14k Special

931 38 8
                                    

Lori

Nakaupo lamang ako sa maliit na hagdan sa may front porch ng bahay nila Minho. Muli akong napasulyap sa relos na suot ko at nakitang 9 na ng gabi. Kanina pa akong ala sais naghihintay dito at hanggang ngayon hindi pa din sumusulpot si Minho. Nagyaya kasi sya na kumain kami. Maging si Tita May di rin alam kung nasan si Minho pero sinusubukan nya daw tawagan para sa akin.

Napabuntong hininga ako at bahagyang niyakap ang aking sarili habang nakapatong ang braso ko sa aking hita. Pinagmamasdan ko lang yung mga bituin sa kalangitan ng marinig kong may tumawag sa akin.

"Lori!"

Dahan-dahan ako napatingin sa harap at nakita na si Minho. Tumayo na ako at kaagad naman ako nilapitan ni Minho. Ng makalapit na sya sa akin ay hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa aking noo. Napahinga nalang ako ng malalim.

"Pasensya na kung natagalan ako. Bigla kasing nagpapractice yung President namin."

Paliwanag ni Minho at hinawakan tong kamay ko. Bahagya naman akong napangiti at sinubukan intindihin yung rason nya.

"Ok lang.."

"Sorry talaga, Lori. Tara na, kumain na tayo. Baka nagugu–"

Umiling naman ako sa sinabi nya. Tinignan nya naman ako diretso sa aking mata habang hawak-hawak pa rin yung kamay ko.

"Lori–"

"Sa susunod nalang tayo kumain, Minho. Anong oras na at panigurado nagsisisarahan na yung mga kainan. At tsaka baka napapagod ka na rin. Kailangan mo na rin magpahinga baka mapano ka nanaman."

Mahinahon at kalmado kong sabi. Saglit naman di nagsalita si Minho habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay napahinga sya ng malalim at hinawakan tong pisngi ko.

"Pasensya na talaga, Lori. Ihahatid na kita pauwi."

"Wag na. Tsaka malapit lang naman yung bahay namin, kaya ko na to."

Sabi ko at ngumiti sa kanya. Napangiti nalang rin sya at niyuko ang kanyang ulo at hinalikan ako sa labi. Kumalas na sya at isinandal yung noo sa akin.

"Babawi ako sa susunod, Lori."

Sabi ni Minho at tumango nalang ako. Dahan-dahan nya ng binitawan tong kamay ko. Nagpaalam na ako sa kanya at tumalikod na. Ng makatalikod ako ay napawi tong ngiti ko at muli akong napahinga ng malalim. At nagsimula na akong maglakad pauwi.

Sa totoo lang, ilang beses nya na iyon nasasabi sa akin. Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na nagiging busy na rin si Minho at dahil dun di na kami nagkakaron ng oras para mag-sama o gumala. Sa tuwing nagyayaya sya at late na sumusulpot katulad ng kanina, lagi nyang sinasabi na may practice kuno sila o kaya sinamahan nya mga kaibigan nya sa kung saan man. Ayoko naman magalit sa kanya at kitang-kita ko rin na napapagod sya. Kaya naman kahit ilang beses ko na rin naririnig yung mga rason nya, sinusubukan ko nalang sya intindihin kesa magkagulo pa kami.

We've been dating for how many months now. At sobrang thankful ko dahil kahit na marami na kaming napapagdaanan nitong mga nakaraang araw, we still have each other. May mga araw rin na tinutulungan ako ni Minho at ganun rin ginagawa ko sa kanya. Pero ngayon, di ko alam bakit kinakabahan ako. At ayoko mag-isip ng kung ano-ano.

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon