39

1K 47 49
                                    

Saktong pagtapos ng klase ay nagpaalam agad ako kay Woojin. Naikwento ko na rin sa kanya na nahospital si Minho.

"Mag-iingat ka ah?"

"Opo!"

Sabi ko sa kanya at dumiretso na sa labas. Ng makalabas na ako ay sakto naman nakasalubong ko si Chan.

"Oh, Lori."

"Hi."

"Balita ko na nahospital si Minho. Pupuntahan mo ba sya ngayon?"

Tanong nya. Tumango ako. Teka, pano nya nalaman? Ay, oo nga pala. Naging magkaibigan nga pala sila.

"Sakto, pupuntahan ko rin sya. Tara sabay ka na sa akin."

"Umm, sige."

Sabi ko at dumiretso na kami sa kotse nya.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa. Bigla ko nalang naalala yung pumunta kami ni Minho sa amusement park nun. Napatingin ako sa radyo at namalayan ko nalang na inilapit ko kamay ko dun at binuksan iyon. At nakakagulat dahil How Deep is Your Love rin ang tumutugtog ngayon sa radyo. Is it just a coincidence?

"Wow, alam mo rin yan kantang yan?"

Nakangiting tanong sa akin ni Chan.

"A-ah, naririnig ko lang rin minsan sa kapitbahay namin."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Nagkaron ng sandaling katahimikan. Maya-maya ay nagsalita na rin sya.

"May...namamagitan ba sa inyo ni Minho?"

Di ko maiwasan magulat ng dahil sa tanong nya. Agad ako napatingin sa kanya.

"Sorry kung natanong ko yun. Napansin ko lang kasi nung mga nakaraang araw na palagi kayo magkasama.."

Sabi nya ng di tumitingin sa akin. Nakafocus lamang ang atensyon nya sa kalsada. Napakagat ako sa aking labi at di alam ang sasabihin.

"I'm kinda jealous tho.."

Rinig kong bulong nya. Muli akong napatingin sa kanya.

"Ano?"

"Wala."

Sabi nya at sumulyap sa akin tsaka ngumiti. Hmm.

Maya-maya ay nakarating na kami sa hospital. Nauna na ako pumasok habang naghahanap pa ng paparkingan si Chan. Dumiretso na agad ako sa kwarto nya. Di ko alam bakit kinakabahan ako tho. Tss, si Minho lang naman yun eh akala mo naman ibang tao ang makikita mo.

Pagdating ko dun ay nakita kong nakabukas ng onti yung pintuan ng kwarto nya. Hmm, naiwan siguro nilang bukas? Huminga ako ng malalim at papasok na sana pero natigilan ako ng makita kong may kausap si Minho na babae. Di ko makita kung sino dahil nakatalikod ito sa akin.

"I'm sorry, Minho."

Rinig kong sabi ni Minho. Dun ko napagtanto na yung kausap ni Minho ngayon ay yung...ex nya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko ng makita kong niyakap nya si Minho. Minho slowly hugged her back.

"Shh. Wag ka ng umiyak.."

Rinig kong sabi ni Minho habang pinapakalma nya yung ex nya. Naramdaman kong may luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

"Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba. It's always you.."

Ng marinig kong sinabi iyon ni Minho ay para akong nabuhusan na malamig na tubig. Ibig sabihin...niloloko nya lang ako? Kaya nya ba sinabi na nagugustuhan nya ako ay dahil nakikita nya ako sa ex nya? Kaya nya ba ginawa yun? I should have known. Tuluyan ng tumulo tong luha mula sa mata ko.

Everything that has happened including yesterday, was just nothing. It was all just a lie. And I can't believe I fall for it.

Di ko na nakayanan pa at umalis na ako dun. Di ko na rin mapigilan mapaiyak. Wala na, nawasak na tong puso ko. Ng makalabas na ako ay nakasalubong ko si Chan.

"Lori? Bakit ka umiiyak?"

Tanong nya. Di ko na napigilan pang yakapin sya. Sobrang sakit lang.

"G-gusto ko ng umuwi.."

Sabi ko kay Chan. Wala na syang ibang sinabi at agad nya naman naintindihan kaya tumango nalang sya at hinatid na ako pauwi.

Minho, di ko akalain na kaya mo akong lokohin ng ganun...

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon