Part 8 Raw Ang Nagwagi

9 0 0
                                    


Part 8 Raw Ang Nagwagi

Nakarating na kami sa Gymnasium at dumeretso sa room ng karate club, walang mga nagte-training ng mga oras na yun kundi ang Karate Club President na si Bryan, sya na ang naging representative ng school sa mga tournament mula nang nag umalis sa Karate Club at din a nag compete si Joan.

"Hey Joan!" bati nya. "babalik ka na ng club?"

"Hindi, makikipag spar lang" sagot ni Joan "Makikigamit sana ako ng Karate Gi?" (note: Karate Gi ay uniform na sinusuot sa karate.

"Sure! Sino ba ka sparing mo?" tanong ni Bryan habang dali dali na kumuha ng mga stocks na uniform.

Bumaling ng tingin si Joan kay Aryan "Pumili ka ng kasya sayo na karate Gi. Di kita lalabanan ng di naka suot nyan" sabi ni Joan kay Aryan

"Walang problema" sagot ni Aryan sabay pili sa mga uniform na hawak ni Bryan

"ah, ikaw pala ka spar nya hehe" sabi ni Bryan.

Tahimik kami ni Bryan na pinapanood sila habang magpapalit ng uniform.

tumingin si Joan sa'min ni Bryan. "gusto nyo ng round kick?. Labas!"

"ay sorry. Pasok nalang kami maya pag nakapag-palit na kayo. Hehe" sabi ni Bryan

"magandang laban manyayari!" excited na sabi ni Bryan. "hindi basta basta nakikipag sparsing si Joan kung di magaling ka-sparring nya. Kahit ako di pa sya nakaka sparring" "Ngayon ko lang nalaman yan" sabi ko

"kailangan ko tawagin mga ka club ko para mapanood nila 'to" sabi ni Bryan habang nagmamadali binunot ang cellphone nya at nagtext sa mga ka-club nya.

Pumasok na kami ulit at nakita namin na pareho na naka suot ng Karate Gi sina Joan At Aryan. Ang bilis din nagsidatingan mga ka-club ni Bryan at may mga kasama din mga students na di member ng Karate Club na gusto din Makinuod. Ang dami ng istudyante na gustong makapanuod. Sikat talaga si Joan at marami naka-miss manuod ng laban nya.

Nasa sentro ng room sila Joan at Aryan magkatapat.

"Handa ka na?" Tanong ni Joan Kay Aryan

"Ipakita mo sakin kung anong kaya mo?" hamon ni Aryan "dahil isa ka lang tao, ibababa ko ang lakas ko sa level mo. Patas di ba?" dagdag na sabi ni Aryan ng may kumpyansa.

'Hindi ko alam kung anong klaseng martial arts ang alam nya kailangan ko mag-ingat. Una aalamin ko kung ano bang martial art ang alam nya.' Sabi ni Joan sa isip nya

Nag-karate stance na si Joan. At pumorma na si Aryan din.

'huh? Ang stance nya parang Jeet kundo.' Sabi ni Joan sa isip nya

'Ako na unang aatake.' Mabilis na umabante pasugod si Joan kay Aryan. Nagpakawala sya ng kaliwang suntok sa mukha na nailagan naman ni Aryan. Sunod ay kanang suntok sa dibdib na sinalag naman ni Aryan gamit ang kanang kamay nya.

Nagpakawala naman ng kanang suntok si Aryan na sinbilis ng kidlat at tinamaan sa mukha si Joan.

Napaatras si Joan sa tinamo nyang kanang suntok. 'Nakita ko ang suntok nya pero di ko nailagan! Ibig sabihin mabagal ang pag-ilag dahil inabot padin nya ako ng kanang suntok nya.' Sabi ni Joan sa sarili

"Ano Joan? Nagulat ka ba?" tanong ni Aryan ng naka-porma padin.

'Yun, delivery ng suntok nya back fist. Tama ba ako. Jeet kundo ba talaga gamit nya?'

'kung di ako naka atras bahagya siguradong mas masakit ang tama sa'kin'

'Gusto mo ng Free style ah' sabi ni Joan sa isip nya at sumugod ulit kay Aryan. Nagpakawala sya ng kanang suntok na sinabayan ng kaliwang suntok. Pareho nasalag ni Aryan iyon at biglang tungo ni Joan sa kanan ni Aryan hanggang mabilis sya nakapwesto at sabay sipa sa kaliwang binti ni Aryan kaya nawalan ng balanse si Aryan.

'tapos ka na!'isang mabilis at malakas na kanang suntok ang pinakawalan ni Joan patama sa mukha ni Aryan nang saluhin ni Aryan ang suntok nya gamit ang kanang kamay nito sabay hila kay Joan.

Malakas ang pagkakahila sunod ay umikot ang paligid ni Joan at bumagsak sya sa sahig.

'huh. Paano nya ako naibalibag. Wala na sya sa balanse nung sumuntok ako. pero sinalo nya ang suntok ko gamit kanang kamay. Yung kanang suntok ko. sinadya nyang saluhin para maging tukuran nya para di sya tuluyang mawalan ng balanse tapos hinila nya ako kasabay ng pagbalik sa tamang pwesto ng kaliwang paa nya para maibalibag ako.' pag aanalisa ni Joan.

"kaya pa ba Joan?" tanong ni Aryan sa kanya habang hawak padin sya nito sa kanang kamay at nakasalampak sya sa sahig.

Pinihit ni Joan ang kamay ni Aryan na nakahawak sa kanya sa punto na maaabot na ni Joan ng sipa ang mukha ni Aryan ngunit mabilis na nakakalas ito sa kanya at umatras palayo. Tumayo naman si Joan at pumorma ulit ng karate stance.

'Anong klaseng style ba ginagamit nya talaga?' sabi ni Joan sa isip nya

Umatake ulit si Joan at nagpakawala ng mabilis na kanang suntok sa mukha at kaliwang suntok sa sikmura ni Aryan. Nasalag ito pareho ni Aryan ngunit dahil dito nagkaroon ng bukas sa depensa ni Aryan kaya nakapasok ang sipa ni Joan na deretsong tumama sa mukha ni Aryan.

Napaatras si Aryan at nagpakawala sya ng kanang suntok at kaliwa na di umabot kay Joan at sunod ay isang malakas na kanang sipa papunta sa mukha ni Joan.

Mabilis nasangga ni Joan ang kanang sipa gamit ang kaliwa nyang kamay kasabay ng mabilis nya na pag abante para magpakawala ng mabilis at malakas na kanang suntok sa mukha ni Aryan. Kumonekta ang suntok at bumulagta si Aryan.

Biglang umingay ang buong Kwarto ng Karate Club dahil sa hiyawan ng mga nanunuod na istudyante. Hindi nadin pumorma si Joan ng Karate Stance nya. Tapos na ang laban.

Tumayo si Aryan. "sabihin mo paano mo ako tinamaan ng suntok mo?" tanong ni Aryan

"nung umatras ka para magpakawala ng rear kick, napaaga yung release mo ng rear kick kaya naapektuhan ang bilis nun bago tumama sa mukha ko. sinamantala ko yung ilang sigundong bagal ng sipa mo para magpakawala ng blitzing punch." Paliwanag ni Joan.

"Magaling. Gawin mo na ang gusto mo" sabi ni Aryan.

First time ko nakita si Aryan na bumagsak. Nakaka bilib talaga si Joan. Kaya nya makipag sabayan ng laban kay Aryan. Ang Ingay ng paligid. Nagsasaya ang lahat sa magandang laban na napanood nila. Si ken huli na dumating na may kasamang guidance officer. 

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon