Guys, last chapter na ito. Medyo similar siya sa Perks kasi more on narration. Thank you for reading this story until this very last chapter. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Months after that, halos kasama ko si Quen every minute of everyday. Parang kagaya dati nung kami pang dalawa. Bumalik ang aming bonding just like before. Tinulungan ko rin siya sa mga business stuff niya at he supports me sa acting ko. Last month, he asked me if I wanted to be his girlfriend again, pumayag ako syempre. Si DJ, close friends pa rin kami despite sa nangyari sa amin 2 months ago. Kahit si Stella close ko na rin. Bumalik ako sa acting after a month of rest. May bagong movie pa ako na international, 'Ghostgirl'. Napaka excited ko kasi first international movie ko ito at sa London namin ishoot. Meaning makakasama ko si Quen. Pero kasama ko rin pamilya ko doon. :)
Marami akong natutunan nung past three years ng buhay ko. Lalo na sa pagmamahal. Lahat ng mga ngiti, lahat ng mga yakap, lahat ng mga dates, lahat ng mga halik, lahat ng mga 'Goodbye' at 'Hello'. Ang una kong halik, ang unang kong boyfriend, ang una kong date, ang una kong break up. Kung paano ako nasaktan ng husto, kung paano ako nanloko at niloko, kung paano ako minahal at nagmahal. Naging malaking parte yun sa buhay ko. Going through all those things were worth it. Ang dali dali lang magsabi ng I love you, pero ang hirap maghanap ng taong magmamahal sayo hindi dahil maganda ka, hindi dahil payat ka, hindi dahil ang sikat mo, ngunit kung sino ka talaga. Kung mahahanap niyo man ang taong iyon, hold on to them. Napaka blessed ko kasi dumating si Quen sa buhay ko. Walang happy ending ang totoong love story kasi walang katapusan ang pagmamahal. :)
Pero complicated ang mundo. Kung nahanap na natin ang 'the one', paminsan natatakot tayo to take a risk. Natatakot tayong masaktan, matakot tayo na baka hindi rin tayo mamahalin. Pero kailangan natin tandaan na sometimes, kailangan natin masaktan in order to grow, at sometimes, some lessons are best learned through pain. And don't give up...because once you've found the one....you must never stop fighting for that person. :)
"Kath?" Si Quen lang pala.
"Bakit?"
"Tara na. Malapit na tayo sa London."
"Sige mag-aayos lang ako." I kissed him on th lips for a second. Nasa private plane kami ni Quen ngayon. Malapit na pala kami sa London.
Eto na, ang huli kong pagsusulat tungkol sa buhay ko. Kung mag-aalala man kayo, gusto ko lang sabihan na nandito si Quen, ang pamilya ko at ang Diyos para gabayan at alagaan ako. Sana maging masaya kayo at may natutunan sa aking mga naibahagi tungkol sa buhay ko. Salamat. :)
Lots of Love,
Kath. :')
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
END.
Thank you po talaga sa lahat ng mga nag fan sa akin at nag vote po sa story ko. Sana may natutunan kayo at sana maging inspired kayo sa buhay at maging masaya. :)