Minho
"Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba. It's always you.."
Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at tinignan sya ng seryoso.
"Pero, dati yun. Do you expect na
matapos mo akong lokohin ng ganun, mamahalin pa rin kita?"Seryoso kong sabi sa kanya. Umiyak nanaman sya at pilit hinahawakan tong kamay ko pero inilayo ko agad ito. Di ko akalain na may gana pa syang magpakita sa akin matapos nya akong gaguhin.
"Alam mo, buti pa si Lori. Lagi sya nandyan sa tabi ko sa oras na kailangan ko ng tulong. Ikaw? Nasaan ka nung kailangan ko ng tulong mo? Diba nakikipaglandian ka?"
"M-minho, I'm–"
"Tama na. Di ko na kailangan marinig yang sorry mo. Umalis ka na."
Sabi ko. Tumalikod na sya sa akin at tumakbo na palabas. Saktong paglabas nya ay meron pumasok. At di ko inaasahan na si Chan iyon.
"Chan? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko. Napahinga naman sya ng malalim tsaka naglakad papalapit sa akin.
"Nabalitaan ko na nahospital ka kaya naisipan kong dalawin ka. Bakit? Are you expecting someone else?"
Tanong nya. Magsasalita na sana ako pero inunahan nya ako.
"Si Lori ba inaantay mo?"
Teka, pano nya nalaman??
"Pano mo–"
"Kasama ko sya papunta dito. Eh kaya lang, sabi nya na gusto nya na umuwi kaya hinatid ko na sya. Di mo ba alam anong ginawa mo, ha? Tatanungin kita, anong ginawa mo kay Lori at bakit sya umiiyak?"
Seryoso nyang tanong sa akin at di ko maiwasan magulat ng dahil sa sinabi nya. Ano?! Si Lori umiiyak ng dahil sa akin?! Anong ginawa ko?!
"Teka, wala akong ginawa sa kanya!"
Depensa ko. Teka, baka nakita nya kaming nag-uusap. Tsk! Kailangan ko syang mapuntahan! Nagkakamali sya ng iniisip!
"Kailangan ko syang mapuntahan!"
Sinubukan kong tumayo pero pinigilan nya naman ako.
"Wag mo ng tangkain puntahan sya. Sa tingin mo ba gusto ka pa nya makita?"
"Wala akong ginagawang mali sa kanya! At kung meron man, nagkakamali kayo!"
Nagpupumiglas ako. Kailangan ko mapuntahan si Lori! Bigla nalang ako itinulak ni Chan.
"Tama na, Minho. Wag mo ng sayangin ang oras mo! Pinaiyak mo na sya! Sa oras na makita kong pinaiyak mo ulit si Lori, baka makalimutan kong naging kaibigan kita."
Sabi nya. Isinara ko ang aking kamao dahil sa inis. Muli nya akong tinignan bago sya naglakad palabas. Ng makaalis na sya ay agad ko kinuha cellphone ko at tinawagan si Lori.
Nakailang tawag na ako at di nya pa rin iyon sinasagot. Kailangan ko syang mapuntahan!
Tinanggal ko lahat ng nakakabit sa braso ko. Kahit na medyo nanghihina pa ako ay sinikap ko pa rin tumayo. Sinuot ko yung jacket ko at lumabas mula sa aking kwarto. Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko si Mom na gulat na gulat ng makita ako.
"Minho?? San ka pupunta??"
Tanong nya. Di ko na muna sya pinansin at tumakbo papalabas ng hospital. Ng makalabas na ako ay nakita kong papalubog na yung araw.
"MINHO! MINHO!"
Rinig kong tawag ni Mom. Sorry Mom, kailangan kong mapuntahan si Lori.
• • •
Nakarating na ako sa bahay nila. Napahawak ako sa aking tuhod habang hinahabol ang aking hininga. Pagtapos ay agad ako lumapit sa pintuan at kumatok ng ilang beses.
"Lori! Lori! Please! Mag-usap tayo!"
Pagmamakaawa ko. Bumukas yung pinto at akala ko si Lori iyon pero yung Mama nya lang pala. Gulat na gulat sya ng makita ako. Agad nya ako inalalayan.
"Minho?? Anong ginagawa mo dito??"
"S-si Lori po, nasan??"
"Naku di pa sya nakakauwi. Di nya rin sinasagot yung tawag ko."
Sabi ni Tita at napamura naman ako. God damn it, Lori! Nasan ka?! Tumakbo na ulit ako palayo at kahit medyo nawawalan na ako ng hininga ay sinikap ko pa rin hanapin si Lori. Kahit abutin man ako ng hating gabi dito basta mahanap ko lang sya.
...
an: sorry if this is very lame asf! forgive me :(