16

1.2K 63 15
                                    

Pagkasend sa akin ni Felix kung san club nagpunta yung Minho na yun, ay nagpaalam agad ako kila Mama at dumiretso na dun. Bwisit sya ba't sya nagsinungaling sa akin?!

Ng makadating ako dun ay nakita kong may dalawang malaking lalaki ang nagbabantay dun sa may entrance ng club. Tsk. Pano ako makakapasok neto?!

Habang nag-iisip ako ng paraan pano makapasok sa loob eh may bigla nalang tumawag dun sa dalawang lalaki. Ng makaalis na sila dun ay agad ako tumakbo papasok.

Pagpasok na pagpasok ko palang dun sa club ay bumungad agad sa akin ang malakas na tugtog at halo-halong amoy ng pabango na medyo nakakahilo.

Hinanap ko agad si Minho kahit na alam kong imposible ko syang mahahanap agad dahil andaming tao ang nandito. May nakakabangga sa akin pero di man lang nag-sosorry. Tss! Patalsikin ko sila eh!

Ng makarating ako sa may dulo ay namataan ko na si Minho na nakaupo sa may upuan at napapalibutan sya ng mga babae. Puta may girlfriend na sya diba?! Napahinga ako ng malalim at lalapitan na sana sya ng biglang may humawak sa aking braso. Paglingon ko ay meron akong nakitang isang lasing na lalaki na muntanga.

"Hi, babe."

Nakangisi nyang sabi sa akin at punyeta amoy alak pa yung hininga nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Baka gusto mong sapakin ko yang pagmumukha mo? Bitawan mo nga ako!"

Sabi ko at sinubukan ilayo yung braso ko pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Wow, ang tapang mo naman. Gusto mo bang sumama sa akin?"

Sabi nya at kinabahan ako ng hawakan nya bewang ako. Putaaa baliw tong lalaking to! Buong pwersa ko syang tinulak palayo at muntikan pa syang mahulog sa sahig. Tinignan ko sya muli ng masama.

"B-bastos ka! Wag mo akong lalapitan!"

Sabi ko. Tumalikod na ako at naglakad na papalapit kay Minho ng biglang hawakan nanaman nung lalaki itong braso ko.

"Ano ba?! Bitawan mo ako!"

"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!"

Sabi nung lalaki at kinaladkad ako papalabas ng club. At pinagtitinginan lang kami ng mga tao dun. Punyeta sila!

"TULONG!! TULONG!"

Sigaw ko. Dinala ako nung lalaki sa may likod ng club.

"TULONG!!"

Sigaw ko ulit. Minho, asan ka na ba?!

"Manahimik ka kung ayaw mong paduguin ko yang labi mo!"

Pagbabanta nya. Sa mga oras na yon, di ko na maiwasan maiyak. Buong buhay ko, ngayon ko palang naranasan ang ganto. Kaya takot na takot ako nun lumabas sa bahay mag-isa. Dapat pala di ko nalang pinuntahan si Minho. Bakit ko pa ba sya pinuntahan dito? Sya nagpapakasaya sa loob at ako dito nasa pahamak. Ano pa nga bang aasahan ko dun sa lalaking yun?! Ni wala ngang pake sa akin yun kaya bakit aasa pa ako na ililigtas nya ako!?

Pilit akong pinasakay nung lalaki sa kotse nya.

"Sakay!"

Sigaw nya. Mas lalo akong naiyak nung tutukan nya ako ng baril sa ulo ko. Tatakbo na sana ako palayo pero mabilis akong hinawakan nung lalaking yun sa leeg. Ito na siguro ang katapusan ko..

"Sinabi ko ng---"

"BITAWAN MO SYA!"

Parehas kaming nagitla ng biglang may sumigaw. Pagtingin ko sa likod ng lalaki ay bumilis tong tibok ng puso ko ng makita ko si...Minho. Binitawan na ako nung lalaki at nahulog naman ako sa sahig. Napahawak ako sa leeg ko at napaubo-ubo.

"Sino ka, ha?!"

Pagtingin ko sa kanila ay nagulat ako ng sapakin ni Minho yung lalaki sa mukha. Napatumba naman yung lalaki. Lumapit si Minho sa kanya at walang awat pinagsasapak yung lalaki. Maya-maya dumating ang mga pulis. Tumayo agad yung lalaki na bugbog sarado na at kumaripas agad ng takbo palayo. Tinuro naman ni Minho sa mga pulis kung san nagpunta yung lalaki at agad nila hinabol iyon.

Ng makaalis na sila ay agad lumapit sa akin si Minho.

"Lori, ok k----"

"S-SA TINGIN MO BA, OK LANG AKO MATAPOS YUNG NANGYARING YUN! MINHO MUNTIKAN NA AKONG MAPAHAMAK! AT BAKIT KA NAGSINUNGALING SA AKIN, HA?! KAYA KITA PINUNTAHAN DITO PARA AWATIN KA AT PARA DI KA MALAGOT KAY TITA! B-BWISIT KA! AKALA KO KATAPUSAN KO NA!"

Sabi ko at napahagulgol.

"B-BWISIT KA! B-BWISIT KA!"

Sabi ko at pinaghahampas sya sa braso nya. Pero hinawakan nya kamay ko at nagulat ako ng yakapin nya ako. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko..nyeta tong puso ko bad timing naman!!

"Pasensya na, Lori. Kasalanan ko to. At pasensya na rin kung di kita nailigtas agad..."

Sabi nya. Napapikit nalang ako.

Bwisit ka Minho...

...

an: lol sorry kung ang corny masyado aaa

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon