7:00pm na. Wala pa rin si DJ. Plano ko pa naman sana mag dinner kami. Tinawagan ko ulit siya for the 100th time pero wala pa rin eh. Saan na kasi si DJ.
"Yes po tita. Wala po eh." Kausap ni Quen si Tita Karla.
"Ano raw?"
"Hindi rin niya nakita. Baka nasa shooting pa."
"Pero sabi niya na matatapos sila kaagad."
"Ganito nalang. Punta nalang kaya tayo sa set."
"Siguro nga mas mabuti kung ganun."
Pumunta kami sa baba at sumakay sa kotse. Nakarating kami sa set. Nakita ko si Tito Sean, ang director ng kanilang bagong drama.
"Oh Kath, Quen. Anong ginagawa niyo dito?" Nagulat si Tito pagkakita sa amin.
"Good evening po tito. Nakita niyo po ba si DJ?" Mas nagulat pa siya sa tanong ko na iyon.
"Ha? Si DJ? Sabi niya pupunta siya sa inyo. Kasama niya si Stella."
"Stella po?" Babae? Malamang.
"Oo. Don't misunderstand. Co-star lang niya yun."
"May idea po ba kayo kung saan sila pumunta?"
"Hindi eh. Ang alam ko kasi pupunta siya sa inyo. Yun ang sabi niya."
"Sige po tito salamat." Hindi kaya...? Hindi, hindi yun gagawin ni DJ.
Tinawagan ko si DJ at sumagot na rin siya sa wakas.
"San ka?!" Sumigaw ako syempre. Hindi siya nakapunta sa condo ni Quen at may kasama pang babae!
"Traffic kasi dito. Kasama ko si Stella, Gus at Francis. Malapit na kami sa condo." Marami naman pala siyang kasama. Tito naman kasi, Stella lang ang sinabi.
"Ah ok."
"Ano, balik na tayo sa condo?" Quen asked.
"Let's go."
Shortcut ang aming dinaanan kaya hindi traffic. Nauna kami dumating doon sa condo at sakto dumating sina DJ at ang mga kasama niya. Ang ganda ni Stella. Parang hindi siya pure pinoy. Ang ganda as in!
"Kath, sorry ha matagal kami. Kilala mo na sina Gus at Francis diba? May bagong cast member kami, si Stella, siya love interest ko sa drama. Stella si Kath, Kath meet Stella."
"Hi Stella." Nakipag shake hands ako. Ang smooth ng skin niya.
"Hi Kath. Dj told me many things about you." Englishera pa.
"Wow, and he never told me about you." English din ako. Tumawa kaming dalawa at nag blush tong si DJ. Aba aba may gusto ata tong boyfriend ko kay Stella. Umupo kami sa isang table good for 6 at umorder.
"Kath, is it ok kung hinalikan ko boyfriend mo on set? May kissing scene kasi." Stella asked. Malapit ko naluwa yung aking nainom.
"Ok lang noh. On set lang man din eh." On set lang talaga. Hindi pwede Off set. Hindi lang isang lalaki ang pinag-uusapan dito, boyfriend ko. Dj naman kasi walang sinabi. Tapos ng ilang oras, umuwi na kami at naiwan na si Quen sa condo.
Nasa sasakyan na kami ni DJ papuntang bahay. Medyo nasaktan ako nung nalaman ko na nag kiss pala silang dalawa. Hindi pa sinabi ni DJ sa akin at nalaman ko pa sa ibang tao. Unfair kasi sinabi ko naman na hinalikan ko si Quen doon sa Korea ah.
"Bakit hindi mo sinabi?.....Na may kiss scene..?"
"Sasabihin ko sana pero naunahan ako ni Stel."
"Ah ganun bah." Yun lang ang pinag-usapan namin tapos silence followed hanggang dumating kami sa bahay.
"Bye DJ." Kumuway ako sa kanya.
"Bye Kath." Ngumiti siya at umalis na siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~