Part 11 Raw Bagong Kalaban
Baaaaaaarrrrgggggg!!!! Tunog ng sabog sa helipad ng Marcelino Tower kung saan tinapos ni Aryan si Val. Pinapanood ko ito on-line. Iba't ibang vedio records ng pagsabog ang na-upload sa internet. Tatlong araw ang nakakalipas mula ng nanyari. Wala padin clue o lead ang mga awtoridad kung ano talaga ang nanyari. Kalat nadin sa school ang biglang pagkawala ng Student Council President. Ang sabi-sabi ay nag transfer daw ito sa ibang school ngunit alam namin na pinalabas lang ng kung sinuman na sya'y nag-transfer sa ibang school para pagtakpan ang sekreto nya. Pagkabalik namin ni Aryan ng araw na yun sa bakanteng lote ay inabutan namin sila Joan at Ken na nag aantay sa'min. May malay na si James ng mga oras na iyon kaya't itinali siya ni Joan at mahigpit na binantayan. Kinuha ni Aryan si James.
"Malaya na kayong tatlo" sabi ni Aryan. "Di ko na kayo kailangan, sapat na mga impormasyon na makukuha ko sa cellphone ni James at taong ito." Tukoy ni Aryan kay James. Tumingin si Aryan kay Joan. "sayo na yang baluti ni ara, magagamit mo yan sa mga susunod na araw at tumalikod na at umalis si Arya.
"Pinapanuod mo padin yan" sabi ni Ken nang makita nya sa cellphone ko ang vedio
"Ang lakas pala talaga ni Aryan! Dinurog nya yun tuktok ng building!" sabi ni Ken
"Psss! Wag kang maingay baka may makarinig sayo!" Sita ko. Magkakasama kami ni Joan at Ken sa canteen ngayong breaktime.Napansin ko lang na tahimik lang si Joan at parang may iniisip.
"Joan, ang tahimik mo?" sabi ko
Tumingin sa'kin si Joan pero di sya nagsalita
"di ako makapaniwala pinakawalan na tayo ni Aryan, Akala ko hanggang maubos nya lahat ng kalaban nya tutulong tayo." Sabi ni Ken
"Pinalaya nya tayo dahil nakumbinsi ko sya" biglang sabi ni Joan
"HuH? Paano?" sabay na tanong naming ni Ken sa kanya
"Sinabi ko na sapat na impormasyon makukuha nya para ma-trace mga kalaban nya, idagdag pa si James na bihag nya na ngayon. Sinabi ko din na imbis na maging tulong kami ay posibleng maging sagabal pa tayo sa plano." Sagot ni Joan
"Paano maging abala tayo?" tanong ni Ken
"Nung sinabi ko na wag na kayo pumunta sa bakanteng lote bilang kasama sa plano, tumuloy padin kayo pumunta" sabi ni Joan " sinabi k okay Aryan makikita mo ang tigas ng ulo ng mga kasama ko 'pag di nila sinunod ang plano natin at nagpunta sila sa bakanteng lote. At nagpunta nga kayo. Dun ko nakumbinsi si Aryan na hindi nga kayo makakatulong sa mga susunod na plano nya. Lalo't pa na maging madetalye ang susunod nya na pagtugis sa iba pang kalaban nya." Paliwanag ni Joan
"Sorry Joan, Di ko napigilan si Jonathan. Mapilit sya." Sabi ni Ken
"Sorry Joan, pero ang mahalaga, di nya na tayo idadamay pa sa problema nya" sabi ko
"May problema pa" Biglang sabi ni Joan
Nakaramdam ako ng kaba bago nakapagsalita "A-nong problema pa natin?" sabi ko
"Ano nga yun Joan" tanong din ni Ken
"Na-expose ko sarili ko para mahuli si James at Val. Tingin mo hindi yun malalaman 'pag nagimbistigahan ang kung sino man na nagpalabas na nag transfer si Val sa ibang school. Meron dito sa school na konektado kay Val." Paliwanag ni Joan
Tama sya. Ngayon ko lang naisip.
"P-pano yan. Anong gagawin natin Joan?" sabi ni Ken
"Lumayo muna kayo sa'kin. Tingin ko ang unang gagawin ng mga koneksyon ni Val kapag nalaman nila na nakakuha si Val ng sulat mula sa'akin ay hahanapin nila ako agad." Sagot ni Joan "kapag nanyari yun. Tingin ko makakaligtas naman ako dahil sa armor na binigay sa'kin ni Aryan. Pakiramdam ko madami akong kayang gawin gamit ng armor." Paliwanag nya
"hindi kami lalayo Joan" sagot ko sa kanya
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Jonathan!" pasigaw ni Joan na sinabi sa'kin "Hindi ka nakakatulong sa tigas ng ulo mo!"
"Ah basta! Hindi ko hahayaan mag-isa ka!" bahagyang lumakas din ang boses na sagot ko
"Guys Chill lang kayo" awat ni Ken.
Pero tumayo na si Joan at umalis.
Oras na ng uwian nagmamadali ako nagligpit ng gamit ko at tumahak palabas ng classroom. Muntik ko na makabangga sa pinto habang palabas sila Joseph at Robert.
"Sige una ka na" Sabi ni Joseph, habang si Robert tahimik lang na nasa likod nya
May kakaiba kay Joseph at Robert, Di na nila ako binu-bully kahit wala na si Aryan. Hindi ko na pinansin kung bakit. Kailangan ko sabayan sa pag-uwi si Joan para makausap sya. Ngunit sinalubong ako ni Ken sa correidor
"Jonathan, kinausap ako ni Joan kanina. Lumayo muna daw tayo sa kanya, kahit isang linggo lang daw dahil delikado pa" Sabi ni Ken
"Delikado pala e bakit tayo lalayo sa kaibigan natin!" madiin na sagot ko
" Jonathan!" sabay sapak sa'kin ni Ken sa mukha "dapat makaintindi ka!" sigaw ni Ken sa'kin
"Ikaw ang walang naiintindihan" kalmado kong sagot sa kanya
Bago pa magkaroon ng kumusyon dahil sa pagsapak sa'kin ni Ken ay mabilis na ako naglakad palayo kay Ken. Naririnig ko nalang si Ken na may sinabi pa
"Bahala ka! Bwisit!"
Mabilis ang lakad ko. alam ko aabutan ko pa si Joan ilang kanto mula sa school naabutan ko si Joan na naglalakad. Tinawag ko sya
"Joan!"
Lumingon sakin si Joan. "Di ka ba nasabihan ni Ken?" tanong nya na naiinis
"Hinarang nya ako kanina. Pero di ako duwag para di ka samahan" sagot ko
"wala kang naiintindihan Athan, Umalis ka.." bago pa matapos magsalita si Joan may rumaragasang kotse ang papunta sa dereksyon namin. Mabilis ang panyayari. Itinulak ako ni Joan kaya't sya lang ang nasagasaan. Tumilapon si Joan ng ilang metro ang layo sa'kin.
"JOAAAAAAAAAANNNN!" sigaw ko.
Nakita ko si Joan na tumayo agad na may suot na armor na kulay puti at nagliliwanag. Yun ba yung sinsabi nya na armor na bigay sa kanya ni Aryan.
May mga naglabasan na mga lalaking may baril na nakasuot ng itim at tinutukan ako at akmang babarilin. Bago manyari yun ay narinig ko ang si Joan
"Jonathan!"
Sunod ko naramdaman na may bumabalot sakin na kulay puting armor. Inilipat sakin ni Aryan ang armor nya. Bago ako paputukan ng baril at tamaan ng mga bala. Sunod ko nakita ay si Joan naman ang pinagbabaril.
Bang! Bang! BANG! Bang! Napakaraming ingay ng putok ang umalingawngaw sa paligid. Humandusay si Joan na duguan at naliligo sa sariling dugo. Mabilis na kumaripas palayo sa lugar ang mga lalaki gamit ang kotse nila.
Tumagbo ako sa kinaroonan ni Joan.
"Joaaaaaannn!!!" Sigaw ko na umiiyak na. Tadtad ng bala ang kawatan nya. Ang daming dugo na lumalabas sa bawat tama ng bala. May bumubulwak na dugo sa bibig nya. Pinahid ko iyon
"Joan! Joan!" inakay ko sya sa aking braso.
"Athan, mukhang di na tayo makakabalik sa normal natin na buhay" nanhihina nya na sabi.
"W-wag ka na magsalita. Huminga ka lang!" sabi ko
" Tulong! TULOOOONGG!!" sigaw ko sa paligid
"Wag na, hindi na ako aabot" naluluha na sabi ni Joan.
"K-kunin mo yung USB ko sa bag. Kailangan mo yun"
Hindi ko maintindihan ano sinasabi nya. Anong meron sa usb. Walang remirehistro sa isip ko na kahit ano. Sobrang takot at pag aalala nararamdaman ko habang umiiyak.
"J-Joan.. sss-sorry!"
"Wag ka na umiyak. Hanggang dito nalang ako... lumaban ka Jo...na..than.." sabi nya ng unti unting nanhihina ang boses at tuluyan na pumikit ang mata.
"Joan?"
"JOAN!" Niyugyug ko sya. Lalo ako naiyak at nanikip ang dibdib ko.
Ilang beses ko pa tinawagang pangalan nya ngunit di na sya nagsasalita at lupaypay na ang buong katawannya.
BINABASA MO ANG
Aureum Awaken
AventuraNoon wala pang kahit anong nilalang sa mundo. isa lamang libingan ng mga gintong abo ng mga namatay na diyos ang lumang mundo. Pinamamahalaan ito ni Aureum. Sa pag kumbinsi sa kanya ng mga diyos at ng kanyang kasintahan na si Ara na lumikha ng buhay...