)
Pagpasok ko sa bahay, tulog kaagad ako.
Maaga pa lang pero gising na ako. Humanap kaagad ako ng magandang venue para sa party via the internet. After ilang oras, nakapagpasya ako na doon sa L'Icontro Ristorante Italiano magaganap ang party.
Tatawagin ko sana si DJ pero baka busy siya kaya naisipan ko na si Quen nalang. Total, pareho kaming nasa bakasyon ngayon.
"Hello?"
"Quen? Nagising ba kita?"
" Hindi naman. Bakit ka napatawag?"
" Ahm, anniversary kasi namin ni DJ next week. Baka pwede mo akong samahan sa L'Icontro Ristorante Italiano para makapagawa ng reservation?"
"Ikaw pa. What time?"
"Mga after lunch."
"Ok, susunduin kita mamaya. Bye."
"Bye Quen."
Hindi ko siya nais makasama dahil may nararamdaman pa ako sa kanya pero gusto ko siya makasama dahil kaibigan ko siya at matagal na kami hindi nagka bonding. :)
After 4 hours..
Beep Beep!
Nandiyan na pala siya. Dali dali akong bumaba at nagpaalam kay mommy. Paglabas ko sa bahay, nakatayo si Quen sa may gate. Niyakap ko siya at pumasok na kami sa loob ng kotse. Dumating kami doon at gumawa ng reservation. Ang ganda naman sa loob. Umorder kami ni Quen ng pagkain, ang sarap. After making enough preparations, umalis na kami ni Quen.
"So, saan mo gusto sunod?" Tanong ni Quen.
"Hmm... Hindi ko pa alam eh. Eh ikaw?"
"Tara punta tayo doon sa condo ko. Laro tayo ng Xbox at Wii."
"Tara." :)
Nakarating kami sa One McKinley Place doon sa Bonifacio Global City, Taguig. Ang yaman na talaga ni Quen. Ang mahal mahal kaya dito, hindi bababa ng 8 million ang isang room. Sumakay kami ng elevator at nakarating sa taas. Wow, penthouse talaga ang kay Quen.
"Grabe Quen ang laki naman nito."
" Oo nga eh. Yung maliit lang sana bibilhin ko pero sabi ni daddy na ito nalang daw. Upo ka muna diyan at kukunin ko muna ang consoles ok?" :)
Makalipas ang ilang minuto, dala dala na ni Quen ang mga consoles. Nauna naming ilaro ang kanyang Xbox 360. Naglaro kami ng Dance Central. Ang hirap naman maglaro nun, hindi ko makuha ang mga dance steps. Si Quen? Ang galing talaga niya. Parang halos flawless ang kanyang sayaw. Ako? Wag nalang. Hahaha.
After 30 mins., ang pawis pawis ko na.
"Oh, pagod ka na? Hindi pa nga tayo naka isang oras ah."
"Hindi pa noh. Sandali lang Quen, tawagan ko muna si DJ."
Lumabas ako sa penthouse at tinawagan siya.
"Hello?" Babae ang sumagot....
"DJ?"
"Ay, DJ! Si Kath tumatawag!" sigaw ng babae.
"Kath napatawag ka? Nasa set ako ngayon." Nasa set lang pala siya. Akala ko kung ano....
" Ahm, kasama ko si Quen ngayon naglalaro kami ni xbox. Sabay tayo uwi? Kain tayo dinner?"
"Sure. Sige Kath, shooting muna kami. Bye. Lav ya."
"Love you too."
Tapos nun, naglaro ulit kami ni Quen. Namiss ko na ang ganito. Dati kasi nung kami pang dalawa, lagi kaming naglalaro nito. Ngayon, it happens rarely. Hindi kasi mahilig si DJ ng ganun na game. Mas gusto niya ang mga RPG, eh kung maglalaro ako nun, talagang matatalo ako. At least kung Dance Central, masaya, makakapawis at nakakatawa pa. Kaya ayun, halos half a day kaming naglalaro. Alam kong I need to treasure every moment with him kasi alam kong aalis din siya at seldom nalang visits niya dito. :)