The thing that happened the other day got me smiling all day. Nagmumukha na akong baliw kakaisip nun. Ng tumunog na yung bell, ay niyaya na agad ako ni Woojin na kumain ng lunch dahil kanina pa sya gutom na gutom.
Habang kumakain kami ay inaalala ko ulit yung nangyari nun. Di ko nanaman mapigilan mapangiti.
"Hoy."
Natauhan ako ng biglang sipain ni Felix tong paa ko. Agad ako napatingin sa kanya.
"Bakit?"
"Napansin ko na kanina ka pa pangiti-ngiti dyan. Tell me, dahil ba dun sa Minho na yun?"
Tanong nya at di naman ako nakasagot. Bigla nalang nanlaki yung mga mata nya.
"M-may something na ba sa inyong dalawa??"
Tanong nya at wala na akong nagawa kundi ikwento nalang sa kanya yung nangyari. Magmula dun sa niyaya nya ako hanggang sa...alam nyo na yun Haha. Gulat na gulat naman sya.
"You two....KISSED?! WHAT THE F—"
Agad ko tinakpan yung bibig nya dahil baka may makarinig.
"Shh! Wag ka ngang maingay!"
Sabi ko at inalis na yung kamay ko mula sa bibig nya. Di pa din sya makapaniwala sa nangyari.
"So you really are inlove with him, huh? I knew it!"
"Tss. So what kung inlove ako sa kanya? Is it a bad thing?"
"Di ko naman sinasabi na masama yun. But you better be careful. What if it's just one sided love? What if di ka nya gusto?"
Sabi nya at di ko alam ba't natigilan ako. One sided love, huh? Napahinga ako ng malalim at napatitig sa pagkain ko. I never thought of that. My mood went down the drain.
"Hey. Sinasabi ko lang naman—"
"I understand. Tara, bilisan na natin kumain at baka malate pa tayo."
Sabi ko kay Felix at tumango nalang sya.
• • •
After class ay dumiretso na agad ako sa labas. Tuturuan ko na ulit yun si Minho. Ng makalabas na ako sa school ay nakasalubong ko si Chan.
"Oh, hi Lori!"
Bati nya ng makita ako. Nginitian ko nalang sya.
"Let me guess, tuturuan mo si Minho ngayon?"
Tanong nya at tumango naman ako.
"Hmm, okay. Nakita ko sya kanina. Nagmamadali sya at mukhang may pupuntahan sya. Di ko sure eh. Mukhang uuwi na siguro yun. Sige, may tatapusin pa ako. Goodluck!"
Sabi nya at tinapik tong balikat ko tsaka naglakad paalis. Alam naman siguro ni Minho ngayon na may session kami, diba? Napahinga nalang ako ng malalim tsaka nagpara na ng jeep papunta sa bahay nila. Oo nga pala, di ko rin sya nakita buong araw kanina. Hmm.
• • •
"Naku, nakauwi na sya eh sabi nya may pupuntahan daw sya at babalik naman daw sya agad. Ok lang sayo na hintayin mo sya?"
"Umm..ok lang po. Hehe."
Sabi ko kay Tita May. San nanaman kaya sya nagpunta?
"O sige. Itetext ko nalang sya. Kung may kailangan ka, wag kang mahiyang tawagin ako ah?"
Sabi sa akin ni Tita May at tumango nalang ako. Naglakad na sya paalis at ako naupo na muna sa sofa nila.
Habang inaantay sya ay nagbasa nalang muna ako ng mga notes.
Ilang oras na ang nakalipas at di pa rin dumadating si Minho. Napatingin ako sa relos at nakitang lagpas 7:00 na. Baka hanapin na ako nila Mama. Tumayo na ako at niligpit na yung mga gamit ko. Sakto naman dumating ulit si Tita May.
"Umm Tita, uuwi na po ako. Baka po hanapin na ako nila Mama e. Bukas ko nalang po sya tuturuan."
"Sige. Pasensya ka na kung di sumulpot yun si Minho ah."
"Naku, ok lang po. Sige po, mauuna na po ako."
Ng makapagpaalam na ako sa kanya ay dumiretso na ako sa labas. Ba't di man lang sumulpot yung lalaking yun? Hays. Pagsara ko ng pinto nila ay maglalakad na sana ako pero natigilan ako ng makita ko si Minho na kakarating lang at hingal na hingal pa.
"Lori..."
"S-san ka galing?"
Tanong ko. Naglakad sya papalapit sa akin.
"M-may inasikaso lang ako. Sorry kung di ako sumulpot agad.."
"Ok lang. Bukas nalang kita tuturuan. Sige na, pumasok ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Tita."
Sabi ko at naglakad na paalis. Maya-maya ay narinig kong may biglang bumagsak, dahilan para matigilan ako. Dahan-dahan ako napalingon at nanlaki mga mata ko ng makita kong nakahandusay sa sahig si Minho.
"MINHO!!"