Part 6 Raw Pagtitipon

4 0 0
                                    


Part 6 Raw Pagtitipon

Dumating na sa bahay mga kaibigan ko. Dalawa lang naman ang matalik kong kaibigan. Mga kababata ko sila. Si Joan at Ken. Sa maelis buhay high school din sila pumapasok pero sa ibang section. Hindi ko alam paano ko sila makukumbinsi tumulong sakin sa hindi ko naman masabi na dahilan. Kailangan ko magi sip ng palusot para mapapayag sila tumulong sakin. Habang inaantay ko pa si Aureum bumalik

"Athan, ano bang tulong hihingin mo samin?" tanong ni Joan

Kailangan maging maingat ako sa pagsagot kay Joan. Ibang klase pa naman ang instinct nya bilang babae at matalino din sya. Mabilis din sya makaimpluwesya ng tao at magaling sya sa mga diskusyon. Natural leader sya. Class president sya ng class nila at President din ng chess club sa school. Lumalaban din sya sa tournament. Pati quiz bee, spelling bee at kung ano ano pa. nag e-excel sya sa kahit anong pasukin nya.

"uy, ano na?" tanong nya ulit habang inaayos nya maikli nyang buhok na hanggang balikat lang.

"medyo humaba na buhok mo ha" sabi ko

"ganun ba, buti nga e. ang tagal din humaba nito mula nun nagpa apple cut ako ng buhok para di abala sa karate competition last year" sagot sakin ni Joan

Regional karate champion din pala sya pero naging in active na sa competition mula nun nabagot sya sa mga kalaban nya sa competition kaya nag focus nalang sa chess club.

"wag mo nga ibahin usapan Athan! Ano!" tanong nya ulit

Ano ba Jonathan Yves Mag isip ka. Ano idadahilan ko.

"parang tense na tense ka pre?" usisa ni Ken habang naglalaro sa computer ko ng games.

Si Ken ano bang meron sa kanya na magiging tulong sa sitwasyon ko. kung wala. Pede ko nalang sya pauwiin. Isa pa ayoko na dumami pa madamay.

"Pre. Kung tungkol ba yan sa nababalitaan ko inabangan ka daw kanina nila Joseph?" tanong ni Ken " Gusto mo pre sabay ka nalang sa'kin pauwi bukas. Di mo ako sinabihan kaninang uwian na aabangan kayo ng pinsan mo pala"

Si ken. Di naman talaga sya barumbado mo member ng fraternity o anong grupo. Matapang lang talaga sya. Pinag aagawan pa nga sya ng mga fraternity para mag join sa kanila. Ni isa wala sya sinalihan. Mas gusto lang nya maglaro ng computer games kasama ako. minsan bigla bigla nalang pupunta ng bahay naming para mag aya na maglaro kami. Dala nya gaming laptop nya.

"Pano mo nalaman na inabangan kami?" tanong ko

"Tsaka ko nalang nalaman sa kaibigan ko sa kaaway na grupo nila joseph. Napatakbo nga ako papunta sa inyo e." paliwanag nya

"Nakita mo kami?" tanong ko

"hindi pre" naligaw ako "haha sabi sakin kumanan ako tapos kumaliwa dun sa ikatlong kanto. Nalito na ako. haha. Naligaw ako pre" natatawa na sabi ni Ken

"wala ka talagang sense of direction Ken. Kung kalian ka kailangan e sablay ka!" sita ni Joan

"sensya na haha" natatawa na sabi ni Ken

"so anong klaseng tulong ba need mo Jonathan? Gusto mo pa suspend natin sila Joseph?" sabi ni Joan

"ah e.. hindi. Si Aryan need nya ng tulong natin" sagot ko

"Sino yung pinsan mo na bagong pasok sa school ngayon. Kanina ko pa naririnig sa campus kanina na pinag uusapan kayo. Pati si Christy nag tanong sakin kung sino kasama mo"sabi ni Joan

"Wait nalang natin si Aryan bumalik ng bahay" sagot ko

"alam mo sa magkakabata tayo. Wala ako kilalang Aryan na pinsan mo" Duda ni Joan lumapit sya sakin at tinignan ako ng matulis

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon