Part 7 Raw Tao laban sa Lumang Diyos

9 0 0
                                    



Part 7 Tao laban sa Lumang Diyos

"wooh! Akala ko papasabugin mo na mga ulo namin hehe" sabi ko ng nakaluwag sa paghinga.

"Sinabi ko sayo kanina kailangan ko pa ng ibang mauutusan. At sinabi ko sayo sa simula palang ayoko ng paulit ulit ako ng paliwanag. Ikaw naman ang nagpaliwanag sa kanilang dalawa kaya't walang problema sa'kin." Sagot ni Aureum at umupo sya sa upuan malapit sa study table ko.

"pede magbago ang taktika ng di nagbabago ang stratihiya ko, liban nalang kung may pag salungat na gagawin ang dalawa mong kaibigan. Pede ko na sila tapusin." Sabi ni Aureum

"lilinawin ko lang sayo, hindi ako tutulong para sayo, kundi para kay Athan" paglilinaw ni Joan.

"walang problema sa'kin hanggat may maitutulong kayo sa'akin" seryosong sagot ni Aureum.

"matanong ko lang nasabi sa'kin na hinahanap mo si Elnain. Kapag nahanap mo na sya, ano gagawin mo?" tanong ni Joan

"Tatapusin ko sya at bubuhayin si Ara" sagot ni Aureum

Sa kwento nya parehong napasakamay sa panig ni Elnain ang batong buhay at listahan ng mga patay. Kaya kung makukuha naming kay Elnain ang mga yun. Magagawa nga na buhayin ni Aureum si Ara. Ilang araw ko na kasama si Aureum pero di ko naitanong ang pinaka motibo nya. Si Joan pa ang umalam. Masyado na ata ako nahihirapan sa sitwasyon ko kaya't di ako nakakapag isip ng matino. Hindi dapat ako maging pabigat sa grupo. Si Joan at Ken halata ko sa kanila na kaya nila ang pinasok nila ngayon at gagawin nila yun para tulungan ako, Samantalang ako hindi ko ginagawa parte ko ng maayos. Ayoko na maging pabigat pa sa kanila.

"Kung ganun ano ang plano mo kung pano mo huhulihin ang nararamdaman mo na kapwa mo diyos malapit sa school naming." Tanong ni Joan

Sumagot si Aureum. "Papasok tayo ng sobrang maaga."

4am ng umaga pero gising na gising na diwa ko. tulad ng napag usapan sabay sabay kami pumasok ng maaga nina Aryan, Joan, Ken, Joseph at Robert. Hindi ko alam kung gano kalaki ang takot ni la Joseph at Robert kay Aryan pero himala kung iisipin. Na papasok ng maaga silang dalawa. Nagkasabay na kami lahat pumasok ng gate. Tulad ng inaasahan yung grupo palang namin ang studyante sa school.

Pinuna ko yung mga daliri ni Joseph. Nakita ko na naigagalaw nya ng parang di binali ni Aryan kahapon. "ah. Ok na ba yan mga daliri mo?" tanong k okay Joseph

"ok na sya kahapon bago kami pumunta sa bahay nyo. Minasahe lang ni Aryan kahapon at naging ok na. hindi ko maintindihan pano nanyari. Pero nag sorry sya sa'min ni Robert, tapos hiningi nya tulong naming." Paliwanag ni Joseph

Hindi kaya sinabi rin ni Aryan sa dalawa ang sekreto nya. Imposible siguro. Ayaw nya ng paulit ulit na nagpapaliwanag. Sigurado ako. ang alam lang nila Joseph at Robert ay yung pinapagawa sa kanila ni Aryan. Hindi din ako makapaniwala na humingi ng tawad si Aryan sa kanila.

Pumuwesto na kami sa mga dapat namin pwestuhan. Ayon sa Plano, silang mga diyos daw ay nakakaramdam ng presensya ng kapwa nila diyos ng higit sa 100 meters. Kaya't pumuwesto si Aryan sa layo na 100 meters mula sa gate ng school. Ang purpose nun ay kung mararamdaman nya na ang presensya ng diyos na kalaban namin pagpasok ng gate. Makukumpirma agad namin na isa sa mga istudyante ng school din ang kalaban namin na diyos. Habang si Joseph at Robert naman naka puwesto eksakto sa entrance ng gate. Bibilangin nila bawat papasok. Para malaman kung ilan na ang nakapasok na student sa oras na maramdaman ni Aryan ang presensya. Dun hihinto ng pagbibilang ang dalawa. Sa ganun paraan liliit ang bilang ng tao na dapat namin alamin kung sino sa kanila ang kalaban. Habang si Joan at Ken naman. Kumukuha ng video record ng mga pumapasok sa gate sa di kalayuan. Sa ganun paraan. Malalaman agad namin sino eksaktong tao ang pumasok hanggang sa maramdaman ni Aryan ang presensya ng kalaban. Dumadami na ang pumapasok sa School. Kailangan ko mag focus. Ang trabaho ko naman. Kasama ko si Aryan sa pwesto nya. Gamit ang cellphone sasabihan ko silang lahat na naramdaman na ni Aryan ang presensya ng kalaban.

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon