Chapter 8

476 6 0
                                    

Nakatayo ako sa lupa, tapos tumalon sa isang bangil.

"Ahhhhhh!" At ako'y nagising.

"Panaginip lang pala."

Pagtingin ko sa oras, 9:30pm na pala. Matutulog sana ako ulit pero wala pa pala ako nakakain. Kaya tumutunog ang tiyan ko.

Nagbihis ako ng maayos at pumunta sa restaurant ng hotel. Ang daming pagkain, kumuha muna ako ng konte. Umupo ako ng mag-isa sa table at kumain.

"Oh, gising ka pa?"

Lumingon ako sa likod at nakita si Direk Wenn. He sat down in front of me, eating his chocolate cake.

"Direk Wenn, ano po ba talaga ang story ng Lovesick? Hindi ko po maintindihan. Bat ba nag break kaagad sina Rich at Mari na hindi pa nagdadating si John?" tanong ko.

"Actually, nasa bandang episode 10 ang eksenang ating shinoot." he replied.

"Po??" ano? episode 10? Akala ko 1st episode palang kami.

"Naisipan ko gamitin ang narrative device na flash forward. After ng scene ng mama mo at ikaw dun sa bahay, magkakaroon ng flashback kung bakit ganun ang nangyari. Flashback ang mangyayari hanggang episode 10." ipinaliwanag niya sa akin.

Kaya pala. Flash forward pala yung eksena sa pag break namin este nina Maren at Richard.

"Sino po ba ang kanyang makakatuluyan sa huli?" tanong ko.

"Secret."

"Sige na po Direk, sabihin niyo na po."

"Sa last episode, malalaman mo."

"Direk naman eh."

"Sige na, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."

"Ok po." nagpaalam ako sa kanya at bumalik sa kwarto.

Nang malapit na ako, nakita ko si DJ sa may pintuan.

"Daniel? Ano ginagawa mo diyan?"

"Ah, ano kasi...ah... Wala lang." sabi ni DJ.

"Ok..ok. Matulog na ako ha." papasok na sana ako ngunit hinawak niya kamay ko.

"Good Night Kath."

Ngumiti ako at tumugon, " Good Night." :))

Papasok sana ako ngunit hinawak niya kamay ko ulit.

"Ano? Matutulog na ko." sinabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at hinalikan ang aking pisngi. Dali-dali siyang umalis. Natulala ako ng sandali. Pagpasok ko sa kwarto, tumalon talon ako sa kama sa sobrang kilig. Parang sasabog ang aking puso sa kilig. Definitely a night to remember! Lahat ng pagod kanina ay nawala dahil sa halik ni Dj sa aking pisngi.

Hehehehe. X3 <333

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Another Chapter, pero short lang ito. :) Sorry talaga kung pangit guys. Pero thank you sa mga nagbasa. Hindi ako nag.expect na aabot ng 100 reads. XDD KATHQUEN <3

Dated, Hugged, Kissed, Goodbye (KATHQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon