11

1.4K 66 20
                                    

"WHAT?! Akala ko ba di mo na sya tuturuan?? Ba't ka pumayag uli??"

Sunod-sunod na tanong sa akin ni Felix. I sighed.

"Pumayag lang naman ako dahil sa sinabi nyang may sakit si Tita eh.."

"Tch. Still, hayaan mo nalang yung lalaking yun. What if he's only joking?"

Tanong nya.

"What if he's not? Wag ka mag-alala Felix. Nagpromise na yun sa akin na di nya na ako aasarin."

"Psh. Fine."

Sabi nya. Ngumiti ako at ginulo-gulo yung buhok nya. Ang protective talaga ni Felix sa akin. Kaya para ko na syang kuya eh. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na. Ng makalabas na ako sa school gate ay nakita ko si Minho na nakasandal sa may kotse. Ng makita nya ako ay lumapit sya sa akin.

"Kotse mo yan?"

Tanong ko sabay turo dun sa mamahaling kotse sa likuran nya. Ngumisi naman sya at tumango.

"Yup. Ang ganda diba?"

"Psh. Wala akong sinasabi."

"Tara, sakay ka na."

Sabi nya sabay bukas ng pinto dun sa harapan. I sighed at binuksan yung pinto sa may likod at pumasok na sa loob. There's no way I'm sitting beside him!

"Ba't ayaw mong tumabi sa akin, huh?"

Nakangisi nyang tanong sa akin.

"Ayaw kitang katabi. Period."

Sagot ko. He just chuckled and closed the door. Sumakay na rin sya sa loob at pinagana na yung kotse nya. Inayos nya yung rearview mirror nya at tinignan ako mula dun.

"Anong tinitingin mo dyan, ha?"

"May bubble gum yung buhok mo."

Sabi nya. Nanlaki ang aking mga mata at agad ako napahawak sa buhok ko.

"HALA?! ASAN?!"

Kinapa-kapa ko buhok ko at wala naman akong naramdaman na may bubble gum. Maya-maya narinig ko syang tumawa na parang tanga.

"HAHAHAHA! Joke lang."

Sabi nya at sinimulan ng magdrive. I glared at him. Minho you little shit!

• • •

"Salamat dahil pumayag ka ulit na turuan sya."

Nakangiting sabi sa akin ni Tita May. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Walang anuman po. At sorry rin po nung nangyari nung isang araw. Nabadtrip ho kasi ako sa anak nyo e."

Pabiro kong sabi at natawa naman sya. Napatingin si Tita May sa may sala kaya maging ako ay napatingin rin. Sa may sala ay andun si Minho na nagcecellphone. Narinig kong napabuntong hininga si Tita May.

"Sadyang makulit lang talaga yan. Pero mabait naman sya."

Sabi ni Tita May. Gusto kong matawa sa sinabi nya. Si Minho, mabait? Sus! Are you kidding me?

"Umm, sige po. Tuturuan ko na po ulit sya."

"Ah, sige. Tawagin nyo nalang ako kung sakaling may kailangan kayo ok?"

Sabi nya at tumango nalang ako. Bumalik na ulit ako sa sala at naupo na sa pwesto ko kanina, sa tapat nya.

"Hoy, tama na yan. Sagutan mo na ulit to."

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon