54

1.4K 60 37
                                    

1 month later...

"Happy Birthday, Minho!"

Bati naman lahat sa kanya. Ngumiti naman sya tsaka hinipan yung kandila sa ibabaw ng cake nya. Pagtapos ay nagpaulan sila ng confetti at nagsipalakpakan.

"Yay! Kainan na!"

Sigaw nung mga kaibigan ni Minho. Andito kami ngayon sa bahay nila at si Minho na mismo nagsabi na dito nalang daw sa bahay ganapin yung birthday nya.

Nagsimula na silang kumain lahat. Naramdaman kong ipinulupot ni Minho yung kamay nya sa aking bewang at hinila ako papalapit sa kanya.

"Asan yung birthday kiss ko?"

Sabi nya habang nakangisi at nakatingin ng diretso sa aking mata. I gently pushed him away.

"Birthday kiss ka dyan? Ang dami-daming tao oh.."

Sabi ko. Bigla naman sya nagpout.

"Please?"

Sabi nya at nagpacute pa sa harapan ko.

"Fine. Mamaya nalang."

Sabi ko at tumango nalang sya. Maya-maya ay dumating na sila Chan at Felix. Parehas ko sila sinalubong ng yakap.

"Buti naman nakarating kayo!"

"Yup! Teka, asan si Minho?"

Nagtatakang tanong ni Felix.

"Andito---"

Natigilan ako ng paglingon ko ay nakita kong biglang nawala si Minho. San nagpunta yung lalaking yun??

"Sige na, kumain nalang muna tayo."

Sabi ko nalang. San kaya nagpunta yun si Minho ba't biglang nawala??

• • •

Kanina ko pa di nakikita si Minho. Di na ako mapakali at lumapit na kay Tita May upang itanong kung nasan sya.

"Umm, Tita, nakita nyo po si Minho?"

"Ay, andun sya sa kwarto nya. Magpapahinga lang daw sya."

"Ah sige po salamat."

Sabi ko at dumiretso sa kwarto ni Minho. Jusko nandito lang pala sya. Akala ko naman san na sya nagpunta. Ng makarating na ako sa may pintuan ni Minho ay dahan-dahan ako kumatok.

"Minho?"

Sabi ko pero walang sumagot. Hinawakan ko yung doorknob at dahan-dahan pinihit ito. Sumilip ako at nakitang mahimbing na natutulog si Minho sa kanyang kama. Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at dahan-dahan rin sinara yung pinto para di sya magising. Grabe, birthday nya tapos tulog sya?

Naglakad ako papalapit sa kanya at lumuhod sa sahig malapit sa mukha nya. Di ko maiwasan mapangiti habang pinagmamasdan ang napakaamo nyang mukha. Mukha syang anghel pag tulog. And it's so cute.

"Ang cute mo talaga, Minho..."

Bulong ko. Hinawi ko yung buhok nya sa gilid at hinalikan sya sa kanyang noo. Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan tong braso ko. Bago pa ako makapagreact ay bigla nya nalang ako hinila. At namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa tabi nya. He grabbed my waist and pulled me closer to him. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon