37

1.1K 48 34
                                    

Agad namin sinugod si Minho sa hospital. Habang inaantay namin makalabas yung doctor ay pinapakalma ko si Tita May. Maya-maya ay dumating na rin sila Mama at sinamahan si Tita May. Di ko rin maiwasan kabahan. Bakit bigla-bigla syang nahimatay?? Ano ba ginawa nya??

Maya-maya ay nakalabas na yung doctor. Agad ako lumapit sa kanya.

"Doc, kamusta na po sya?"

Tanong ko at lahat kami nakatingin sa kanya ngayon, inaabangan ang kanyang sasabihin.

"Di naman masyadong malala ang nangyari sa kanya. Mataas po ang kanyang lagnat at medyo nawawalan sya ng hininga kaya po sya nahimatay. Wag po kayong mag-alala dahil ok na po sya ngayon at pwede nyo na sya puntahan mamaya. Sa ngayon, kailangan nya munang magpahinga."

Sabi ng doctor at nakahinga ako ng maluwag. Nagpasalamat na kami at umalis na yung doctor. Buti nalang di malala yung nangyari kay Minho. Pero, bakit di man lang nya sinabi na nilalagnat sya?

• • •

"Anak, bibili lang kami ng pagkain. Ikaw na muna magbantay sa kanya."

Sabi sa akin ni Mama. Tumango nalang ako. Ng makalabas na sila ni Tita May ay muli akong napatingin kay Minho na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kanyang kamay at dahan-dahan hinimas ito.

"Minho, ba't di mo sinabi na nilalagnat ka? Yan tignan mo tuloy nangyari.."

Biro ko. Kinapa ko yung noo at leeg nya at medyo mainit pa din sya. Napahinga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Ang amo ng tsura nya kapag tulog sya. Hinawi ko yung buhok nya papunta sa gilid at pinunasan yung pawis na namumuo sa kanyang noo.

Maya-maya ay naramdaman kong gumalaw na yung daliri nya. Agad ako napatingin sa kanya.

"Lori..."

Pabulong nyang sabi. Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mata hanggang sa mapatingin sya sa akin.

"Lori, anong nangyari?"

Tanong nya. Di ko na napigilan ngumiti dahil gising na sya. Inalalayan ko syang maupo at tsaka ko kwinento sa kanya yung nangyari.

"S-sorry kung pinag-alala ko kayo. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko at di ko naman masabi sa inyo dahil ayoko na kayong mag-alala pa sa akin, lalo na si Mom.."

Sabi nya. Napahinga naman ako ng malalim.

"Kahit na, dapat sinabi mo pa rin. Tignan mo tuloy nangyari sayo..."

Sabi ko at nagpout. Parang bata lang. Ngumiti sya sa akin at ginulo-gulo tong buhok ko.

"Ang cute mo, alam mo ba yun?"

Sabi nya at naramdaman ko nanaman ang pagbilis nitong tibok ng puso ko. Nilalagnat na nga sya nakuha nya pang mangbola! Napakagaling! Pero biglang napawi tong ngiti ko ng maalala ko yung sinabi ni Woojin. One sided love...

Napayuko ako at mukhang napansin nya.

"Bakit, Lori?"

"B-bakit ko ginagawa to? H-hindi mo naman ako nagugustuhan, diba?"

Sabi ko at ngayon ko lang napansin na hawak ko pa pala yung kamay nya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. One sided love sucks. Bibitawan ko na sana kamay nya ng bigla nyang hawakan yung kamay ko ng mahigpit. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon