Part 9 Raw Respeto at Pagtutuos

6 0 0
                                    


Part 9 Raw Respeto at Pagtutuos

Isang araw lumipas matapos ang laban nila Joan at Aryan. Nagkita-kita kami nila Joan, Ken, Aryan at ako sa isang convenience store malapit sa school naming after class. Si Joan ang nag set up ng meeting. Matyagang nag antay naman si Aryan kung anong plano ni Joan at tiyak ko ngayong araw nya sasabihin ang plano nya.

Naabutan namin si Ken at Joan nakapwesto sa table sa loob ng convenience store inaantay kami. Nakita nila kami agad.

"Hello God!" Preskong bati nanaman ni Ken kay Aryan

"Yo!" sagot ni Aryan

Hindi ko talaga alam pano nagagawa ni Ken maging casual kay Aryan at si Aryan e di naman nagagalit.

"Pag usapan na natin ang plano" sabi ni Joan

Umupo na kami ni Aryan katapat sila Ken at Joan

"haha nakakahiya ako kahapon!" sabi ni Ken. "kasi tumawag pa ako ng guidance officer."

Hindi na kami na guidance lahat dahil isang sparring match naman ang nanyari. Humingi nalang ng tawad si Ken sa abala na binigay nya sa guidance officer na tinawag nya. Mautak talaga si Joan alam nya pumasok sa gulo at alam nya paano makakalabas.

"Ano ang plano mo Joan?" Tanong ko

Tahimik lang si Aryan nakikinig. Hindi ako makapaniwala talaga nagawa ni Joan sumunod sa kanya si Aryan kahit may kapangyarihan sya. Kahit anong oras pede nya pasabugin mga ulo naming o ni Joan ngayon. Bakit nga ba di nya ginawa. Sa pag kakatanda ko. sabi nya pag sumalungat kami sa gusto nya tatapusin nya kami. Pero bakit nung sumalungat sa kanya si Joan, Hindi nya tinapos si Joan.

Naglabas ng papel na may sulat nya si Joan at pinakita samin.

"ano yan?" tanong ko

Binasa namin ang sinulat ni Joan.

WHERE DO BAD GODS GO WHEN THEY DIE?

THEY DON'T GO TO HEAVEN WHERE THE ANGELS FLY

THEY GO DOWN TO THE SOIL OF EARTH AND FRY

WON'T SEE THEM AGAIN TILL THE 13TH OF JULY

"Wow lyrics to ng Lake of fire ng band na Nirvana ha?" Sabi Ken "Kaso binago mo yun ibang words.

Nakaramdam ako ng takot matapos ko mabasa ang sinulat ni Joan. Balak ba nya na.

"Ito nalang ang naisip ko na pinaka safe at mabilis na paraan para malaman sa apat kung sino ang diyos sa kanila" sabi ni Joan

Naiintindihan ko ang sinasabi sa binago nya na lyrics. Nakapaloob dun ang proseso ng kamatayan at pagkabuhay ng mga lumang diyos. Kung sino man sa apat ang diyos sa pagbibigyan nya. Maiintindihan nya agad kung anong ibig sabihin ng lyrics.

Where the bad Gods go when they die? Ibig sabihin ay kamatayan ng diyos at saan ba sila napupunta.

Hindi sa langit

Kundi sa mundo. Ayon sa kwento ni Aryan. Pag namatay ang mga lumang diyos binabalot ng bato ang abo nila at binabagsak sa mundo bilang bulalakaw.

Yun ang ibig sabihin ng THEY GO DOWN TO THE SOIL OF EARTH AND FRY

FRY dahil nasusunog ang bulalakaw 'pag pabagsak sa mundo.

WON'T SEE THEM AGAIN TILL THE 13TH OF JULY at pagkadating ng ika 13th na araw ay muli sila binubuhay ni Ara. Ang Diyosa ng Buhay.

Pero paano naging safe ang plano nya na ito? Hindi ito safe para sa kanya kundi safe para sa tatlong inosente sa apat na pinagpipilian.

Tinignan ko si Aryan. Alam ko di na sya makakapag-antay, inaasahan nya ang mabilis na paraan kung hindi, 'di na mapipigilan ni Joan si Aryan para tapusin na ang apat na pinagpipilian namin.

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon