Part 3 Raw Ang Digmaan
Nagsimula ang lahat noong libingan pa lamang ng mga namatay na diyos ang mundo. Karaniwan kapag may namamatay na diyos ay binabalot ito ng bato at ibinabagsak sa mundo bilang bulalakaw. Mapipiraso piraso ang bulalakaw sa pagbagsak sa mundo at hahalo ang mga abo ng diyos sa lupa. Ako ang tagapamahala ng mundo noon. Mula sa tuktok ng aking palasyo ay pinagmamasdan ko ang kapatagan ng mundo.
"Aureum. Hindi ba't ang ganda ng mundo na ito kung aayusin at hahayaan sumibol ang buhay" pamilyar na boses ng isang babae ang aking narinig. Si Ara ang aking kasintahan.
"ngunit ito ay libingan lamang ng mga diyos Mahal ko" sagot ko sa kanya. Ang aking kasintahan ang diyos ng buhay. Nakakatawa man isipin magkasalungat ang aming mundo. Nabibilang ako sa patay at sya sa mga buhay ngunit nagka-ibigan kami. Si Ara ang pinaka maganda sa lahat. Mahaba ang kanyang pulang buhok, kasing puti ng perlas ang makinis niyang balat. Wala siyang kapintasan.
"Aureum, may nabuo akong pangarap" sabi ni Ara ng nakangiti sakin na parang bata na animo'y may natuklasang magandang supresa.
"Gusto kong gawin maganda ang mundo, bigyan ng buhay, halaman at mga nilalang, makukulay na bagay at madami pang iba" buong kasabikan nyang sabi
"ngunit ang mundo ay libingan lang ng mga diyos magpasawalang hanggan" sagot ko
"Maari tayo pumili ng iba pang planeta para maging bagong libingan, at naka-usap ko ang ibang mga diyos na maganda ang mundo para simulan ng buhay at tutulungan nila ako"
Inosente at matalino ang aking mahal sa kabila ng kakayahan nyang bumuhay na isa sa makapangyarihan kakayahan sa lahat ng diyos ay sumasanguni pa sya sa iba pang diyos para sa opinion bago sya kumilos.
"hindi ganun kadali ang gusto mo manyari Mahal ko" sagot ko sa kanya. Niyakap nya ako.
"Sige. Kung di maaari ay kakalimutan ko nalang ang aking pangarap. Kasama naman kita. Masaya na ako." malungkot at mahina na sabi nya at habang nakayakap sa'kin. Hindi ko matiis ang aking mahal. Bakit isang madilim at mausok na mundo pa ang nais nya. Niyakap ko sya ng mahigpit at tinignan sa mata.
"Ara Mahal ko. May planeta na mas maganda at makulay ako na alam. Mas mainam iyon at nararapat sa angkin mong ganda bilang regalo. Ngunit kung nais mo mapasayo ang mundo. Ibibigay ko."
Nakita ko ang ngiti ng mahal ko, alam ko sa kalooban nya sobrang masaya sya.
Nagsimula dumating ang iba pang mga diyos. Iba't ibang diyos iba't ibang kakayahan ang tumulong sa mahal ko para pagandahin ang mundo. Nagkaroon ng liwanag, kulay at lahat ng anyo ng tubig, lupa,halaman at hayop at mga tao. Si ara ang lumikha sa mga tao. Lahat ng maganda at kaaya-aya ay nasa mundo na. Ngunit ilang araw matapos ang pagsibol ng lahat ng buhay sa mundo. Nagtalo ang mga diyos. Kung sino ang mamumuno? Nabuo ang ideya ng mga diyos na dapat may mamuno ng Makita nila ang ugali ng mga tao. Likas sa ugali nila ang humanap ng sasambahin, kailangan nila ng diyos. Nahati ang mga tao. Iba't ibang diyos ang sinamba nila. Gusto ko sila wasakin lahat ngunit hindi ko magagawang ubusin lahat ang espesyal na nilikha ng aking mahal, ayoko siyang masaktan. Nagbago din ang ugali ng ibang diyos at ng aking mahal. Mula sa inosente at pagiging mayumi ay naging matapang sya at namuno sa nalalapit na digmaan. At naganap na ang digmaan.
"madami nang namatay sa panig natin Ara" sabi ko sa kanya. Suot ko ang aking baluti pandigma. Gawa ito sa pinaka matigas na metal at kulay pula meron din akong alagang uwak na ang ngalan ay Hogin nang mga oras na yun ay pinalipad ko sa labas ng palasyo para tignan ang kalagayan ng digmaan. Habang suot naman ng mahal ko ang baluti nya na kulay puti at kumikinang ng nakakasilaw.
BINABASA MO ANG
Aureum Awaken
AdventureNoon wala pang kahit anong nilalang sa mundo. isa lamang libingan ng mga gintong abo ng mga namatay na diyos ang lumang mundo. Pinamamahalaan ito ni Aureum. Sa pag kumbinsi sa kanya ng mga diyos at ng kanyang kasintahan na si Ara na lumikha ng buhay...