cнapтer тwo: ☾elevaтor ѕcene☽

79 11 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶

Napa-upo na lang ako sa kama ko pagkatapos kong naibato ang sapatos ko sa kung saan. Tumingin lang ako sa repleksyon ko sa human-sized na salamin sa harap ng kama ko, mirroring my haggard form.

Bakas na bakas sa mukha ko ang sakunang pinagdaanan ko ngayong araw na 'to.

Napahiga ako sa kama habang ang utak ko ay umiikot sa sinabi niya sa 'kin.

“Wag mong sinasagad ang pasensya ko, Montezell. Dahil baka mawala rin ang pasensya ko sa paghihintay na mabayaran ng tatay mo ang utang niya sa 'kin.”

“At alam mo ba kung ano pang kaya kong gawin?”

“Ang ipakulong siya.”

Paulit-ulit na nagpe-play yung mga last words niya sa akin bago niya ako itinaboy.

Sino bang mag-aakala na ang boss ko ay isang miyembro ng mafia, at pinagkakautangan pa ng tatay ko, diba?

Matagal ko nang kasama ang boss ko na 'yon, at alam ko na ang lahat ng bagay na sinasabi niya ay ginagawa niya. Sapat na ang isang taon ng pagta-trabaho ko sa kanya para mapag-aralan ang strategy niya, at alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat maliitin ang banta niya kanina.

Hindi man kami masyadong close nung lalaki na yun na itinuturing ko na sperm donor lang ay hindi ko naman papayagan na makulong siya. Alam ko na dapat siyang magdusa dahil sa mga ginawa niya, pero para bang may bumubulong sa 'kin na huwag ko siyang pabayaan ng ganun ganun na lang. Weird, I know.

Dinampot ko naman ang cellphone ko sa bag at dun ko nakita ang napakaraming missed calls ni Krys.

Shocks! Nakita niya ba ako kasama yung devil na 'yon?

Binuksan ko ang isa sa mga text niya.

KRYS
Ny! Nasaan ka?

12:46 A.M.

Napatingin ako sa wall clock, 2:30.

Halos dalawang oras ko pala kasama ang demonyo kong boss na 'yon. Hindi ko mapigilang mainis nang maalala ko ang paga-asta niya kanina. What a jerk.

ME
Hey Krys! Sorry ngayon lang kita nareplayan, kasi..

Nahinto naman ako bigla nung nai-type ko na yung 'kasi'. Sasabihin ko ba na nahuli ko kasi ang boss ko na kabilang pala sa mafia kaya kinaladlad niya ako palabas ng club at tinakot ako, ganon?

Napa-sigh naman ako habang umiisip ng mas maganda at mas effective na palusot.

ME
Hey Krys! Sorry ngayon lang kita nareplayan, kasi nagka-family emergency kaya hindi ko na nagawang magpaalam.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon