Part 2 Raw Isang Umaga

13 0 0
                                    



"Dito ako titira sa inyo Jonathan" sabi ni Aureum.

"pero, anong gagawin ko pag nakita ka ni Mama at Papa" tanong ko

"Dapat ba akong di Makita?" tanong nya sa'kin habang humarap sya sa computer ko at may tina-type.

"pwedeng maging kumplikado ang lahat at mahihirapan ako tulungan ka."sagot ko sa kanya

Nakita ko na napa isip si Aureum bago sya sumagot. "sabagay may punto ka, kung ganun di ako magpapakita. Ikaw lang ang makakakita sa'kin pag nandito tayo sa inyo"

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot nya pero nag usisa padin ako. "kaya mong gawin yun?"

"diyos ako. madami akong kayang gawin" sagot nya. "naging matalino na kayong mga tao. Ginamit nyo ang abo namin para magkaroon ng kapangyarihan dito sa mundo" sabi nya habang nakaharap sa computer. Nagtataka nanaman ako sa sinabi nya. Madami akong gusting itanong sa kanya pero nag aalangan ako dahil sa takot na magkamali ng itatanong at pasabugin nya ulo ko. pero kung sya na mismo ang may sinasabi. Siguro naman safe ako na tanungin sya tungkol sa mga sinasabi nya. "anong abo ang tinutukoy mo? Wala kaming kapangyarihan mga tao" usisa ko

"Pera at kayamanan. Yan ang kapangyarihan nyo. Mas marami kayong pera at yaman mas makapangyarihan kayo" paliwanag nya. "ang abo naming mga lumang diyos samin pagpanaw ay ginto." Dagdag nya pa.

"Nalaman ko din na may mga bago kayong mga diyos at nagkaroon kayo ng relihiyon" nakangiti nyang sabi. Di ko na napigilan ang magtanong dahil sa sobrang pagka curious. "S-Sino ba ang totoo sa mga diyos at relihiyon namin?"

"ano bang totoo sa pinaniniwalaan nyo? Hindi kita masasagot. Hindi ko din alam paano kakausapin ang diyos nyo, maliban nalang kung magpapadala siya ng sugo para makipag ugnayan sa'kin. Isa lang ako sa mga lumang diyos o maaring hindi ako diyos sa panahon nyo at paniniwala."

Isa sya sa mga lumang diyos na kapag namatay ay ang abo nila ay ginto. Ito ang malinaw sa mga sinabi nya pero di nya ako nagawang sagutin sa huli kong tanong. Hindi ko alam kung magtatanong pa ako o hihintayin ko syang magsalita ulit ng iba pang bagay. "ang mayayaman sa mundo nyo ay maaring mga lumang diyos na hinahanap ko." sabi nya.

"paanong isa sa kanila?" usisa ko.

"daang libong diyos ang namatay sa digmaan noong panahon ko. ilang toneladang gintong abo ang maiipon sa dami ng namatay. Hindi ko masasagot ang kabuuhang bilang. Sa pagkakaalala ko noong di pa ako nailagay sa mahimbing na pagkakatulog aabot sa pitong libong toneladang ginto na ang maiipon sa dami ng namatay sa panig ko sa digmaan na'yon. Sigurado akong nagtagumpay sila laban sa'min at ginamit nila ang mga abo ng mga namatay sa kasalukuyan."

"kung ganun magpapatulong ka sakin isa isahin ang mga mayayaman sa mundo ngayon?" tanong ko sa kanya. Bumalik ang kaba at takot ko. hindi nya naman ako pinapakitaan ng banta sa buhay ko. pero yung manyayari sakin o sa pamilya ko. mayayaman sa mundo ang gusto nya isa isahin. Itutuloy nya ba ang gyera na sinasabi nya na noon pa nanyari sa panahon nya. Wala akong magawa. Di ako makatangi. Kundi sabog ang ulo ko at di ako naniniwala na pwede namin mapag usapan ng mapayapa kung di ko sya tutulungan. Kinuha ko ang cellphone ko malapit sa'kin sa kama at nag punta sa google at nag search kung magkano ang halaga ng isang toneladang ginto. " wow! 64.3 million dollar ang isang toneladang ginto ngayon!" nasupresang sabi ko. "sabi mo kanina sa pagkakaalala mo meron nang 7000 toneladang ginto ang pwede ng maipon. 7000 multiply by 64.3 million dollar" sabi ko habang nagkukwenta gamit ang calculator sa cellphone ko. nakakalula na laki ng pera ang nakikita kong total. Parang kaya na na nitong bilhin ang buong mundo.

"umh.. kapwa mo mga diyos ang kalaban mo at malamang isa sila sa mayayaman sa mundo na to. May kapangyarihan sila gaya mo at kaya nila paikutin ang kahit ano sa palad nila gamit ang pera. P-pano mo sila lalabanan?"

" hindi nila alam na nagising mo ako. piniko mo kahapon ang selyo ng pagkakatulog ko. at tutulungan mo ako, ikaw ang kikilos habang nakatago lang ako at nag-iisip ng mga dapat gawin na hakbang Jonathan." Sabi nya

Bakit sa dinami-dami tulad ko pang nerd ang sinapit ang ganito. Mukhang wala na talaga ako magagawa. Isa na akong kawal sa digmaan na to. Pakain na kawal sa larong chess, tapos mga kalaban ko. may knight, bishop, queen, rook at iba pa. pakamatay nalang kaya ako. ganun din naman. Mamamatay din ako sa huli. Advance ako mag-isip e. nakatitig si Aureum sakin, naghihintay ng isasagot ko. ayoko sumabog ang ulo ko at wala naman na ako magagawa.

"S-sige, tutulong ako. pero kailangan ko malaman ang nanyari sayo noong may digmaan sa panahon nyo." Kailangan ko malaman. Kanina pa ako pinapatay ng curiosity ko. total naman pwede ako mamatay kung tutulong ako o hindi. Siguro naman mag aabala sya ikwento sa'kin ang lahat. " hehe k-kasi dapat alam ko ang simula para gaya sa gyera may briefing." Pilit ang ngiti ko na pagkakasabi

Nakatitig sya sa mga mata ko. "kung ganun makinig ka at wag ka muna magsasalita hanggang di pa ako tapos mag kwento" sabi nya sa'kin

Aureum AwakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon