Chapter 28

386 7 1
                                    

Guys, sa isang chapter nilagay ko na 20 yrs old si Kath. Dito iniba ko. 18 pa siya. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

3 weeks after........

Simula nung sinabi ni Quen na pupunta na siya sa London, mas nagiging busy kami para sa shooting. Speaking of Lovesick, nagiging number one na yun simula na nag air last last saturday. Halos lahat nanonood. Masaya ako syempre. Pero ayaw ko pa matapos ang shooting namin sa drama. Kasi alam kong aalis na si Quen tapos nun at may posibilidad na ito ang kanyang magiging huli. Isang eksena nalang ang kulang. Tapos, wala na. 

"Kath, hali ka na. It's our last scene." Si Ate May lang pala. Tumayo ako sa aking inuupuan at lumabas sa dressing room. 

ACTION

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Nagkatuluyan sina Maren at Rich. Nasa simbahan na sila dalawa para sa kanilang kasal. 

"You may now kiss the bride."

First kiss ko to kasama si Quen onscreen kaya medyo nakakabahan ako. Pero i'm 18 and he's 22, so ok lang sa parents namin. Nilapit niya mukha niya sa akin then I felt his lips on mine. Sandali lang naman ang halik. Cheers were heard from the crowd. Quen and I smiled, este si Maren at Rich pala.

CUT!

I felt tears on my cheeks, knowing that it's finished. Kahit napagod ako, this was all worth it. We all had a group hug. Pinuntahan ko si DJ at niyakap siya. Umiyak na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. 

Nagbihis ako para sa party namin for Lovesick. Pero para na rin itong Goodbye party kay Quen, na aalis ng papuntang London bukas.

-Party-

"Gusto ko pasalamatan ang lahat na nagpagod para magawa ang dramang ito. Lalong lalo na ang mga taong nagbigay buhay sa mga characters. Maraming salamat po." Direk Wenn ended his speech. We all stood up and clapped our hands. 

Nagsasayaw kaming lahat. Kami ni DJ ang partners syempre. Ang saya saya naming lahat tingnan. Pero, pagtingin ko sa aking kanan, I met Quen's eyes. He gave me a sad smile. Huminto ako sa pagsayaw at pati na rin si DJ.

"Ano problema Kath?" tanong ni DJ.

"Si Quen." tugon ko.

Tumingin rin siya rito at niyaya ako na kausapin siya. "Kausapin mo. Aalis na siya bukas. Sige na."

"Sure ka ok lang?" 

"Kath, kaibigan natin si Quen. Sige na kausapin mo siya."

Lumapit ako kay, Quen. "Usap tayo."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pumunta kami sa rooftop ng hotel. Ang ganda ng view.

"Aalis ka na talaga?" Nahihirapan akong magsalita kasi parang naiiyak na ako. 

"Oo. Ayaw ko nga eh pero gusto ko rin na mamana ang business namin." He replied.

"Kahit na iiwanin mo ang pag aarte?" Tumutulo na ang mga luha ko.

"Kahit iiwanin ko ang pag arte." Pabulong niyang sinabi.

"Alam mo Kath, mahirap ito para sa akin. Naging parte na ng buhay ko ang acting. Ayaw ko na mawawala ito. Pero pakakawalan ito para sa pamilya ko." 

Umiiyak na ako. "Quen, mag quit ka ba talaga?" Lumalapit ako sa kanya.

"Oo." Niyakap ko siya. Alam ko na hindi ko na magagawa ito sa susunod na 2 taon. Pero he didn't hug me back. Kaya bumitaw nalang ko. Umupo kami sa isang bench at inienjoy ang mga views at ang moment na ito.

"Actually, hindi lang ang acting ang ayaw kong iwan." Tumingin siya sa akin.

"Ano?"

"Ikaw yun Kath. Mahal kita, mahal kita bilang kaibigan. Matagal na tayong magkakilala, ikaw ang nagtayong parang ina ko kasi nasa abroad pamilya ko, bilang kapatid ko, kaibigan ko...at pati na ring kasintahan ko noon. Kaya paminsan ayaw ko na maging malapit sa iyo...kasi ano nalang gagawin ko kung mawawala ka sa tabi ko, sa buhay ko? Kaso nangyari nga yun, nawala ka. Pero kahit na ikaw ang dahilan ng lungkot ko, ikaw pa rin ang nagpapasaya sa araw ko. Kaya ipinaglaban kita, pero ayaw kong agawin ka kay Dj, kasi alam kong mahal mo siya. I care for your feelings more than mine. Kaya ipinakawalan kita. Pero kahit na sinasabihan ko sarili ko na wala ka na sa buhay ko, alam ng puso ko ang totoo."

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. 

"Sige, baba na tayo. Mag-ayos pa ako ng gamit eh. Aalis na ako bukas."

Bumalik kami sa baba at nag thank you sa amin si Quen. Natapos na ang party. Hindi lang ang party, kundi ang acting career ni Quen.

"Goodbye Kathryn." He smiled at me and gave me a hug.

"Goodbye Enrique." I whispered to him.

Then, I watched him walk away. I would surely miss him. Goodbye Quen.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Quen kasi wag ka nang pumunta sa London. Hahabulin kaya siya ni Kath sa airport? 

Dated, Hugged, Kissed, Goodbye (KATHQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon