Part 4 Raw Si Joseph at Robert

17 0 0
                                    



Part 4 Raw

Lunes na. di padin bumabalik si Aureum sa bahay. Papasok na ako sa school. Maaga akong gumising at nag gayak. Iniisip ko padin ang nanyari habang naglalakad ako papasok. Hindi ko napansin malapit na ako sa gate ng school. Badtrip kasabay ko pa sa gate yung dalawang nambu-bully sakin. Si Joseph at Robert. Nagtatawanan sila ng makita nila ako.

"Jonathan! Palit tayo baon ah!" sabi ni Joseph

"yung assignment namin asan na?" tanong ni Joseph

"oo nga san na? gatong ni Robert

"M-maya bibigay ko." makita ko lang to si Joseph natatakot na ako. pero parang nabawasan takot ko sa kanya nung makilala ko si Aureum.

Hanggang ngayon di sya nag papakita, asan kaya sya.

"Nyaaaaa!!! Anong ginagawa mo dito?" napasigaw ako nang makita ko si Aureum naka school uniform papalapit.

"huh? Anong sinisigaw sigaw mo?" puna ni Joseph

"uy pre. Chicks oh" tukoy ni Robert kay Aureum na papalapit sa'min

"anong tinitingin-tingin mo dyan" sabi ni Aureum sakin. Nakakagulat boses babae sya. Tsaka ko nalang napuna na naka pang girl uniform sya. Yung mukha talaga nya una ko napansin. Na trauma na ata ako sa nanyari kaya di ko malimutan mukha nya.

"uhmm.. Aureum?" sabi ko sa kanya

"ako nga" maikling sagot nya

"hehe miss ganda bago ka lang dito? I'm joseph the lover boy! Ehe" pakilala ni Joseph

"Ganda, kilala mo bay an si Jonathan? Sama ka nalang samin mas ok pa." sabay akbay ni Robert kay Aureum.

Umakbay nadin si Joseph sa kay Aureum habang papasok na sila ng gate

"Miss ganda alam mo yung R-Brezzzi, hehe" sabi ni Joseph

"hehe di pumapalag men! Pede to! Sabi ni Robert "Tara dito muna tayo bebe hehe"

Hindi ko alam bakit di pumapalag si Aureum. E pede naman nya pasabugin mga ulo nila.

'Nasa classroom na ako. wala pa sila Joseph at Robert. Oo nga pala dinala nila si Aureum sa kung saan.' Maya-maya lang dumating na sina Joseph at Robert bugbog sarado sila pero di na nila kasama si Aureum. 'grabe naman nanyari sa kanila, binugbig ba sila ni Aureum?' Si Anna yung class president kinausap sila.

"Hala? Anong nanyari sa inyo?" usisa ni Ana

"nibugbog Berna." Sagot ni Robert na maga na ang nguso at may black eye. Pati si Joseph ganun din itsura.

"ha? Ano?"pagtataka ni Ana

"hayaan mo nalang kami" sabi ni Joseph sabay tingin sakin. Kinilabutan ako. mukhang sakin sila gaganti mamayang uwian. 


Dumating na si Teacher Hanna. Kaya nagsipuntahan na sa kanya kanyang upuan ang mga classmate ko.

"Good morning teacher!" bati naming lahat

"Good morning too class!" sabi ni Teacher Hanna. "today, may bago kayong classmate" sumisenyas si teacher na para bang may tinatawag sa labas ng pinto para pumasok.

Shit! Si Aureum ang bago naming classmate. Ano ba nanyari nun isang araw sya di umuwi sa bahay. Nakita ko din si Joseph at Robert parang gusto na umuwi.

"Siya si Aryan Quinto, please introduce yourself Aryan." Sabi ni Teacher Hanna

"My name is Aryan Quinto. I'm 16 years old I live at Jonathan's house"

WOOOOOOOH! Witwiw WItwiw! Ang ingay ng mga classmate kong lalake. Pero sila Joseph at Robert nakatahimik lang. haha! Marunong din pala matakot sila.

Ang daming tanong at tukso ng mga classmate ko. 'di ko alam ang isasagot.

"oh Aryan, kaano-ano mo si Jonathan?" tanong ni Teacher. Hindi sumasagot si Aryan. Hindi ata nya napaghandaan ang isasagot at teka mukha ata naiirita na sya.

"tumahimik kayong lahat" kalmado pero may diin na sabi ni Aureum.

Mukhang napipikon na nga sya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pano kung pasabugin nya lahat ng ulo ng mga classmate ko pati ulo ni Teacher Hanna. Magiging bloodbath ang classroom. Malamang pati buong school.

"P-pinsan ko po sya Ma'am, t-third cousin ko sya" nasabi ko nalang bigla dahil sa takot.

"oh ok, Aryan. Dun ka sa tabi nila Joseph at Robert umupo.

Nakita ko talaga si Joseph at Robert biglang nagpanic.

"patay tayo dyan Ma'am. Bakit kami katabi nya?" reklamo ni Joseph habang si Robert nililinis yung magiging upuan ni Aureum.

"abay, bakit hindi joseph? Quinago ka. Quinto sya, so magkatabi kayo sunod kay Robert. Mali ba ang seating arrangement?" puna ni Teacher Hanna

"abugbug nanaman kami nyan ni Berna" pabulong na sabi ni Joseph

Ngayon ko lang nakitang takot yung dalawang nambubully sakin. Hehe. Siguro naman di na nila ako bu-bully-hin ngayon alam nila pinsan ko si Aureum.

Nagsimula na ang klase. Pinagmamasdan ko si Aureum. Kung titignan normal lang sya tignan. Ordinayong babaeng studyante. Nagbago din boses nya pero ang mata nya kulay ginto padin. Hindi naman na iba sa mga classmate ko kung Makita nila ang mata ni Aureum. Iisipin lang nila na contact lense lang ang mga kulay ginto nyang mata. Uso naman sa school ang lenses. Kailangan ko na itigil pagmasdan sya. Nag focus ako sa subject ng class.

Tumunog na ang bell. Uwian na. niligpit ko na ang gamit ko tumayo at naglakad palabas ng classroom. Pero habang palabas tinitignan ko si Aureum. Di ko alam sasabihin. Nakatingin din sya sakin.

"sabay na tayo" sabi nya sakin

"ok" sagot ko

Palabas na kami ng gate, pero di ko maiwasan di mapansin bulungan at tingin sakin ng ibang student sa campus Mula correidor hanggang gate. First time nila ako nakita ma kasamang babae. Naku naman yung nililigawan ko. ano nalang iisipin pag nalaman nya may ibang babae akong kasabay umuwi. Kailangan ko magpaliwanag sa kanya.

Ilang kanto palang layo namin sa gate ng school. Hinarang na kami nila Joseph at Robert sa daan.

"Hello Berna!" sabi ni Joseph

"resbak kami Berna" Matapang na sabi ni Robert habang nasa likod ni Joseph

"wag ka nga sa likuran ko!" sita ni Joseph kay Robert, habang si Robert nag aalangan umabante.

"ah.. anong gagawin nyong dalawa sa'min?" tanong ko sa kanila.

Ewan ko ba hindi ako natatakot na sa kanila pag kasama ko si Aureum. Sigurado ako si Aureum bumugbog sa kanila kanina. Tahimik lang si Aureum.

"hehe dito na mga tropa ko." sabi ni Joseph sabay double Fuck you sa'min.

Isa isa nadin nagsilapitan sa'min mga tropa ni Joseph at Robert mga sampu silang lahat na pinaligiran kami.

Ilang minuto ang lumipas. Umiiyak na si Joseph. Bali ang dalawang hinlalato nya na daliri. Mukhang di muna siya makaka fuck you ng kaaway nya ng ilang buwan. Nakahandusay lahat ng tropa nya pati si Robert. Ako may bangas din mukha ko habang nakahandusay. lumaban naman ako. pinilit ko maging matigas katawan ko habang pinagsasapak at tadyak ako. Si aureum walang galos. First time nakakita ng ganung moves. Parang sa pelikula lang o sa mga action anime na napapanuod ko. ang galling nya lumaban.

"tara na" sabi nya sakin

Pinilit ko tumayo. Di padin tumitigil sa iyak si joseph. Ang sakit tignan ng mga bali nyang daliri.

"mahina ang katawan mo at wala kang alam sa pakikipaglaban" puna sa'kin ni Aureum.

"bilisan mo maglakad"

"oo na. wait lang" 

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon