Part 10 Kapangyarihang Pangtapos

6 0 0
                                    


Part 10 Raw Kapangyarihang Pangtapos

Tumambad ang isang pamilyar na mukha kay Joan ang Maayos nitong one sided na style ng buhok, makinis at maputi na mukha, matangos na ilong at malalim na matang nakatitig sa kanya. Nakangiti sa kanya ang lalaki. Ang taong nagtatago sa likuran ng puno ay si Val Vallos 3rd year Section 1, ang student council president.

"ikaw nga talaga ang diyos sa apat!" sabi ni Joan

Lumabas na sa pagtatago sa likod ng puno si Val. "haha Paano mo nalaman na nandito ako at nagtatago Joan?" Sabi ni Val habang may kulay pulang usok na unti-unting lumalabas sa katawan nya. Tinignan nito ng deretso sa mata si Joan. Nanlilisik ang mga gintong mata nito at lumiliwanag.

"Nalaman ko na nandyan ka nagtatago dahil kahapon pumunta ako dito sa lote na ito. Kung meron man magtatago sa likod ng puno na yan ay malalaman ko dahil sa mahahawi ang mga damo sa paligid!" sagot ni Joan

"oh. Tinandaan mo ang itsura ng paligid sa una palang para pag may naiba sa itsura ng lugar alam mo na may iba pang pumunta dito" sabi ni Val

"pagkatira sa'min ni James ng malaking bolang apoy, sinamantala mo makalapit at magtago sa likod ng puno at yung gimamit ni James yung salitang "namin" at di nya naramdaman ang presensya ni Aryan. Doon ko naisip na di nag-iisang pumunta dito si James. Binabalak mo ba umatake ng supresa Mr. President?" may pangungutya na tono ng boses ni Joan

"haha- hahahaha! Hahaha!" tumawa ng malakas na animo'y nababaliw si Val.

Dumating na sila Jonathan at Ken sa bakanteng lote. Pagpasok nila sa bungad ng lote ay nakita nila Sila Joan at Aryan, Si Val at isang lalaking nakasalampak sa halamanan

"huh! Di kaya si Val ang diyos sa apat." Sabi ni Jonathan "Siya nga kapareho nya si Aryan may usok na lumalabas sa katawan pero kulay pula ang sa kanya"

"Anon a nanyari dito!" sambit ni Ken

Habang si Joseph at Robert parating nadin sa kinatatayuan nila Jonathan at Ken

"Ayun sila!, sigurado ako may nanyayari sa bakanteng lote!" sabi ni Joseph kay Robert

"Seph pagod na ako!" hinihingal na sabi nni Robert

"Joan!" tawag ni Jonathan kay Joan. Dahilan para mapalingon siya sa kanya pati si Val.

Walang ano-ano ay biglang may lumabas na pakpak sa likod ni Val at mabilis itong lumipad papunta kay Jonathan at dinagit sya nito at lumipad ng mabilis sa ere.

"anong nanyari! Binibit nya ako!" sabi ni Joseph sa sarili

"VAAAAAAALLLLLL!" sigaw ni Joan at ken

"TSK! Nakatakas sya!" Nan-gigil na sabi ni Aryan

Bago pa tuluyan makalapit sila Joseph at Robert mabilis na nakapagtago sila sa isang poste ng makita nila na may umatake sa kinatatayuan nila Jonathan at Ken.

"Tignan mo Robert! Si Student Council President lumilipad dinagit si Jonathan!" sabi ni Joseph

"Natatakot na ako Joseph. Uwi na tayo." Sabi ni Robert

"Hindi. susundan natin sila Val at Jonathan!" sabi ni Joseph

"aahh. May pakpak ka di Seph?" maang na tanong ni Robert

"Engot! Tatakbo tayo! Dali!" sabay takbo pasunod sa direksyon na tinatahak ni Val at Jonathan

"HOOOOOGIN!" Sigaw ni Aryan at biglang isang uwak ang nagpakitang lumilipad.

"Sundan mo si Val!" utos ni Aryan kay Hogin. At mabilis na lumipad pasunod sa direksyon ni Val ang alagang uwak ni Aryan.

"Saan mo ako dadalhin!" pasigaw na tanong ni Jonathan. Hawak sya ng dalawang kamay ni Val at mabilis silang lumilipad.

"Wag kang malikot. Kapag nainis ako sayo bibitawan nalang kita at yung isa mo nalang na kaibigan ang dadagitin ko nalang haha!" natatawa na sabi ni Val

Nakita ni Val na may uwak na sumusunod sa kanila. "Bakit may uwak sa lugar na 'to"

"Hoy! Ang galing mo din magpanggap. Diyos ka pala!" sabi ni Jonathan para mapunta ang atensyon ni Val sa kanya. Iniisip nya na posibleng ang alagang uwak ni Aryan ang sumusunod sa kanya.

'sa kwento ni Aryan may alaga syang uwak na ang pangalan ay Hogin. Posibleng si Hogin ang sumusunod sa'min' sabi ni Jonathan sa isip nya.

"Haha ang layo na natin, hindi na sila makakahabol kahit ano pang gawin nila" sabi ni Val. Bumaba sila sa isang helipad ng mataas na building. Ibinalibag nya si Jonathan sa sahig at binunot nya ang kanyang cellphone.

Nakita naman ni Jonathan si Hogin ay paikot ikot lang ang lipad malapit sa kinaroroonan nila ni Val.

"wag kang tatakas. May tatawagan lang ako hehe" sabi ni Val sabay dial ng numero sa cellphone nya.

Samantala sa bakanteng lote

"Anon a gagawin natin?" natataranta na sabi ni Ken kay Joan at Aryan.

"Aryan, may paraan ba para makalipad din tayo ng mabilis papunta sa kanila?" tanong ni Joan

"Wala. Pero ako na bahala" sagot ni Aryan

"Anong gagawin mo?" tanong ulit ni Joan

"Nakikita ko ng malinaw kuna asan sila gamit ang mga mata ni Hogin. Dito ka lang kayo at bantayan nyo maigi si James para di makatakas." Sabi ni Aryan

Wala padin malay si James sa lakas ng sipa na tinanggap nya kay Joan.

"Paano ka pupunta sa kanila?" tanong ni Joan

"Tatalon ako" sagot ni Aryan

Sa punto na yun nakita ni Joan si Aryan na may itim na usok na lumalabas sa katawan nya.Ibinuka nito ang kanyang mga paa sa pagkakatapak sa lupa at isang malakas na pwersa ang natitipon sa paligid ni Aryan. Biglang lumaki ang mga kalamnan sa mga binti at hita ni Aryan na na halos mapupunit na ang medyas nya na suot. Nanlilisik ang mga matang ginto nya at nagliliwanag. Isang iglap ay lumundag si Aryan nang napakabilis na parang kidlat. Nag iwan ng malaking hukay sa parte ng lupa kung saan lumundag si Aryan at malakas na hangin sa paligid dahilan para tumilapon sila Joan at Ken ng ilang metro ang layo.

Sa helipad ng mataas na building may kausap sa cellphone si Val. Hindi marinig ni Jonathan ang usapan dahil sa layo niya kay Val.

"kaasar! Pag tumakbo ako ngayon para tumakas aabutan padin nya ako" sabi ni Jonathan sa isip. Nang makita nya na biglang bumulusok ang si Hogin papunta kay Val at dinagit nito ang cellphone ni Val.

"Anak ng!" Gulat na sabi ni Val " Ikaw parin uwak ka!" sigaw nya

"VAAAAAALLLLL!!!!" sigaw ni Aryan na dumagundong sa langit, Sigaw ng isang galit na diyos.

Bago pa makalipad si Val para umilag isang malakas na liwanag kasunod ng malakas na pagsabog ang sumunod na nanyari at gumuho ang tuktok ng building.

Tumalsik si Jonathan sa lakas ng pagsabog bago sya tuluyang mahulog ng building ay napakapit sya sa isang nakatupi na bakal. Na unti-unti nadin nabubuwal kaya't dali dali sya humawak sa kahit ano nalang na bagay na mahawakan nya 'wag lamang mahulog hanggang sa makaakyat sya sa pwesto kung saan ay di na gumuguho.

"aaarh! Anong nanyari!" sabi nya. At nakita nya ang itsura ng lugar. Wasak ang buong tuktok ng building. Ibang-iba na ang itsura nito kumpara kanina. Nag mistulang tambakan ng mga basag na na semento ang paligid at nagliliyab na parang Impyerno. Habang si Aryan ay nakatayo kung saan nakatayo kanina lang si Val. Nakakakilabot ang paligid at itsura ni Aryan na nababalot ng itim na usok at apoy.Tanging mga maliliwanag nyang mata ang makikita.

"Ito ba ang kapangyarihan nya!" nagigimbal na sabi ni Jonathan sa sarili.

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon