34

1.2K 49 27
                                    

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Di naman ako makatingin sa kanya kase everytime na haharap ako sa direksyon nya eh mapapatingin rin sya sa akin tapos ngingisi pa! Kaya dito sa bintana nalang ako nakatingin. Oks na yun ganda naman ng view sa labas.

Maya-maya ay bigla syang nagsalita.

"Gusto mong magpatugtog?"

Tanong nya at tumango nalang ako. Binuksan nya na yung radyo at meron kanta na tumutugtog ngayon.

// Bee Gees - How deep is your love //

♬ I know your eyes in the morning sun.
   I feel you touch me in the pouring rain
   And the moment that you wander far
  from me, I want to feel you in my arms again.. ♬

Sa lahat ba naman ng kanta, bakit eto pa? Bakit love song pa? Napasulyap ako kay Minho at nakitang nakikisabay rin sya sa pagkanta. Saglit ko syang pinagmasdan.

♬ And you come to me on a summer breeze, Keep me warm in your love,
then you softly leave,
And it's me you need to show

How deep is your love, How deep is your love
I really mean to learn
'Cause were living in a world of fools
Breaking us down when they all shoud let us be
We belong to you and me... ♬

Naramdaman ko nanaman muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lagi nalang to nangyayari sa tuwing pinagmamasdan ko sya aaa. Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Nababaliw na ba ako?

"Inlove ka na sa akin nyan?"

Bigla nyang sabi dahilan para matauhan nanaman ako. Agad ako umiwas ng tingin at muling humarap sa may bintana. Di ako kumibo and he chuckled, which is kinda cute tho.

"Sus. Ayaw mo pa aminin na may gusto ka sa akin."

Sabi nya at di pa rin ako kumikibo. It's hard to deny that you have feelings for someone. But, it's easier to pretend that you don't.

"Hey. Ok ka lang? Ba't bigla kang tumahimik dyan?"

Tanong nya. Bigla nyang pinatay yung tugtog sa radyo.

"Hmm, ayaw mo siguro ng kanta?"

Sabi nya. Hays, kelan ko kaya masasabi sa kanya itong nararamdaman ko? Alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi nya ako magugustuhan.

Dahil.....tutor nya lang ako. At hanggang dun lang yun.

• • •

"Andito na tayo!"

Nakangiti nyang sabi ng maipark nya na sa gilid itong kotse nya. Napatingin ako sa labas at nakita kong nasa isang amusement park kami. What the? Ba't dito nya naisipan pumunta? Bumaba na kami sa kotse at mula sa pwesto namin ay kitang-kita na yung malaking ferris wheel.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Minho at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ko.

"Dati nung bata ako, gustong-gusto ko pumunta dito. Hanggang ngayon actually."

Sabi nya. Bigla ko nalang naalala yung picture nya nung bata pa sya nung tinignan ko yung photo album nila. Di ko mapigilan mapangiti.

"Sa wakas ngumiti ka na rin! Teka, ba't bigla-bigla kang ngumingiti??"

"Wala. May naalala lang ako."

Sabi ko. Napangiti rin sya at ginulo-gulo tong buhok ko.

"Sus. Tara na! Magpakasaya na tayo ngayong araw!"

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon