5:45am
Naka gising ako dahil nag vibrate phone ko. Tiningnan ko ito at nabasa ang message galing kay ate Coleen.
From:Ate Coleen
Aalis na si Quen papuntang London ngayong umaga, 6:30am. Mamimiss ka namin Quen. :(
6:30am na pala siya aalis. Hahabulin ko ba siya? Ang OA naman, gayang gaya sa movies. Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin yung bf gf pa kami.
~Flashback~
"Kung ako ang hahabol or may hahabol sa akin sa airport, hindi mangyayari yun. Ang common na kung ganun noh. Parang sa mga movies. OA." sabi ni Quen.
"Eh paano kung may gagawa sa atin nun?" tanong ko.
"Ewan ko bah. Saka nalang ako maniniwala sa mga ganun, kung mangyayari yon sakin."
Yun lang ang kailangan kong tulak para habulin ko siya sa airport. Naligo ako ng sandali at dali daling bumihis. Naku, 6 na. Agad akong nagpaalam kay mommy at sumakay sa aming sasakyan. Shoot, sana makaabot pa ako.
After 40 minutes, nakarating na ako sa airport. Pumasok ako pero I didn't get my hopes up. Pagtanong ko sa isang counter, nakalipad na pala ang plane nila Quen. Nakita pa raw niya ito na sumakay. Sayang, gusto ko sana na ipakita kay Quen na kahit sa totoong buhay, may hahabol rin sa airport. Umuwi nalang ako sa bahay after nun. Tapos, doon ko nasabi sa sarili ko na wala na talaga si Quen...Sa ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AFTER 2 YEARS
20 years old na talaga ako. Hindi na ako teenager. Masaya ang naging buhay ko this past 2 years. Very very very very very close na kami ng family ko. I got time to bond with them. Naging very successful ang drama namin na Lovesick. Maraming mga projects ang inoffer sa akin. Karamihan nito, kasama si DJ. Sikat na sikat na ang aming loveteam, ang Kathniel. Kami pa rin ni DJ hanggang ngayon. Very blessed ako na nakilala ko siya.
2 years na rin ang nakalipas noong umalis si Quen. 24 na siya ngayon. Hindi ko na siya nakausap o nakatext man lang. Kumusta na kaya siya ngayon? Uuuwi pa kaya siya dito? Babalik ba siya sa acting? Nasaan ka na Quen?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Uuwi pa kaya si Quen sa Pilipinas? :)
Very short chapter lang po ito. :)