Nirvana's POVAgad kong ipinarada ang sasakyan sa parking lot. Tinanggal ko ang helmet at tumingin sa paligid. One word..
Glamorous
Nag aral na ako sa magagarbong eskwelahan pero hindi sing garbo nitong nasa harap ko ngayon. Well.. What can i say? Mayaman ang may ari eh.
Pansin kong wala ng tao sa paligid. Tahimik at payapa. Tumingin ako sa itaas at nakita sa tower ang Big wall clock. Ohhh. May ganon din sila dito.
But then again this is not the right time to praise the surrounding, its almost 8:30 am. Late na ako sa klase. Pumasok ako sa unang hallway na nakita ko't naglakad ng mabilis.
Ngunit napansin kong walang tao ang bawat silid. Huh? Oras ng klase ngayon hindi ba? Nasaan sila? Hindi kaya nagkamali ako ng pinasukan? Hindi ata ito ang school na 'yon. Niloko ata ako ng Ale.
Sa pagmamadali ay may nabunggo akong tao.
"Sorry, sorry po. Pasensya na talaga." Daliang bawi nito habang nakayuko pa. Nagtaka naman ako. Hindi naman malakas ang pagkakabunggo namin.
Nang hindi ako sumagot akmang tatakbo na ulit ito ngunit hinawakan ko ito sa braso. Napansin kong malamig ito. Napatalon pa ito sa gulat kaya naman napabitiw ako.
"Ito naman ang Empyrean hindi ba? Hindi naman ako nagkamali.. siguro?" Kamot ulong saad ko pa. Ngunit nakayuko pa rin ito.
"Opo ito po, nasa field po ang lahat dahil may Announcement."
Napahinga ako ng malalim. Hayy buti naman.
"Doon na rin ba ang punta mo? Sasabay na ako." Saad ko. Hindi naman ito nagsalita at naglakad nalang, bahagyang nakayuko pa rin ang ulo.
Hindi ko na ito pinansin at sumunod nalang sa kaniya habang nasa likod niya ako. Tinitignan ko ang paligid. Iniisip kung bakit ako nandito ngayon. Hindi ito ang mundo ko.
Hindi ko din alam kung bakit pumayag sila mama at papa na mag-aral ako dito. Although pwede naman akong humindi kung ayoko. Pero alam kong may gagawa at gagawa parin ng paraan para mapa-oo ako. Aaahhh. That brat. Hecate.
Natigil lang ako sa pag iisip ng mabunggo ako sa likod ng babaeng sinusundan ko. Tinignan ko ang harap at nakitang halos lahat sila ay nakatingin samin, may halong gulat at pagtataka Tsk. I hate stares.
Hindi ko na pinansin ang mga mata ng tao at taas noong nag tuloy tuloy sa paglalakad. Ngunit ng maramdamang walang sumusunod sa akin ay huminto ako at lumingon.
Nakita ko 'yong babaeng pinagtanungan ko kanina. Nakayuko pa rin. That's when i realize that everyone was staring at her. Not in me.
"Miss." Tawag pansin ko dito. Bahagyang tumingin ito sakin kaya naman sinenyas ko ang ulo kong sumunod na siya. At naglakad na ako habang ang mga kamay nakasuot sa parehong bulsa ng pants.
Pumwesto ako doon sa dulo, ilang bakante nalang ang meron. Naupo na ako. Nang ibaling ko ang tingin sa harapan ko'y nakita ko ang ilang estudyanteng nakatingin sa akin. Tinignan ko naman isa isa ng walang bakas ng emosyon at binawi agad nila ang mga tinging 'yon.
Halos magsisimula palang pala ang program. Sakto. Pinag krus ko ang braso ko at nakinig sa speaker habang malayo ang tingin.
"Goodmorning students. As you all know this is the very first time to let all of you be together said by the ministry. We should get along with each other. Even if not everyone of you are in the same nation, i hope this will become the root to your strong friendships and unity." Nag sigawan ang iba sa tuwa. Nakinig lang ako at nagmasid.
YOU ARE READING
The Arise Of Freewill
FantastikFANTASY ODYSSEY #1 The myth of an unknown will be unfold. Many will gained hope because of some unfamiliar power that can destroy everything. Stubborn girl with a great heart will be his protector. Come and join me in this journey.