Part 1 Raw Pag-gising

49 0 0
                                    


Ako si Jonathan third year high school student ng Maelis Buhay Sr. High School. Uwian na ng tanghali dahil pang-umaga ang pasok naming mga third year student. May kalapitan lang ang bahay namin sa school na pinapasukan ko kaya't nilalakad ko nalang pauwi. Para sa'kin ordinaryong araw lamang ito pero yun ang akala ko. Nagsimula ang kwento nang pagdating ko ng bahay.

"Ma nandito na ako" sabi ko pagkarating ng bahay. "nandyan ka na pala" sagot ni Mama. "Athan may gusto ipagawa ang papa mo sayo, nag bilin sya sakin na pakituloy daw yung hukay na ginagawa nya sa likod bahay. Gagawin nya raw yun mini fish pond. Gusto ng papa mo Makita na tapos na yan pagdating nya galling trabaho para sa Sunday. Bubuhusan nalang nya ng semento."

Grabeng utos pinagagawa sakin nila mama at papa kaso wala akong magagawa hobby ni papa ang kahit anong may kinalaman sa agriculture. Kaya ngayon nasa likod bahay ako may dala na piko at pala. Aminado ako mahina ako sa mga physical activities pero bumabawi ako sa academics. Consistent honor student ako at medyo nerd at dahil nerd ako, nabu-bully lagi ako. Iniisip ko nalang sa mga bully ko ay di lang maganda ang disposition at attitude nila dahil sa mga past experience o kinalakihan nila. Kaya normal lang na bully sila kaya dapat intindihin. Pero minsan nakakapikon na talaga pero takot ako. Anong laban ko? e mahina nga ako. Nakita ko agad yung nasimulang hukay ni papa at binigyan ako ni mama ng kopya ng plano ng fish pond. Naisip ko ayoko ituloy yung nasimulan ni papa gusto ko magsimula humukay dun sa kabilang dulo ayon sa plano. Gagawa ako ng sarili kong simula. Yung masasabi ko na ako talaga humukay. Sa bandang huli naman magtatagpo din yun hinukay ni papa at huhukayin ko.

Isang oras ang lumipas. Napalalim ang hukay ko. hanggang sa may mapiko ako na matigas sa ilalim ng lupa. Inisip ko bato lang. may mga natamaan naman ako kanina na matigas din. Pero sa ikalawa kong pagpiko na nilakasan ko lalo sa pagaakala mabibiyak ang iniisip ko na tinamaan kong bato nung una. Nabasag nga pero may itim na usok na bumuga sa huling parte na piniko ko. 'ah! Ano to?' padami ng padami ang usok na bumubuga at padami ng padami nadin ang dahilan ko para tumakbo kay mama at magsumbong. Mukhang may tinamaan ako na espasyo kung saan may naipon na methane gas or kahit anong klaseng gas. Hindi din maganda pakiramdam ko sa itim na usok. Binitawan ko na ang piko at akmang tatakbo na ako nang may marinig ako na tinig pero di ko maintindihan. Kaya tuloy tuloy lang ako sa pag takbo papasok ng bahay.

Bumalik ako madali sa likod bahay kasama si mama. "Ma, dali dito may lumabas na usok. Kulay itim!" sabay turo ko.

"Naku anak asan na?" usisa ni Mama. Tinignan ni Mama mabuti ang hukay na ginawa ko. "Nak wala naman kung ano dito?" sabi ni Mama

"hindi Ma dyan mismo may usok" pagkukumpirma ko.

"mabuti pa tumawag tayo sa fire station at ipa-check ang hinukay mo"

Ilang oras lang ay may dumating ng mga personnel ng fire station at ng inspektion sa hukay na ginawa ko. Sa sala naming kami kinausap ng isa sa mga fire station personnel. "Misis wala naman po deposito ng methane gas or kahit anong flammable material o gas sa hukay. Ang meron lang po ay heto." Sabay abot sa lumang tabla ng kahoy. Inabot ito ng mama ko. nagsalita muli ang personnel. "Misqa is mukhang pagod lang ata anak nyo kakahuhukay baka gusto lang nya magpahinga na kaya kung ano ano nakikita. Mauna na ho kami." Sabay tingin sa sakin ng sarkastiko

"ganun po ba, salamat" sagot ni mama. Sabay harap sakin "athan itapon mo to." At inabot yung tabla ng kahoy sakin. Napasapo nalang sa ulo si mama sa nanyari. Gabi na. di na ako naghapunan. Wala akong gana at naguguluhan ako sa nanyari. Nalaman nadin ni papa nanyari pagkauwi nya at narinig ko na tumatawa lang si papa habang nagkukwento si mama sa kanya. Nakaupo ako sa study table ko. hawak yun table ng kahoy. 'sigurado ako may lumabas na usok. Di kaya sa tabla na 'to.' Tinignan ko maigi ang table. Napansin ko may mga nakaukit pero di ko alam kung ano ang mga iyon. Hindi ko tinapon ang tabla dahil na curious din ako. Bukas sabado naman kaya balak ko I-google kung ano meron sa mga nakaukit dun.

Sabado ng umaga. Nagising ako dahil sa silaw ng liwanag. Bukas ang bintana galing dun ang liwanag at napabalikwas ako ng gising ng Makita kong may nakaupo na di ko kilalang tao sa study table ko. "sino ka! Magnana!" pasigaw na ako. anong nanyari. Walang lumalabas na boses sakin at di ako makagalaw. "easy boy!" sabi ng lalaki na nakaupo sa study table ko. humarap sya sakin. "naiintindihan mo ba ako? Tumango ka kung naiintindihan mo ako?" tanong at utos nya sakin. Wala na ako magawa. Kaya tumango nalang ako. 'teka, nagawa ko tumango. Ibig sabihin pede ko maigalaw din ibang parte ng katawan ko kung maliit na galaw lang. mali ang naisip ko. kahit dila o labi ko di ko magalaw. Ulo at mata ko lang naigagalaw ko. binabangungot ba ako?' "magaling, mahusay na ako sa lingwahe mo" " lahat ba ng tulad mo ganito magsalita?"

Tumango ulit ako bilang pag "oo". Ang itsura ng lalaki na ito ay kasing edad ko lang. maputla ang mga balat nya. Lintik suot nya damit ko! paborito ko pa. yung kulay grey na sweatshirt at jeans ko na pantaloon. Mahaba ang kulay itim na buhok nya kulay ginto ang mata nya. Kapareho ko lang sya ng pangangatawan na payat at pareho lang kami ng tangkad sa tingin ko. ang gulo ng kwarto ko. napansin ko yung mga libro ko sa book shelf nagkalat na sa sahig ang iba nakapatong sa study table ko. may hawak din ang lalaki na ito na isa sa mga libro ko. "makinig ka. Hahayaan kita magsalita. Pero pag nag ingay ka. Papasabugin ko ulo mo" sabi ng lalaki sa'kin. Sabay turo sa kanang paa ko at bigla nalang sumabog ang kanang paa ko. gusto ko man sumigaw sa sakit di ko magawa. Nakaka desperado ang sitwasyon ko. nagkalat na ang dugo ko sa kama, sa sahig, kisame at dingding ng kwarto ko. "sample lang yan. Kaya wag kang maingay" sabi ulit ng lalaki. Muli nya tinuro yung putol kong paa at isang iglap ay nabuo ito ng parang walang nanyari. Nawala pati mga tigmak ng dugo sa paligid. "anong pangalan mo?" tanong ng lalaki. "pede ka na magsalita" nangingimbal na ako sa takot at nangiginig ang boses kong sagot. "Jonathan ang pangalan ko"

Tumayo ang lalaki "Jonathan, ako naman si Aureum." Sabi nya. "matutulungan mo ba ako?" tanong nya.

"P-pano kita matutulungan. At di ko maintindihan sa nanyayari" sagot ko. " isa pa. bakit hihingin mo ang tulong ko kung pede mo naman I-utos sakin mga papagawa mo. Siguradong susundin kita dahil sa takot." Dagdag ko pa sagot ko sa kaya. Gusto ko malaman ang totoong intension nya. May kapangyarihan sya bakit nga naman hihingi pa sya ng tulong sakin. "haha, ang mga sinaunang taong sumasamba sa mga lumang diyos ay di alam ang demokrasya. Sumusunod lang sila samin. Sa panahon nyo may tinatawag na kayong demokrasya. Kung papasunurin lang kita gamit ang takot. Magiging kumplikado lang at papatayin lang kita sa bandang huli. Hindi yun makakabuti sa mga plano. Ngayong madami pa ako kailangang gawin. Kailangan ko ng isang tao lang na makakatulong ko sa lahat. Hanggang maaari isa lang ang kailangan ko. ayoko ng paulit ulit ng paliwanag at pagpapakilala kung papatayin kita dahil sa pagkakaroon ng salungatan uulit lang ulit sa ganito. Hindi ba. Kaya ako humihingi ng tulong sayo dahil sa demokrasya at ideya mo ng kalayaan." Detalyadong sagot ng lalaki. "madami akong natutunan sa panahon nyo dahil sa google." Sabi ng lalaki.

Nakita ko bukas din ang computer ko. sigurado ako. napag aralan nya lahat. Base sa mga nagkalat na libro ko at naka-on ang computer. Pati pag operate ng computer nalaman nya. Malamang nabasa nya din ang libro ko sa basic computer literacy. Balak ko pa naman mag research sa tabla na malamang may kinalaman sa kanya, mukhang ako ang napag aralan ng lalaki na ito. Hanggang ngayon di ako makapaniwala. Ano ba sya. Hindi kaya ginu-good time lang ako at nasa isang T.V show ako. pero pano yung sumabog kong paa. Yung sakit at pag buo ng paa ko ulit at di ko magalaw katawan ko. hindi kaya may tinurok syang drugs sakin. Kung oo. Wala ako sa T.V show. Illegal ang drugs para gamitin sa isang T.V show.

"tutulungan mo ba ako o hindi?" seryosong sabi ng lalaki sakin habang akmang ituturo ang ulo ko.

Sa takot ko sa bagay na alam ko na manyayari ay dali dali ang sagot ko "oo"

Ngumiti ang lalaki. "salamat" sabi nya.

"k-kala ko ba walang takutan?" may alangan kong tanong sa kanya

"sa una lang, pero sa mga susunod wala na. at tyaka di pa ako sanay sa demokrasya nyong mga bagong tao"

"a-no ka ba? P-pede ko ba malaman" tanong ko ulit

Umupo ang lalaki sa upuan malapit sa study table ko. "ako ang diyos ng mga patay na diyos" at sa isang kumpas ng kamay nya ay bumalik sa ayos ang buong kwarto ko at nakagagalaw na ang katawan ko.

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon