Part 5 Raw Presensya
"Nandito na ako Mama" sigaw ko pagpasok ng pinto. Sinalubong ako ni Mama "Anong nanyari sayo anak?" buong pag-aalala na tanong nya sa'kin nang Makita nya ang mga galos ko sa katawan at pasa sa mukha.
"Sinong gumawa sa iyo nyan?" Dinala ako ni Mama sa sala at pina-upo sa sofa. Dali-dali kumuha si Mama ng medicine kit para gamutin mga galos ko. Habang ginagamot nya galos ko. Nagtanong sya ulit. "Napa-away ka bas a school nak?"
Di ko iniisip mga galos ko, alam ko kailangan ko magpalusot sa kanya. Ngayon lang naman ako umuwi ng nabugbog kaya siguro maniniwala sya.
"ah.. Ma nahulog ako at pagugulong gulong ako bumagsak dun sa may kanto. Yung may inaayos na drainage. Di ko kase nakita yung sign. Kasalanan ko. hehe" palusot ko sa kanya
"huh? Ano ka ba naman anak. Sa susunod mag iingat ka na." sabi ni Mama
"kumain ka na pagkatapos ko gamutin sugat mo ha"
Nakita ko si Aureum nakaupo din sa sofa nakatingin lang samin ni Mama. Totoo nga sinabi nya, Ako lang makakakita sa kanya sa bahay.
Umakyat na sya sa taas papunta sa kwarto ko. mukhang dun nalang nya ako aantayin.
Pagkatapos ako gamutin ni Mama. Pinapunta na nya ako sa hapag kainan. Habang si Mama hinahandaan ako ng tanghalian. Ang bahay namin ay sakto lang ang laki para sa pamilya na apat o tatlong miyembro. Nag iisang anak lang ako. Si papa Accounting head sa isang kumpanya, si Mama full time housewife mula nang ipanganak ako.
Mula sa pinto ng bahay bubungad na agad ang sala area, tipikal na sala. May sofa may mga muwebles at syempre T.V at components. May division ang sala namin at kusina habang ang hapag kainan ay nasa kanang area ng sala namin. Yung tipong after mo kumain. Konting lakad lang sala area na. kahit sa hapag kainan kita ko ang sala namin saktong nakatapat sa t.v. madalas kumakain kami ng sabay sa gabi habang nanunuod ng t.v nila Mama at Papa. Ang cr namin ay katapat ng hagdan paakyat sa second floor. kwarto ko lang at ni Mama at Papa ang kwarto sa taas. Sa likod bahay naman ay washing area, sampayan at yung fish pond ni papa na di pa tapos hanggang ngayon.
"Nak parang may kakaiba sayo nung Saturday pa" sabi ni Mama habang hinahainan ako ng pagkain
"panong iba Ma" taka ko
"parang ang lalim mo lagi mag isip na lagi. Madals nakikita kita hawak phone mo o naglalaro ng games sa pc. Pero ngayon parang din a kita nakikita na ganun" sabi ni Mama
Tama si Mama. Di na nga normal mga pinag gagawa ko mula nun makilala ko si Aureum. Di ko na napapa level up yun character ko sa nilalaro kong games. Si Mama lagi nya ako tinitignan kung ano ginagawa ko sa bahay. Napapansin nya pagbabago ko.
"ahaha busy lang ako Ma." Sagot ko
"Busy ka saan anak? Sa School. May project ba kayo?" usisa nya
"amm.. Meron Ma. Projeck namin isa isahin yung mayayaman sa mundo hehe" sagot ko. di ko alam kung matatawa ako sa sinabi ko.
"oh. Ilang mayaman ba dapat mo i-report sa project mo nak, may kilala ako si Jill gates, Tramp, si..." sabi ni Mama habang nag iisip.
"Mama, don't worry kaya ko naman yun project ko po. Matalino ata to. Mana sayo hehe" nakangiti kong sabi kay Mama
"haha. Nambola ka pa nak. Sige na tapusin mo na pagkain mo ha.kain ka lang dyan. panunuorin ko yun paborito ko" dumeretso na si mama umupo sa sofa at binuksan ang T.V.
Pagkatapos ko kumain at hugasan ang pinagkainan ko. umakyat ako agad ng kwarto. Nagdala ako ng icecream. Hehe masasagot ko na tanong ko kung kumakain nga ba ang diyos. Iaalok ko kay Aureum yung Icecream. Pagpasok ko ng pinto nakita ko sya nasa computer ko may sine-search nanaman.
"ah.. Aureum. Gusto mo?" sabay abot ng icecream
"Ano yan?" tanong nya
"Ice Cream"
"anong silbi nyan?"
"Pagkain" sagot ko. napansin ko boses lalake na ulit sya at suot nanaman nya damit ko.
"Di kami kumakain mga diyos"
Sa wakas nasagot na nya tanong ko.
"teka lang. kung invicible ka ngayon. At suot mo damit ko" pano mo nagagawang invicible damit ko?" usisa ko
"di ko naman sinusuot damit mo. Ginagaya ko lang"
It makes sense. Kaya pala naka school uniform sya na pang girl kanina. Ginaya nya din.
"pero bakit nagpanggap kang babae kanina sa school?"
"hindi ko kayang baguhin itsura ko. kaya yung suot at boses ko nalang ang binago ko"
"ah" napapatango nalang ako.
"ang dami mong tanong" sabi nya sakin.
"hehe c-curious lang ako" sagot ko.
Ako nalang ang kumain ng Ice cream. Habang inaantay ko sya magsalita.
"Malapit sa school nyo may naramdaman akong presensya ng diyos" sabi nya
Bigla akong kinabahan. May diyos malapit sa school namin. Kaya ba sya nagpanggap na studyante
"Nararamdaman ka din ba ng diyos na yun?"
"oo, pero tingin ko di nya kilala ang presensya ko. at di ko din kilala ang kanya"
"malalaman ba nyo ba pareho na ikaw o sya nga nararamdaman nyo na presensya pag magkaharap na kayo?" tanong ko
"magandang tanong yan. Ang sagot ay hindi. Nararamdaman lang namin ang presensya kung malapit pero di namin masasabi kung sino talaga sa mga nakikita namin sa paligid"
"a-anong gagawin natin?" tanong ko ulit
"huhulihin natin sya, sigurado ako pinatay na nila lahat ng nasa panig naming noong digmaan. Ang natitira nalang na mga diyos ngayon ay mga kalaban ko. kung maramdaman man nila presensya ko. iisipin lang nila isa ako sa mga kasamahan nila. At tingin ko di kilala ng diyos ang presensya ko. dahil kung kilala nya ako. nagsipuntahan na ang ibang mga kalaban na diyos para tugisin ako." paliwanag ni Aureum
"ibig sabihin , di pa nakakapagsumbong ang diyos na iyon. Dahil di ka nga kilala. At kaya ka nawala ng isang araw para mag obserba ng presensya nya." Sabi ko
May concern din pala sakin tong si Aureum. Lumayo sya ng bahay agad ng may ma sense syang ibang diyos na pwedeng maging panganib sa'kin at pamilya ko. pag nagkataon. Dito sila sa bahay nag rambulan. Buti nalang at hindi.
"pano natin huhulihin ang diyos na yun?" tanong ko
"kailangan ko ng iba pang pwedeng mautusan"
"kala ko ba isa lang ang kailangan mo" tanong ko ulit
"Di naman ako ang derektang mag uutos, kundi ikaw." Sabi nya sakin
"P-pano? Konti lang kaibigan ko at di ko alam sasabihin sa kanila"
"Papuntahin mo nalang sila dito, maghintay kayo sa pagbalik ko" sabi nya sabay labas ng kwarto.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at nag dial ng number.
"kainis. Wala nanaman akongchoice. Pero sinabi ko sa kanya tutulong ako"
BINABASA MO ANG
Aureum Awaken
AdventureNoon wala pang kahit anong nilalang sa mundo. isa lamang libingan ng mga gintong abo ng mga namatay na diyos ang lumang mundo. Pinamamahalaan ito ni Aureum. Sa pag kumbinsi sa kanya ng mga diyos at ng kanyang kasintahan na si Ara na lumikha ng buhay...