02

1.7K 75 19
                                    

Class has just ended. And my friend, Felix, approached me.

"Hey Loriiiii ~ "

He greeted, like a child.

"Heyyy ~ "

"Kain tayo ng kwek-kwek! Please?"

He asked. I was about to say yes, pero naalala ko yung sinabi ni Tita May sa akin kahapon.

"Umm, sorry Felix. Di ako pwede ngayon.."

"Bakit?"

Tanong nya at inexplain ko na lahat sa kanya yung mga sinabi sa akin ni Tita May kahapon. Mula dun sa sinabi nyang itutor ko si Minho hanggang sa sinabi nya magkita kami ngayon. He looked shocked.

"Whuttttt?"

"Hey, at least babayaran ako diba."

"Pero, kilala mo ba yung Minho na yun?"

"Felix, kaya nga sabi na magkikita kami ngayon para nga makilala namin ang isa't isa diba?"

Sabi ko. Natawa naman sya at napakamot sa kanyang ulo.

"Ah, sorry naman. Err, anong oras ba kayo magkikita?"

Tanong nya. Napatingin ako sa relos na suot ko at nakitang saktong 4:00 na. Muli ako napatingin sa kanya.

"Hmm. Ngayon na. So, bye!"

"Pfft. Bye."

"Promise, bukas nalang tayo kumain ng kwek-kwek!"

Sabi ko bago ako lumabas sa classroom. Di ko alam ba't kinakabahan ako tho.

. . .

Nakatayo ako sa may school gate habang inaantay yung Minho na yun. Napatingin ako muli sa relos ko at nakitang malapit na mag 5. Ilang oras na pala akong nakatayo dito. Di pa kasi sumusulpot yung Minho na yun eh! Nangangalay na tong mga binti ko!

Nakalimutan kaya ni Tita May sabihin na magkita kami? Kung ganun, edi uuwi na ako. Napahinga ako ng malalim at maglalakad na sana ng biglang may humarang sa akin. Dahan-dahan ako napatingala hanggang sa magtama ang mga mata namin..

Pakshet...ang gwapo nya...

"Ikaw ba si Lori?"

Tanong nya at natauhan naman ako. I cleared my throat before speaking.

"A-ako nga. I-ikaw ba si Minho?"

"The one and only."

Nakangisi nyang sabi. So, etong gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon ay si Minho?! FUCK! Ba't ang gwapo nya?!

"N-nice to---"

"Ano name mo sa facebook?"

Bigla nyang tanong sa akin.

"Eh?"

"Para maadd kita. Para maichat mo na rin ako."

Sabi nya at kinuha mula sa bulsa ng pants nya yung cellphone nya. Ng makuha nya na ay napatingin sya muli sa akin.

"Hoy."

"A-ah, sorry."

Sabi ko at sinabi ko na sa kanya yung pangalan ko sa facebook. Pagtapos ay ipinasok nya na muli yung cellphone nya sa bulsa. Pagtapos ay tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Di ko tuloy maiwasan mailang.

"Hmm, mukha kang nerd."

He said in a monotonous tone of voice. Anong sabi nya?!

"Excuse me?"

"Mukha kang nerd. Dapat yung maganda nalang yung kinuha ni Mom. Pft."

Sabi nya at tumalikod na sakin tsaka naglakad palayo. Aba aba!

"H-hoy! Ang yabang mo ah!"

Babawiin ko na yung sinabi kong ang gwapo nya!!

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon