Eto na, anniversary na namin. Nagpapasalamat ako kasi tinulungan ako ni Quen to make this day extra special at para mag prepare for the party. 3 hours nalang before mag start. 7pm kasi ang party. Tinawagan ko si DJ pero hindi siya sumasagot. Baka nasa shooting pa siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
1 hour nalang naiwan. Bumihis ako ng isang simpleng dress at pumunta sa venue. Pagdating ko doon, ang ganda! Mga close friends lang ang ininvite ko kaya konte lang ang mga bisita.
"Quen! Nandito ka na pala." Nakasuot siya ng tux at nakaayos ang buhok niya.
"Oo, maaga ako pumunta kasi para I can assure na the preparations are ok."
"Salamat. Si DJ?"
"Wala pa eh. Pero tumawag ako hours ago sabi niyana tatapusin lang daw niya ang shooting tapos pupunta siya rito." Buti naman kung ganun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
30 minutes nalang pero wala pa rin si DJ. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman siya sumasagot. Kaya naisipan ko na si Gus nalang tawagan ko.
"Kath? Napatawag ka."
"Gus, nakita mo ba si DJ? Anniversary kasi namin ngayon at malapit na mag start ang party."
"Si DJ? Nakita ko ata siya pumasok sa isang bar. Giraffe ata yung name."
"Sige salamat."
Giraffe? Alam ko ata yun. Hinanap ko si Quen para samahan ako doon.
"Quen punta tayo sa Giraffe Bar."
"Ha? Ano naman gawin natin dun?" Quen gave me a confused look.
"Nadun si DJ."
Wala na siyang ibang sinabi at pumunta kami dun.
Pagdating ko doon, pumasok kaagad ako, pinahintay ko si Quen sa labas. Ang laki ng bar, ang ganda rin. Nung nakita ko siya, I think I just died inside because of the sight I saw.
Dj.........Stella...............Kissing..........WHAT?!
Parang gusto kong tumawa. Instead, mga luha ang lumabas sa dalawang mata ko. Ang sakit, sobrang sakit. Ako dapat ang nasa lugar ni Stella. What's worse? It's our anniversary pa!
Wala akong ginawa. Tumayo lang ako sa kanilang harap. After mga...3 minutes.... Sa wakas natapos na rin ang dalawang toh. Nakatingin pa rin sila sa isa't isa. Parang wala ako dito. Pero pagtalikod ko, natamaan ko ang isang baso sa isang table at nabasag ito. Buti nalang konte lang ang tao rito. Napatingin sa akin si DJ at si Stella.
"KATH?" Napasigaw ni DJ ang pangalan ko. Bumalik ako tumingin sa kanya.
"Kath, Hindi-" Pinahinto ko siya. Tinaas ko ang kamay ko signaling 'Stop'.
"Kath ano ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak?" Tumayo si Stella sa tabi ni DJ. Mas lumalala ang nararamdaman ko ngayon.
"Stella..DJ... Bakit niyo nagawa sa akin toh?"
"Huh? What are you talking about Kath?" Ano? Ano raw? What was I talking about?! Hello, boyfriend ko kaya ang hinahalikan mo!
"Boyfriend ko ang hinahalikan mo Stel." Umiiyak pa rin ako.
"Ano? Pero sabi ni DJ na you two already broke up and that you were calling him over and over again because you couldn't get over him ."
"Sinabi mo yun sa kanya?" sabi ko. Pumikit si DJ at may lumabas na luha sa mata niya.
"Sorry Kath. I'm very truly sorry." Lalapit sana si DJ sa akin pero dali dali akong umalis.
Paglabas ko, niyakap kaagad ako ni Quen.
"Ano nangyari?"
"Si DJ........Stella...." Niyakap ulit ako ni Quen.
"Babalik pa ba tayo sa party?" tanong ni Quen.
Habang umiiyak sinabi ko,"Oo. Sayang lang ang pingahirapan natin."
Bumalik kami doon sa party at sinabi ko kung ano ang nangyari sa bar. Sinabi ko na huwag ikalat ang balita kasi kahit na galit na galit ako, ayaw kong masira ang reputasyon ni DJ. Nang nakaalis na ang mga bisita, naiwan kami ni Quen, ni mommy at ng mga kapatid ko sa loob. Umupo kami sa isang table ni Quen at nag-usap.
"Kath ok ka lang?"
"Mukha ba akong ok?"
"Kath sorry...."
"Alam mo, nung dumating si Daniel sa buhay ko, nahulog ako agad agad sa kanya. Hiniwalayan kita, pumunta ako sa kanya. Ang saya saya ko nun. Ang ganda ganda ng aming relasyon. Paglipas ng dalawang taon, iloloko lang pala niya ako. Finding out he wasn't the Daniel whom I thought he was, It is like losing him twice."
Ang sinasabi ng puso ko: Ipaglaban mo siya.
Ang sinasabi ng isip ko: Huwag mo nang ipaglaban. Mas madali yun.